KATHRYN'S POV
After namin makapagusap ni Tita Karla sa garden, naisip naming magliwaliw muna. Nung una, parang ayaw ko pa sana sumama kaso pinilit niya ako eh. Kaya ayun, sumama na ako.
At ayun, nag mall na lang kami. Kumain sa labas, shopping shopping na rin.
Si Tita Karla kasi, she's like my second mom. Sobrang close na kasi talaga kami. Maliliit pa lang kami ni Gino, close na rin sila ni Mommy. Kaya kilalang kilala niya na ako.
Nung pauwi na kami, nagtatawanan pa kaming pumasok ni Tita Karla.
Ang saya saya pa namin ng biglang...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Nak?"
Nagtaka naman ako sa sinabi ni Tita Karla.
Dugdug. Dugdug.
Napatingin ako sa direksyon na tinitignan ni Tita Karla.
At sobrang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Si... Si... Gino.
Binitawan ni Tita Karla lahat ng dala niya at tumakbo papunta kay Gino.
Niyakap niya agad ito.
"Nak! Ikaw ba talaga yan?!" Tita Karla. Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang mukha ni Gino.
"Oo naman Ma, ako talaga to."
Niyakap na lang siya ulit ni Tita Karla.
At ako? Eto, nanigas na sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Eto, andito na talaga siya.
Kaso medyo may nagiba sa itsura niya, umiksi yung buhok niya? Pero syempre gwapo pa rin.
At habang nakayakap siya kay Tita Karla, nakatingin siya sakin. Oo, nakatingin siya but.... with a smirk on his face?
DANIEL'S POV
Maganda. Hot. Pwedeng pwede na.
Nakatingin lang ako sa kanya, mukhang magiging masaya to ah. Hmm.
Kumalas na sa yakap tong si Karla, oo kilala ko siya, syempre nanay ko nga diba? Pero yung magandang babaeng yun, di ko kilala eh. Pero alam ko namang makikilala ko rin siya. Syempre, ang alam niya ako si Gino eh.
"Nak sobrang nagalala kami sayo! Sobra kitang namiss. Hindi ako makapaniwalang andito ka na. Jusko salamat sa Diyos."
"Alam ko yun ma, namiss ko rin kayo. Lalo na ikaw." Ano ba naman to. Alam niyo na, panggap panggap din. Alam ko namang mama's boy yun eh.
"Pero pano, nak? Pano ka nakabalik?"
"Wala kasing nagbabantay saken, ayun nakatakas ako agad."
"Kailangan na natin tong ireport sa mga pulis!"
"Ma, hindi na kailangan. Wag na. Hindi naman nila ako sinaktan, Ma. Wala silang ginawa sakin. Kalimutan na natin ang nangyari, ang mahalaga andito na ko. Kasama na kita ulit."
Napayakap na lang siya ulit sakin. Talagang mahal na mahal niya si Gino ah. Ako kaya? Ay pucha ano ba naman.
"Kath? Hindi ka ba talaga aalis dyan sa kinatatayuan mo?"
Oh, so Kath pala ang pangalan ng magandang babae na nasa harap ko.
"Kath, ano? Di mo ba ko namiss?" Ako.
Ngumiti lang siya at dahan dahang lumapit sakin.
Agad niya kong niyakap. Whoaaa.
"Syempre naman namiss kitang loko ka! Bestfriend kaya kita! Nagulat lang talaga ako. Pero namiss kita."
Wow, may ganto kagandang bestfriend pala si Gino? Kung ako kay Gino, hindi ko na to binestfriend eh. May mga babaeng gine-girlfriend at si Kath yun. (Lakas maka-must be love! XD)
Magiging sakin ka rin, Kath.
Lahat ng gusto ko, nakukuha ko.
----
KATHRYN'S POV
Yes, masaya ako indeed.
Pero bakit ganon? Bakit parang feeling ko may mali? O feeling ko lang talga yun?
Parang may iba kay Gino. Yung mga tingin niya sakin? Kakaiba eh. Parang medyo nakakatakot?
Hmm. Hay nako! Nagiilusyon nanaman siguro ako. Basta, andito na siya. Yun na yun. Yun naman ang gusto kong mangyari eh. Masaya na ako! :)
Andito lang kami ngayon sa living room, busy yung mag pamilya sa kakakwentuhan. Maya maya lang, dumating na ang P5 at ang parents ko.
"Pre! Namiss ka namen!" Seth.
"Buti naman nakabalik ka na tol!" Lester.
"Yun oh! Rak naaa mga bregs!" JC
"GINOOOOO! Namiss kita! Huhuhu! Grabe, kung alam mo lang kung pano ako nagtiis sa kapagangitan netong tatlong to! Ayan buo na tayo, dalawa na ulit tayong gwapo!"
*PAK* *PAK* *PAK*
Tatlong hampas para kay Kats.
After a few minutes, may dumating nanaman. Syempre, sino pa nga ba? Si Bea.
Okay here we go.
"Baby Ginooooo!" sabay takbo at yapos kay Gino.
Lahat naman sila, napatingin sakin. Ahhhhhh, awkward? =___=
DANIEL'S POV
"Baby, I was really worried about you! I missed you!"
Whoaaaaa. May isa pa palang chicks dito eh! Hanep talaga buhay ng kambal ko ah. Well I guess, girlfriend niya to?
Nagulat na lang ako ng halikan niya ko sa labi.
Girlfriend nga to.
Napatingin naman ako kay Kath at boom! SELOS. Hmm, masaya to.
BINABASA MO ANG
His Lost Brother [KathNiel] *EDITED*
Fanfiction"Kath, hindi na ako ang Gino na kilala mo. Iba na ako. Sorry ka nalang, hindi mo nagustuhan. You have to deal with it."