[Chapter 1] ♫ *Story of my life*

9.8K 112 8
                                    

"D-don't cry, we want you to smile. P-please my princess, keep smiling and be a good girl for us, p-promise us, please? W-we always love you"

“Bunso, m-mahal ka ni ate, I’m a-always here…  g-guarding your l-life”

Hinding-hindi ko malilimutan ang mga salitang binitawan nila Mommy at ate bago pumanaw.

*sigh*

Everytime I play my guitar tears start to fall. I always miss them.

Nung buhay pa sila, ang saya namin. Palagi kaming tumutugtog, kumakanta at magkakasama. Dito nagsimula ang pagmamahal ko sa musika. Kung minsan tine-training nila kami ng kapatid ko ng martial arts.

May pangako kami ng ate ko na sabay naming tutuparin mga pangarap namin para kina Mommy at Daddy. Nang mga oras na yun, nasabi ko sa sarili ko na, I have a perfect family.

Pero nang mawala sila dahil sa isang aksidente, gumuho lahat ng pangarap ko. Sa isang iglap, nawala ang perfect family na pinaka-iingatan at pinahahalagahan ko.

14 years old ako nun at ngayon, 15 years old palang ako. Hindi pa nakaka-isang taon simula ng mawala sila. Niyakap ako ni Mommy at Ate kaya nakaligtas ako. Si Daddy, hindi ko na siya nakausap, ni hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal ko siya. Siya kasi ang nagda-drive noon kaya mas malala ang mga natamo niya.

Ang sakit isipin na, kanina lang ang saya-saya niyong magkakasama, tapos ngayon lahat ng masasayang pinagsamahan niyo, isa na lang ala-ala. Pero kahit gaano kasakit, gaano man kahirap, hindi ko aalisin ang mga ngiting to para sa kanila. Kailangan kong maging matatag.

*sob sob*

Kaya lang hindi ko maiwasang hindi malungkot. Namimiss ko na sila. Sobra~!

Ano ba yan, kakasabi lang na wag umiyak pero umiiyak na naman ako aish~

"Yomi, baba ka muna dito, kakain na. Ayusin mo na rin gamit mo maya-maya" tinatawag na pala ako ni Tita. "Opo susunod na"

Nga pala, I'm living with my aunt, kapatid siya ng Daddy ko. May anak siyang lalaki na nag-aaral sa Korea. Magkasing edad kami tapos pure Korean siya, kasi sina Dad at Tita ay Korean, tapos ako half Filipino dahil Filipina si Mommy.

Ilang taon ko na rin siyang di nakikita, di pa siya umuuwi eh. May mahalaga daw kasi siyang inaasikaso dun bukod sa pag-aaral. Tuwing tinatanong ko naman siya kung ano, lagi niya lang sinasabi na “It’s for you and for Mom” Ayaw niyang sabihin kung ano yung bagay na yun.

"Yomi come down"

"Opo"

Pasukan na nga pala bukas.

*sigh*

Panibagong adjust na naman.

Bumaba na ako at kumain kasabay ni Tita. Pagkatapos nun inayos ko na yung mga gamit ko para bukas. Sumama na rin ako kay Tita para mag-groceries.

Buti nalang nandito siya, hindi niya ako pinababayaan. Kung pwede lang hilingin at matupad na magawa ko din kina Mommy ang ginawa ko sa kanya, edi masaya. Kaya lang, That's the most impossible thing.

So pano, gabi na pala. Baka makagalitan na ako.

Goodnight everyone~!

MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon