*kinabukasan*
♫jeongsini nagasseonabwa geuttaen naega eotteohke neoreul tteonaga♫♪♫
Ang aga naman nang set ni tita ng alarm!
*knock*
*knock*
“Bunso gumising ka na. First day of school ngayon baka malelate ka” si tita naman kung maka alog daig pa ang lindol eh. "Naomi gising na"
“5 minutes nalang po”
“ah ayaw mo ah” naku mukang alam ko na binabalak niya. “pfftt..buwahaha t-tama na po, b-babangon na waa~” sinasabi na nga ba. Haay~ kung minsan bumabalik din siya sa pagkabata. “good then, bilisan mo na dyan tanghali na”
"sige po" lumabas na siya ng kwarto ko. Nagpunta na naman ako sa banyo at naligo.
Sana maging maganda ang unang araw ng pasok ko. Sana rin ngayon magkaroon na ako ng kaibigan kahit isa lang. Nagsisisi nga ako kung bakit hindi ako nakikipagkaibigan dati, sa sobrang lungkot ko kasi wala ako sa mood para makipag usap.
Pero ngayon, kailangan kong tuparin ang nabitiwan kong pangako na magiging ayos ako. Para kina mommy, daddy at ate, I’ll be fine.
Pasok na ako, sa school nalang ako kakain tutal late na din naman ako. "Nak wag kang mananakbo sa may hagdan" sabi ni Tita. "Opo waaaaaaa~ *blaaggs* "
>____<
"Kakasabi ko lang" sabi ni Tita sabay lapit sa akin at tinulungan akong tumayo. "Hindi naman po ako nanakbo eh" depensa ko. Ang sakit sa likod, nadulas kasi ako. Kung bakit ba naman may basahan dito sa may hagdan. “Nagpupunas ako kanina diyan, natapon kasi yung tubig na dala ko” paliwanag ni tita kahit hindi ako nagtanong. De joke lang. Napangiti nalang ako ng malapad.
“Ayos na po ako, papasok na ko tita” paalam ko tapos isinuot ko na ang sapatos ko.
“Teka, di ka pa kumakain”
“Sa school nalang po, late na ko eh” sabi ko. Humalik ako sa pisngi niya sabay takbo.
“Naomi Kim! Hindi ka pa din nanunuklay, batang to oh” Oh nga no? Nalimutan kong manuklay.
“YAAN NA PO, BAGONG HAIRSTYLE TO” biro ko.Nandito na ako sa may garage kaya medyo nilakasan ko boses ko para marinig niya. Dito nakalagay ang bike ko, ito nalang gagamitin ko papasok.
“pasaway ka talaga/ ay tipaklong” whew~kagulat. Nag teleport siya? Ang bilis niyang nakarating sa may likuran ko, di ko man lang napansin yun ah.
Iniabot niya naman sakin ang isang suklay. Kinuha ko yun at sumakay na nang bike.
“ba-bye po, take care” paalam ko. “Ingat ka ha, goodluck sa klase” tumango naman ako at umalis na.
Para ko siyang Mommy no? Mahal na mahal ko din yan katulad nina Mommy.
***
Finally~ andito na rin ako sa ShinHwa Academy. Dito ako ngayon papasok bilang isang transferee.
Iniwan ko nalang yung bike ko dun sa may parking lot, may space dun para sa mga bicycles.Tapos punta muna ako sa ay bulletin board, kailangan ko pang hanapin kung anong section ako eh..
[List of 4th year students. Section-A, Pearl]
Renzo Baui
Shin Yeong Hwa
Jonathan Jang
Nathaniel Min
Ay boys nga pala to “_._)
*lipat sa kabila*
Nicole Alegre
Diane Bale
Natasha Cook
Iris Jean Go
Zoe Lee
Naomi Kim Park.. “bingo!!”
Naglakad na ako papunta sa room ko. Ang laki naman ng school na to, swerte ko kung hindi ako maligaw.
*sigh*
Sinundan ko nalang yung signs. May mga nakasulat na naman kung anong year. Kaya lang nasa first year pa ako, ang layo pa ng lalakarin. Aish~
*fast forward*
Andito na rin ako sa room.
O____O
Ang aga-aga nasira na agad araw ko. Tsk! Anong kamalasan ba ang dumapo sakin sa araw na to?
Classmate ko sila?
Seriously?
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Teen FictionThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...