*kinabukasan*
NAOMI'S POV
Nang dahil sa kadramahan ko kahapon, nagkaroon ako ng instant Kuya. Ang bait niya, napagaan niya ang loob ko. Ang hirap kasi nang wala kang mapaglabasan nang nararamdaman mo.
Palagi kong ipinapakita kay tita na masaya ako kahit gustong-gusto ko na siyang yakapin at sabihin “namimiss ko sila”.
Alam ko namang malulungkot siya kapag nalaman niyang hindi parin ako maka-move on at ayaw ko namang mangyari yun, kaya mas pinipili ko nalang na ipakitang masaya ako.
Pero sa ngayon, pipilitin ko nang hindi maging malungkot. Sabi nga ni Kuya Shin, “masaya sila kapag alam nilang masaya ka”. Ayoko namang maging malungkot sina Mommy.
Dahil sa instant kuya ko, parang kasama ko na si ate sa araw-araw. I miss you ate ng super. Kung andito ka lang sana edi mas masaya tayo lalo na't may mas makakasundo ka.
*YAWN*
Maaga pala akong nagising ngayon, second day sa school. “tita,.alis na po ko” paalam ko.
“oh sige, mukang maganda mood mo ah. Ingat sa pagpasok” nakangiting paalam ni tita.
“Hmm medyo po. Syempre dapat diba laging nakangiti *chup*” sabi ko tapos natawa siya sakin.
Eto ako lakad mode habang nakikinig ng mga kanta na ni-record ni ate. Palagi ko rin tong pinapakinggan masaya man ako o malungkot. Ang ganda kasi ng boses nya. Nakakamiss ang mga time na yun.
*beep beep* May tumigil na kotse sa tabi ko. “good morning bunso” si Kuya pala.
“good morning din kuya. Papasok ka na?” tanong ko. Tumango naman siya habang nakangiti ng malapad.
“Sabay na tayo pumasok. Bakit naglalakad ka lang mag-isa?”
“Maaga pa naman eh kaya ayos lang yan. Trabaho na namin to ni ate tuwing papasok kami ng maaga”
“ahh I see, pero sa ngayon sumakay ka na muna, isasabay na kita” sabi niya sabay bukas ng pinto ng kotse niya.
*After 123456 years..
Andito na kami sa school. Sabay na kami pumasok ni kuya Shin. Pinagtitinginan nga kami eh.
*sigh*
Nakakatakot parang lalamunin nila ako ng buhay ah. Grabe naman sila kung makatingin at magbulungan wagas lang. This time di na malakas bulungan nila.
Sino nga banaman ang hindi magtataka kung sino ang kasama ng heartrob nila. Naku kuya kung alam mo lang kung gaano ako kinakabahan sa mga fans mo.. whew~!
Andito na kami sa room.
“psh ayan na si nerd mangaagaw”
“kapal ng mukha ni nerdy girl mukang aagawan tayo kay Prince Shin arrgghh~”
“feeling niya ganda niya ah, as if namang papansinin siya ni Prince Shin eh nagkasabay lang naman sila”
*sigh*
W-wala ba silang magawa sa buhay? Si kuya naman kasi pamatay ang looks. Baka mamaya niyan bigla nalang nila akong pa-kidnap at patapon sa ilog pasig. Wag naman sana! Yiie~Katakot.
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Teen FictionThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...