---
sino nga ba ako
kung 'di kagamit-gamit?
sino nga ba ako
kung 'di katuwa-tuwa?
sino ka nga ba
kung ako'y 'di kagamit-gamit?
sino ka nga ba
kung ako'y 'di katuwa-tuwa?
paanong hindi
maramdama't masaksihan
yaring aking paghihirap
gayong tila bang aking puso'y
tumitibok lamang para sa iyo?
paanong hindi
maramdama't masaksihan
yaring aking paghihirap
gayong ika'y mga kamay
na sumasakal sa gabi
bago pa man
ako huminga't mamahinga?
maaaring ako'y 'di napapagod
sapagkat ang aking kaya'y
maupos at mapagal lamang,
ngunit sino ka nga ba
upang ako'y maging
tagapasan ng iyong dalahin
kasabay ng lumbay at pighati
na bumabalot sa akin?
nawa'y 'di na kailangang ulitin,
ngunit kung iyong gugustuhi't
kakailanganin:
maaaring ako'y 'di napapagod,
ngunit ako'y nauupos, napapagal.
---
YOU ARE READING
the places i've been to inside
Poetryt h e p l a c e s i ' v e b e e n t o i n s i d e ╰ a compilation of poems ╰ ongoing i am still on my journey. i do not know where this heads to, but it's all inside.
