Ashley
"Mama ayoko po nito!" Reklamo ko kay Mama dahil sa pag-pilit nya sa akin na isuot itong Red dress na ito. "Mga classmates ko lang naman chaka mga friends at amiga mo ang nandito!"
"Pero ininvite ko ang Mama at Papa ni Rade. Sina Mae at Richard!" Ani Mama habang pilit pa ding pinasusuot sa akin yung dress at wala na rin naman akong nagawa!
After non inayusan nya lang ako ng very very light na make-up kaunting blush, at lipstick. Suklay suklay lang din ginawa sa buhok ko.
"Oh pagkatapos mo dyan ha, bumaba ka na madami nang tao doon."
*
After 5 minutes lumabas na din ako syempre selfie firsts. Tapos upload agad sa Ig, twitter and facebook! Kabog diba. Well today is my day #seventeenfever hehe!
Pag labas ko sa bakuran namin may dalawang malaking tent para sa bubong kumbaga mayroong maliit na stage para daw sa akin. Sa gilid naka lagay yung mga pagkain, hindi na kami nagpa-cater tutal may experience naman si Mama sa pag lu-luto. At nandon na rin lahat halos yung mga bisita ko.
"Bes!" Kaway ni Gabbie sa akin, masasabi kong blooming sya ngayon dahil nga siguro nandito si Gabe. Gabbie is wearing a floral dress with here pouch. Si Rade naman ay simpleng Polo shirt lang at denim pants. At si Gabe ay hot pa rin sa porma nyang V-neck shirt with matching jogger jeans! Pogi. Pero hep, may Rade na ako!
"Happy birthday ulit bes!" Ani Gabbie sabay yakap at kiss sa cheeks ko.
"Thank you bes."
"Happy birthday Ashley. Rade invited me so accept this." Binigay ni Gabe sa akin yung box na maliit mukhang alam ko na 'to a! Bow? Hm, "Uhm, nakakahiya man magpakita sayo ngayong birthday mo."
"Thank you Gabe. Nako wala iyon! Enjoy." Untag ko sa kanila.
Inisa-isa ko ang mga guests ko sa Party para makipag usap o kumustahin sila. Nang matapos ako kumain na ako kasabay nina Mama at nina Tita Mae. Ang bilis nga nilang maging close e! Hay nakaka-OP. Nang matapos akong kumain, I excuse myself para puntahan sila Gabbie.
"Hi Guys! Ano kamusta?" Tanong ko kila Gabbie, "Bes anong problema?"
"Uhm, ano.. Ah! Pa-CR nga ako! Bye." Sabay takbo ni Gabbie paalis sa amin.
"Weird." Untag ni Gabe sa best friend ko.
"Weird talaga, kasi nandito ka. Ganon talaga si Gabbie palaging gumagawa ng excuse pag na-t-tense sya. Bakit kaya hindi kayo mag-usap na?" Payo ni Rade, "halata namang mahal nyo ang isa't isa tapos nag aantayan lang kayo! Hay."
*
Gabbie
"Hay ano ba naman yan ang layo tuloy ng lalakarin ko! Sino ba naman kasing tanga ang dumaan daan sa likod nila Ashey diba? Eh ang laki laki nitong bakuran nila! Well sabagay para maka-iwas na ri-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigal akong na-out of balance.
At pagdilat ko ng aking mata isang napaka kisig na nilalang ang nakita ko mayroon siyang mapupungay na mga mata, matangos na ilong at magandang la- wait, what?! Si Gabe!! Napatayo akong bigla dahil sa nakita ko, na-shock ako sa sobrang hiya. Umupo ako sa may bench para kalmahin ang sarili ko.
"Uhm, Gabbie okay ka lang?" Aba kapal ng mukha tumabi pa talaga sa 'kin ha!! "Uy Gab?"
"Ha? Ah, anong sabi mo?"
"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?"
"Oo okay lang ako, pero simula nung sinaktan mo ko wala na nawasak na rin ako."
BINABASA MO ANG
Break Free
RomansaAkala ko sya na. Akala ko sya na yung taong bubuo sa pangarap kong Happy ending. Bu-buhay sa lovelife kong walang saysay. Pero isa rin pala sya sa pinaka matinding sisira nito. Paano ako babangon sa pagkakalubog sa matinding lungkot? At paano kung...