Gitara (One Shot)

816 12 4
                                    

G I T A R A
(One Shot)

Playing: Teardrops of my guitar

🎵Cause he's the reason for the teardrops of my guitar
The only one who's got enough for me to break my heart

His the song the song in the car
I keep sing dont know why I do
His the time taken up
But there's never enough,
And its all that I need to fall into

Drew looks at me,I fake a smile so he won't see.🎵

Kanta ko habang hawak hawak ang walis tambo namin.

Bali nagmistulang mic at gitara ang walis tambo na hinahawakan ko.

Naglilinis kasi ako ng bahay habang nags-soundtrip ng nakaheadset gamit ang cellphone ko.

Mahilig kasi akong kumanta, lalong lalo na ang mga kanta ni TAYLOR SWIFT , idol ko yun eh.

Ang galing niya kasing kumanta, tsaka ang ganda niya pa at ang pinakaimportante sa lahat ang galing niyang maggitara.

Kaya simula nung nakita ko si Taylor Swift sa Myx. Napahanga niya talaga ako at simula nun gusto ko ng magkaroon ng gitara.

Kahit di naman ako marunong. Tehee

Gusto ko kasi, magkaroon muna ng gitara para unti unti akong matuto.

Hindi pa pala ako nagpapakilala.

Ako nga pala si Hyacinth Dela Rosa. 19 years old. Aya ang tawag ng lahat sakin. Isa lang akong ordinaryong babae at may simpleng pangarap yun ay magkaroon ng

siyempre GITARA!

Ang babaw ba? Sorry naman. Mababaw lang talaga kasiyahan ko.

Matagal na nga akong nagpapabili ng gitara kina mama at papa eh.

Kaso sabi nila wala daw silang budget para bilhan ako ng gitara.

hayyy!

Napapabuntong hininga nalang ako kapag naiisip ko iyo.

Kakatapos ko lang palang maglinis ng bahay.

Hooooh! Nakakapagod nga eh.

Ito ako ngayon nakaupo sa sofa namin sa sala habang nagpapahinga. Nang biglang dumating si mama at papa galing sa palengke.

Nagtataka ba kayo kung bakit kasama ni mama si papa galing sa palengke? Diba commonly mga nanay lang ang pumupunta sa palengke at ang mga tatay sa trabaho nila.

Well off duty kasi si papa sa trabaho niya. Bale pulis po ang papa ko. Kaya ayun sinamahan muna ni Papa si mama sa palengke.

At ako ang naiwan sa bahay mag isa. Sembreak pa kasi bale sa pasukan magiging Grade 12 na akom

Well back to reality pagkadating nina mama at papa

Umupo din sila sa sofa kung saan ako nakaupo at bigla silang nagsalita.

"Mukhang pagod na pagod ang anak namin ah." - Mama.

"Naku, ang sipag talaga ng anak namin." sabi ni Papa sabay gulo ng buhok ko.

"Wag mo nga guluhin ang buhok ko pa.
Sinabi mo pa, Ma. Nakakapagod magscrab ng sahig para maging madulas."

"Naku anak wag mo naman padulasin masyado dahil baka madulas kami ng mama mo. " - Papa.

Gitara (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon