Yung magmamahal ka na lang maling tao pa. Bakit sa kanya pa?. Yung akala mo na siya na pero hindi pa pala. Mali ba na maging bulag sa tinatawag nilang pag-ibig?
Ako si Leo Archaiz. Isang 4th year highschool student sa St. David Academy . PINAKA- gwapo, gentleman,sweet, caring, loyal, intelligent at lahat na ng positive na bagay kaya nga AKO NA e. OOo nga’t ganyan ako masisisi nyo ba ako na wala pa din akong girlfriend kase..ang totoo niyan… meron akong CRUSH . Di ko alam sa sarili ko kung bakit sa tuwing makikita ko yung mukha niya lalo na yung mga ngiti niya sobrang ..nakainlove? tama nga ba? Ambading kasi.. pero alam ko sa sarili ko na iba na to.. iba na tong nararamdaman ko kay Myles at hindi lang crush to…
Naglalakad na ako sa hallway ng school. Madami na namang babae ang nakatingin nakatulala nakatanga nagtititili at kung anu-ano pang ginagawa ng babae pag kinikilig. Nakakairita lang. Seryoso akong naglalakad ng…
Nakita ko siya…
Oo.. si Myles Garcia… si CRUSH..
Napahinto lang ako sa pagtingin kay Myles ng biglang tumawag si Jigs.
Pre !”
Tsk. Istorbo naman to. Kelan naman ko naman pinagmamasdan si Myles tsaka naman umepal tong si Jigs.
O?” sabi ko . Pero nagsalita ulit ako bago siya magreact o magsalita. Pre, inlove talaga ko kay CRUSH.”
Si Leo ! INLOVE??! HAHA !” sabi ni Jigs habang tawa ng tawa
Pre walang halong biro akala naman nito nakikipagbiruan ako”
Pre, alam mo suportado kita bespren kita e! tsaka yung CRUSH mo try mong ligawan or pakilala ka man lng sa kanya. “
Pre, iba tlaga yung nararamdaman ko, para kay CRUSH pero since nagbigay ka ng advice gagawin ko yan. Pero itatry ko pa din. “
Pre, kaya mo yan. Ikaw pa ! Ma-chix ka e! Mana sakin.
HAHAHAHA” at sabay kaming tumawa ng malakas
Lumipas ang mga araw nasa isip ko pa din si Myles buti na lang nakuha ko number niya. Kaya naisip kong itext siya wala naman akong ginagawa eh.
Hi Myles”
Hi? Sino ka?” reply niya
Ammm..ako si Leo school mate mo”
Ah..saan mo nakuha # ko?”
Amm..diyan lang sa tabi-tabi. Hehe J “
Ah, ganun ba sige J “
Myles pwedeng makipag-friends?”
Sure J”
Hanggang sa araw-araw na kaming magkatext. Walang sawaan mgdamagan kaya nga nakakatuwa kase kahit hindi kami nagkikita sa school e okay lang sa kanya. Hindi kase kami magkaklase ni Myles eh. Tsaka di ko pa din sinasabi kay Espren Jigs si Myles gusto ko kaseng ipakilala sa knya ng personal kung sino talaga si CRUSH ko. Buti nga hindi tinatanong ni Jigs kung sino siya eh. Pag nagkwewento kase ako palaging “CRUSH” yung binabanggit ko.
Pre, nakakatext ko si CRUSH”
Pre, mabuti naman basta kung saan ka masaya duon ako !”
Iyon nga pre eh kahit magkatext kami di pa kami nagkikita tsaka di ko pa nasasabi na may gusto ako sa kanya…”
Oo nga pla pre, kung isama mo siya sa JS PROM natin malapit na yun diba? Para magkita na din kayo ng CRUSH mo tsaka maipakilala ko na din sayo yung GIRLFRIEND ko.”
Pre oo nga no. Sige tatanungin ko na lang siya kung pwede siya”.
**********************************
Me : Myles pwede ka sa Friday?”
Myles : Hindi eh pasensiya kna ahh next time nalang. Sorry
Me: Hindi okay lang no. Aayain lang sana kita sa Prom namin pero wag kang magalala okay lang tlaga salamt. J
Myles : Sige ;)
----------------------------------------------*
JS PROM NIGHT
7PM FRIDAY @ST.DAVID ACADEMY
Uy pre dito kna pla , di mo kasama?”
Hindi eh may lakad din daw siya eh”
O sige tara nandun kami sa kabilang table punta na tayo para maipakilala na kita sa GIRLFRIEND ko”.
Sige..”
Amm.. Leo this is my GIRLFRIEND
,,,
,,,
,,,
,,,
,,,
MYLES…