CH 8
(Jongdae)
antagal naman ng babaeng yun!! gano kahirap ba maghanap ng lalagyan ng cake??
Pero ang stupid niya talaga… hindi niya ba naisip na cake shop to? NA PWEDE NAMAN SIYANG MANGHINGI NA LANG SA IBABAB KILA SUNGMIN???
Stupid ass, di nagiisip yung babae na un kahit kelan talaga HAHAHAHA!!! Na-uto ko naman siya hahaha!!
Pero san kaya yung bumili?? Mag-iisang oras na siyang wala…
bumaba ako sa shop para tignan kung andun na ba siya..
"nakita niyo ba si Dani??" narinig kong tanong nung Paul.
"lumabas siya kanina.. isang oras na nakalipas." sagot ni Sungmin
"ha??? san siya nagpunta?!" panic ni Paul bigla
"ewan, bibili daw eh.." sagot ni Sungmin
"shit patay tayo diyan…" sabi ni Paul tas yung mukha niya eh di mo na maipinta.
"bakit? may problema ba? ako ang nagutos sa kanya na lumabas. " sabi ko
"ah.. ano kasi sir... wala po kasing sense of direction ung babaeng un.. baka po kasi naligaw." sagot niya
AY PUTCHA. -________-
"hanapin niyo siya ngayon na." inutusan ko yung mga guards ko at nagsikilos naman sila agad para hanapin si Casmiro
pag naaksidente pa un ako pa may kasalanan!! Ano ba naman yung babaeng yun?? ang bobo niya talaga!
After 45 minutes…
8:30 na, ung shift niya dapat kanina pang mga 6 o 7 tapos.. asan na ba napadpad yun!? San ba siya nagsuot para mawala siya ng sobra?! Stupid ass di man lamang nagdala ng cellphone or kahit ano para makipag-communicate!
"sir hindi pa po namin siya nahahanap, pero sabi po ng isang nagtitinda dito nakita niya daw si Ms. Casmiro kanina." sabi nung guard ko through the speaker phone
"basta hanapin niyo siya! pag di niyo siya nahanap you're all fired!" sigaw ko sa kanila
"shit. san kaya napadpad un?" bulong ni Paul pero rinig ko siya.
ARGHHHH!! CASMIRO BAT BA KASI ANG TANGA TANGA MO!?! NASAN KA NA BA!? baka naman kung ano na nangyari dun!! Nagaalala na ko pakshet yung konsensya ko…
“dapat sinama niya ko ang tanga niya talaga.” Sabi ni Paul
“eh baka naman ayaw ka maistorbo.” Sabi ni Sungmin
“hindi. Pag umaalis yun, either magpapasama yun or magtatanong ng directions para alam niya kung san siya pupunta.” Sagot ni Paul.
SHIT NAMAN… kaya pala protesta siya ng protesta kanina!!
“dati nga sa sobrang tanga niya sa directions eh nawala kami sa may Quirino. Jusko ang uwi namin nung 12 ng hapon, nakadating kami ng bahay 8 na ng gabi.” Kwento ni Paul
BOBO NAMAN NG BABAE NA TO!!! Dapat laging may mapa at compass?? Dora lang??
sa kalagitnaan ng paghahanap eh bigla naman nag ring yung cellphone ko..
Caller ID: Park Higante
“hello?” sagot ko
“Dae!!!” sigaw ni Chanyeol.
Dae?? Tinatawag lang ako na Dae ni Chanyeol pag mangaasar siya… ano nanaman ba topak nito??
"ano? Busy ako pwede ba. Nawawala si Casmiro." Sabi ko tas bigla siyang tumawa. GAGO MAY NAKAKATAWA BA DUN??
BINABASA MO ANG
My 18 year old Boss (EXO Chen fanfic)
FanfictionPaano kung yung taong kinaiinisan mo eh maging boss mo? maka-survive ka kaya kung araw araw eh gusto mo siyang patayin? ganyan ang nangyari kay Danielle. ung taong kinaiinisan niya dahil ubod ng yabang at katamaran ay naging boss niya hanggang sa m...