~A Ride With Him
Pagkahatid sakin ni Zeus, agad ako bumaba ng kotse niya, nakahilera yung mga guards dun.
Potek. Naiinis ako sa kanila, bakit di nila kami nirescue?
"Goodmorning Madam."
Sabay-sabay nilang bati. Pati ng mga maids at sabay-sabay din silang yumuko.
"Alam niyo ba kung anong perwisyo ang dinulot niyo kahapon? Tinawagan ko kayo pero hindi niyo ako sinipot!!!!" I said histerically.
"Stop that Hija.."
OHMYGOLLY..
"Ako ang nagsabing wag ng pumunta hija, they just followed my protocol."
"Dad. Look, di mo alam ang nangyari kagabi, buti na nga lang safe ako-"
"Tama ka. Oo nga at safe ka, inassure yun sakin ni Parker."
"WHAAT?!"
"Nakapag-usap na kami ni Parker. And since wala naman palang nangyari sayo. Siguro there's no way of talking that way hija."
See? Wala siyang pakialam sakin. Talagang sarili niya lang iniisip niya matapos niya sabihin yun tumalikod na siya at umalis pareho sila noong buwisit na yun, yeah si Parker nga.
Tama si Parker nga..
Teka? Paano niya nalaman na okay ako?
Napasabunot ako sa sarili ko. Bakit di ko agad naisip yun. Malamang sa hindi si Zeus nga siguro ang nagsabi. Napalingon ako sa gate at wala na nga yung kotse doon ni Zeus. Kaya pumasok na din ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto, napahiga ako at huminga ng malalim. Nakatingin ako sa kisame. Naiinis ako kay Zeus, pero ano bang aasahan mo sa isang butler gaya niya, di ko dapat siya pagkatiwalaan agad, natural at si Parker ang susundin nun.
____________________________________________________________________________________________
"Uyy. Gising na Senyorita!"
Naramdaman ko na may dumudutdot sa pisngi ko. Pero di ko magawang idilat ang mga mata ko kasi sobrang sakit ng ulo ko.
"Hmmm.. Wag kang magulo.. Inaantok pa ako.. Mmmm.."
"Hala. OYYY! GUMISING KA NA NGA! TUMUTULO PA LAWAY MO! HAHAHA!"
Napabangon ako bigla at nagulat ako jang makita ko si Zeus sa harap ko. Nabato ko tuloy yung unan sa kanya at nasapol sya sa ulo na dahilan para malaglag siya sa kama.
*boog!*
"Aray! Ano bang problema mo?!"
"Anong ginagawa mo dito? Ang kapal na pagmumukha mong panuorin akong matulog!
"Excuse me.. Di kita pinapanuod. Pinagising ka lang sakin. Di mo ba alam na may schedule tayo ngayon?"
Tumayo ako at sinuot ang bathrobe ko. Nakanight dress lang kase ako at isa pa wala akong suot na bra.
"Anong schedule ang pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kanya. Wala akong maalalang may sinusunod kaming schedule.
"May charity work na gaganapin sa isang orphanage sa Batangas, sabi ni Parker, magvolunteer ka daw doon."
"Anong kalokohan na naman ba ang naiisip niyang amo mo? Napaka niya talaga!"
"Kalokohan ba ang pagtulong sa kapwa? Isa pa para din naman sayo yun. Publicity diba? Matutuwa sayo ang mga tao kapag nalaman nilang mapagkawang gawa ka."
I rolled my eyes. As if I have a choice diba?
"Labas.." Tinuro ko yung pintuan sa kanya.
"Hala. Uyy. Diba nga aalis tayo?"
BINABASA MO ANG
Breaking His Dark Secrets
RomanceFanfiction of Zeus Collins and Dawn Chang. Enjoy reading guys. :) And oh BTW it's Fifty Shades Of Grey inspired din pala guys. Full of mysteries 'tong story na 'to.