Nadine
Nagising na lang ako ng umaga, quarter to eight. Tinignan ko kung nandito pa si James sa tabi ko.. Pero wala na siya. Saan naman kaya 'un pupunta? 'Di ko man lang namalayan na umalis siya. 'Di pa nagpaalam. Aba!
Bumangon na ako at kukuha sana ako ng tubig sa bedside table ko, nang may nakita ako note.
' My dearest Queen, Nadine
I'm sorry I need to go, but I promise I'll make it up to you
❤ Your King, James'
Kinilig naman daw ako? Ansaveh? Ayaw niya na siguro akong gisingin pa. Ang sweet talaga ni James kahit kailan.
Uminom na ako ng tubig, pumunta sa cr, at ginawa ang morning rituals ko. Pagkatapos ko, lumabas na ako sa cr. At bumaba na. As usual wala naman akong kasabay, eh ang dami-daming pagkain.. Paano ko naman 'to mauubos? anuba.. Oh wait. I have a bright idea!
"Ate! Manang! Manong! Kuya! Tara po sabayan niyo po ako kumain. Ang dami po nito, 'di ko kaya ubusin." Baka sumabog ako nito.
"Naku ma'am, bawal po kami sumabay sa inyo. At bawal rin po kumain sa lamesa ninyo. Pasensya na po."
"Hindi yan manang! Tao tayong lahat dito! Ako nang bahala mag-explain kay mommy. Tsaka she won't know naman unless you would tell her diba? Kaya tara kain na tayo!" Nahiya pa 'to si manang, eh sya nga ung naging katulong namin nung bata pa lang ako.
Tinanong ni manang ung iba niyang kasama, eh gusto naman nung iba, kaya pinasama ko na rin sila sa pagkain.
Pagkatapos ko kumain nagpaalam muna ako kila manang. Sabi ko magpapahangin lang muna ako sa may pool. Parang ang sarap magswimming... hm.. ano kaya? May pupuntahan kaya kami ni James?
Wala naman siyang nabanggit kaya gora! Nagpahangin pa ako ng konti tapos sinabi kila manang na mag si-swimming lang ako. At um-oo naman sila manang.
Umakyat ako sa kwarto ko, kinuha ung bathrobe at nagpalit ng two-piece. Wala namang makakakita sakin dito eh, kaya pwede na 'to. Nagpalit na ako noon, at bumaba na. Tumakbo na ako sa pool at pagka-alis ko ng robe, nag-dive kaagad ako..
Teka, nakalimutan ko ata sabihin sa inyo.. Magaling ako sa swimming, nung bata pa lang ako, intesested ako sa swimming kaya nag-lessons ako until iyon, gumaling ako! HAHAHA CHOS! Kinuha ko rin ung floating bed para makapag relax ako.. haaay sarap buhay!
Sa sobrang pagod ko siguro, nakatulog na ko. Grabe! Ano bang ginawa ko? Nagising na lang siguro ako sa isang malakas na sigaw..
"WHERE'S NADINE?!?!" si James ba un?
"WHERE IS SHE?!?! TELL ME!!" Bakit ba sya sumisigaw? Anong nangyayari?
"Sir si ma'am po na-" si manang un..
"WHERE?!?!" Bakit ba siya sigaw ng sigaw? Napa-upo na lang ako bigla tapos bumaba.. kaya lang SPLASH!! Nasa pool pala ako.. Tsk tsk bakit ko ba un nakalimutan? Anong nangyari sakin. Nagulat din siguro ako sa pagka hulog sa tubig kaya ayun, napasigaw ako! hmp!
Narinig ata ni James ung sigaw ko, kaya agad syang sumisid sa pool para i-save ako! OMG NAKAKAKILIG TO! Hanggang sa naramdaman ko na lang na may nakahawak na sa bewang ko. And.. and... HE KISSED ME.
O_O
I didn't know what came in to me, but I wrapped my arms around him. It's like welcoming him into my world. Until..
"MA'AM!! SIR!! NALULUNOD NA PO BA KAYO?!?! TULUNGAN NATIN SILA!!" Anuba manaaaang! Panira ka ng moment eh! Alam mo ba un? Okay na sana eh. Ikaw naman author, kinikilig na ko eh, bakit kailangan may ganyan pa?