Isa lang siyang simpleng babae. Isang college student sa isang kahit papano ay kilalang unibersidad. Siya si Grace. Wala namang kakaiba sa kanya. Katulad rin ng ibang babae. Yun ang tingin niya sa sarili niya hanggang dumating ang isang taong bumago sa paniniwala niyang iyon.
Siya naman si Gary. Isang senior highschool student. Normal na lalake lang din. Ay hindi, hindi pala normal. Ma-appeal siyang tao. Marami-rami na ring babaeng napaibig. Pero madalas ay nabibigo rin.
Katulad nga ng nabanggit pangkaraniwang tao lang si Grace. Umiibig rin. Kamakailan lang ay umibig siya sa isang lalakeng itago na lang ntin sa pangalang Mark Jayson. Inakala niyang patungo na sa happy ending ang kanilang istorya. Pero nagkamali siya. Siya lang pala ang may akala nun. Siya lang ang mag-isang nagnanais na mangyari yun. Dahil isang araw ng Pebrero, nalaman niyang mayroon ng karelasyon si Mark Jayson. Sobra siyang nasaktan pero wala siyang magawa kundi umiyak sa kanyang mga kaibigan dahil alam niyang wala rin naman ng mangyayari kung kakausapin niya pa si Mark Jayson.
Isa si Gary sa mga kaibigan niyang napaglabasan niya ng sama ng loob. Isa si Gary sa mga taong nakinig sa mga hinanaing niya. At dun niya unti-unting naisip na isang tunay na kaibigan ang taong ito.
Nung mga panahon na yun, nasa isang relasyon si Gary ngunit tila nagkakalabuan na rin sila ng kanyang nobya. Hanggang sa dumating ang araw na tuluyan na nga silang naghiwalay ni Monique. Halos ganoon rin ang nangyari, umiyak siya kay Grace. Kahit nahihirapan itong magbigay ng payo dahil alam niya sa sarili niya na bigo rin siya, ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya.
Alam ni Gary sa kanyang sarili na hindi lang basta kaibigan ang tingin niya kay Grace. Matagal-tagal na rin niyang sinasabi ito kay Grace. Simula pa noong wala pa siyang kasintahan. Ngunit tila kahit anong gawin niya ay hindi niya pa makuha ang pagtingin nito. Hanggang sa makalipas ang ilang lingo ay nakalimutan niya na raw ang kanyang kasintahan. Dahil nga gusto niya pa rin si Grace ay itinuloy niya ang pangliligaw dito. Nagtiyaga siya na makuha ang pagtingin ni Grace. Pinilit niyang patunayan na totoo ang nararamdaman niya. Ipinakita niya kay Grace na hindi niya dapat sayangin ang oras niya sa pag-iyak para kay Mark Jayson. Ipinaramdam niya dito na espesyal sya. Na hindi siya isang ordinaryong babae. Sa pagkakataon na yun ay naramdaman ni Grace na may taong nagpapahalaga sa kanya.
Habang tumatagal ay unti-unti na rin siyang nahulog para kay Gary ngunit itinago niya ito. Hanggang sa kalagitnaan ng abril ay napagdesisyunan niya na handa na siyang malaman ni Gary ang totoo. Isang gabi, habang magkausap sila.
Gary: Alam mo, maghihintay ako kahit gano katagal. Para sa akin ikaw na ang susunod kong magiging girlfriend. Para sa kin, nakareseve ka na para makasama ko FOREVER.
Grace: Talaga?
Gary: Oo nman!
Grace: Same here. :”>
Gary: TOTOO?!?
Naramdaman ni Gary ang sobrang saya nung oras na yun. Hindi niya na halos alam kung ano ang isasagot niya. Basta alam niya ay Masaya na siya kahit papano sa narinig niya dahil posibleng parehas na sila ng nararamdaman para sa isa’t – isa.
Gabi-gabi ay magkausap sila. Nangangarap sila ng sabay sa mga baga-bagay na gagawin nila pag nagkasama na sila. Gabi-gabi ay sabay silang natutulog. Hindi man sila magkasama pero parang ganun na rin ang naging pakiramdam. Sa bawat araw na nagdadaan ay nangarap sila na isang araw ay ikakasal sila. Magkakaroon ng sariling pamilya. Magkakaroon ng mga anak at aasenso sa buhay. Nangako si Gary na iintayin niya ang panahon na pwede ng maging opisyal ang relasyon nila. Ipinangako nila na iintayin nila ang isa’t-isa. Na walang kahit sino sa kanila ang papasok sa isang relasyon. Masaya ang mga sumunod na araw. Andami na nilang naging plano sa buhay. Madaming mga matatamis na salita ang binitawan ni Gary. Dahil nga gusto niya na tuluyan niya ng mapaibig ang mahal niyang si Grace.
BINABASA MO ANG
Summer Love Affair
RomanceDahil hindi totoong may FOREVER. Ang mga pangako ay ginawa upang mapako. At lahat ng bagay ay nagbabago.