III. I love you
6th-10th Days.
Nagkasakit ako, ulcer at naconfine sa ospital. Isang linggo niya kong binantayan. Kahit sabihin ko sa kanyang pumasok sya, hindi sya nakikinig. Ayaw nya daw akong iwan.
Tss. Para namang cancer yung sakit ko.
Despite that, natuwa ako. Kasi naappreciate ko yung effort nya. Dun ko napatunayan that he do really cares for me. Pero hanggang 'care' lang.
Si Ynna pa rin kasi yung mahal nya.
ELEVENTH DAY.
Nakalabas na ko ng ospital, pero hindi pa rin ako pinapasok ng doktor sa school. Kelangan ko pa daw kasi ng isang araw na pahinga. Nagtaka ako kasi after akong maihatid ni Locke sa apartment ko ay buong maghapon siyang wala.
Gabi na ng kumatok sya sa pintuan ko at nagulat ako kasi ang dami niyang dalang plastic bags na punong-puno ng groceries.
"Ano ka ba naman? Bakit bumili ka pa nyan?"
"Pa'no kasi ikaw, hindi ka nagkakain. Kaya eto pinamili kita ng maraming-maraming pagkain para hindi ka na magkasakit ulit."
"Nyeh? Pano ko naman babayaran sayo yan. D'yos ko Locke, baon na baon na nga ko sa utang dahil sa pagkakaospital ko, pinamili mo pa ko ng ganyan karaming pagkain."
"Sino ba may sabing pababayaran ko sayo 'to?"
Natameme ako. Sa dami ng pinamili nya, bigay nya lang lahat saken yun?!
Aba! Totoong girlfriend nya na ba 'ko?
Assumera na naman ako!
12th-15th Days.
Apat na araw siyang hindi nagparamdam. Kahit sa school, hindi ko rin siya nakita.
Ako lang tuloy mag-isa ang nagtuturo kay Aldrin. Pati nga yung bata, hinanap yung Teacher Locke nya.
"Ano na kayang nangyari dun? Kaya ba ko iniwanan ng napakaraming pagkain nun, kasi alam niyang matagal siyang mawawala? Ang daya talaga nun!"
16th Day.
Nag-aalala na talaga ako kay Locke. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin sya nagpaparamdam.
'Ni tawag o text wala. Hindi tuloy ako makapag-focus sa sinasabi ng instructor namin.
"♫Happy birthday to you, happy birthday to you, you're my Yat-yat, I'm your Yab-yab... happy birthday to you.♫"
Hiyawan ang mga classmates ko, samantalang tulala naman ako habang nakatitig sa harapan. Kung san nakatayo ang lalaking halos isang linggo ko ring hinahanap-hanap.
Ang lalaking miss na miss ko na. Lumapit siya saken na may dala-dalang cake at flowers. Tapos sa may likuran nya, andun yung mga tropa nya na may dala namang malaking bear at balloons.
"Ano to?" out of the blue ay natanong ko.
"Birthday gift ko sayo,"inabot nya yung flowers saken. "Sorry ha. One week akong nawala, pinaghandaan ko kasi 'to eh."
Then, bigla siyang may kinuha sa bulsa niya.
"Plane ticket."
"We will have a trip to Hong Kong. Birthday at thank you gift ko sayo. Tutal ayaw mo namang ilibre kita ng icecream at isaw. Pati yung rent ng bahay niyo ayaw mo ring pabayaran saken."
Bagets ko sya. Yung tinutukoy nya is yung kapalit nung hiningi niyang favor saken—itong pagpapanggap namin.
"Hindi mo na naman kelangan gawin 'to eh," kasi kahit na walang kapalit, masaya ako sa nangyayari samen ngayon.
BINABASA MO ANG
OUR 30 DAYS (Short Story)
Short StoryBakit hindi lahat ng love story may 'happy ending'... bakit kelangang maging 'once in a lifetime' lang? Story by: MoonLightFairy Book Cover by: AteNga