I. History
I was as young as 10 when I first met her. I was busy reading my favorite book, A Walk to Remember, when suddenly i heard sobs coming from behind the tree kung san ako nakaupo noon.
Saglit ko pa siyang pinakinggan.
"Mama, Papa...bakit niyo ko iniwan?" she sobs harder.
Nagtaka ako kung naliligaw siya.
"Ang daya-daya nyo, you said gusto nyo pang makita ang mga magiging anak ko!"
Parang ang bata-bata nya pa para mag-isip ng mga anak ah.
"Ayoko na dito. Gusto ko nang sumunod sa inyo sa heaven!"
"NO! YOU CAN'T DO THAT!"
Nagulat ako sa sarili ko. Did i just say it loud?
"Pero Papa, I want to!"
Natawa naman ako. Akala nya ako yung papa nya na sumagot?
"Hahaha. Weirdo!"
"Papa?" biglang tumahimik "No! You're not my Papa! Who are you?!"
Nagulat ako nung makitang nasa harapan ko na pala sya. And oh God, she's so beautiful.
"L-locke," nilahad ko ang isang kamay ko sa kanya.
But she just ignored it. Magandang suplada.
"Why are you making fun of me?!"
"No, I'm not,"I handed her my hanky. "Here."
"A-are you sure?"
I smile and nodded.
"T-thanks."
She looks so innocent. She looks like an angel.
"What's your name?"
"Margaux."
"I thought it's Angel."
"Huh?"
"No I mean, you have such a beautiful name, from a beautiful owner."
"Tss. Binobola mo naman ako!"
I giggled, ang cute lang kasi ng accent nya.
"Are you a foreigner," I asked her.
"Half."
"Half what?"
"Half Brit-half Fil."
"Oh, I see.." tumango-tango ako.
"How about you?"
"Half."
"Half what?" she asked.
"Half Spanish-half Bread."
"WHAT?!" panggigilalas niya.
"Hahahaha! Kidding! I'm pure Filipino."
"Okay."
***
After that day, nagpabalik-balik na ko sa lugar na yun para lang makita sya.
Nalaman kong namatay pala sa car accident yung parents nya kaya sya umiiyak. So now, she's living with her grandmother sa village na kalapit lang namin. Naging madalas ang pagkikita namin. At dahil napapadalas pa rin ang pagiging malungkot nya dahil sa pagkamiss sa parents nya ay nag-eeffort pa kong magsearch sa net ng mga jokes just for her. It makes me feel good kasi whenever I see her smile. And it's also a painful one for me, when seeing her cry.
I became her comfort zone. She became my happiness. But not until I met Ynna. The girl whom I called my "soulmate". Kamukha ko kasi sya. I do have this belief na kapag kamukha mo ang isang tao with different gender as yours, sya ang soulmate mo.
So I became curious of Ynna. Kinuha ko yung number nya. And since classmate ko sya, mas madalas ko na siyang nakakasama kesa kay Margaux. Naging masyado akong busy kay Ynna to the point na nalilimutan ko na ang bestfriend ko.
One day, nagkaron ako ng isang napakalaking kasalanan sa bestfriend ko. Nagkataon kasing nagkasabay yung 16th birthday ng bestfriend ko at yung monthsary namin ng girlfriend ko. Yes, girlfriend ko na nga si Ynna. So I have to choose, and I chose my girlfriend over my bestfriend.
Sobrang nagtampo saken nun si Margaux, dahil nga ako na nga lang daw yung kaisa-isang nakakasama nya every birthday nya, iniwan ko pa sya. Mahina na kasi yung lola nya at hindi na kaya ng katawan ang anumang mabibigat na pagkilos.
Pinuntahan ko naman si Margaux nun kinagabihan at kitang-kita ko siyang mag-isang kinakantahan yung sarili niya ng "happy birthday" habang umiiyak.
"♫Happy birthday to me, happy birthday, they forget me and they left me...what's so happy on my birthday?♫"
Dahil dun ay hindi na ko nagkalakas-loob na lapitan sya. Bakit ko nga ba nagawa sa kanya yun?
Naalala ko tuloy nung nag-promise ako sa kanya sa ilalim ng puno, yung time na umiiyak siya dahil naalala nya na naman yung parents nya...
"Tahan na. Ako, hindi kita iiwan. promise yan Margaux."
Pero bakit ngayon nagawa ko siyang iwanan? At sa pinaka-espesyal na araw nya pa...
How irresponsible best friend I have been? Kinabukasan ay nag-sorry ako sa kanya. And the usual, she forgives me easily.
"Okay lang yun. Ano ka ba? naintindihan ko naman, hindi pwedeng palagi nalang ako ang maging priority mo. It's ok, really."
"Salamat, Margaux."
Dahil dun ay nagkaron ako ng security na hindi nga sya nasasaktan. Na hindi nga sya nagtatampo. Na okay lang sa kanya na kay Ynna ko inilalaan ang halos lahat ng oras ko.
Madalang nalang kami nagkakasama ng bestfriend ko. Almost once a month na nga lang eh. Madalas, tanguan or ngitian nalang pag nagkakasalubong sa hallway.
But one day, I realized that I miss her.
I miss her smile.
I miss her eyes.
I miss the way she laughs.
I miss the way she cares for me.
I miss her voice.
I miss all of her.
I miss my bestfriend.
That's why pinuntahan ko siya sa bahay nila ng lola nya. But a big news had bombed me. Namatay na daw yung lola nya at wala na daw nakatira sa bahay na yun. Kaya pala hindi ko na sya nakikita sa school.
"Sa sobrang pagka-busy mo sa girlfriend mo, ni hindi mo man lang nabalitaan na nawala na pala yung lola ng bestfriend mo. Kaisa-isang pamilya nya nalang yun... sigurado akong sobrang sakit ang naranasan nya. At sigurado rin akong wala siyang karamay sa sakit na yun. Anak, parang hindi mo na nagagampanan ang pagiging matalik na kaibigan ni Margaux ah?" si Mama nang kausapin nya ko sa Skype.
Pero asan na kaya si Margaux?

BINABASA MO ANG
OUR 30 DAYS (Short Story)
Short StoryBakit hindi lahat ng love story may 'happy ending'... bakit kelangang maging 'once in a lifetime' lang? Story by: MoonLightFairy Book Cover by: AteNga