Chapter 28- Almost Over You

32 3 0
                                    

A month ago na nung mawala sa'min ang mama ko, medyo naging okey naman na ako kahit papaano.
Lumaki kasi ako sa mga grandparents ko kaya hindi ako masyadong attached sa totoo kong mga magulang, pero it still hurts knowing na maikling panahon lang kami nagkasama, yung katotohanang hindi na matutupad ang mga pangarap ko para sa kanya.

Nandito pa rin si Samuel sa tabi ko, tinupad niya pa rin ang pangako niya na hindi niya ko iiwan.
Pangakong minsan na ring binitiwan ni Khiel.

Nakakapag-focus naman ako sa school kahit paano.

"Jie, mauna ka na lang sa cafeteria mamaya ah, may dadaanan lang ako sa library", pagpapaalam niya.

"ah ganun ba, sige sige, hintayin na lang kita dun ah", pagsang-ayon ko naman.

Nasa kalagitnaan kami ng subject namin before lunch break, at lagi kaming sabay kumakain sa canteen.

"okey class, i'll assign you for a research, ig-group ko kayo into 5, i need the research next week", sabi ng instructor namin.

Natahimik kami para mapakinggan kung sinu-sino ang magkakagroup at kung ano pang i-aannounce ni Sir.

"okey, here's the group 1, Andy, Camille, Daryll, Sojie and Samuel", a wide smile nung marinig ko yun, kasi magkasama kami sa research ni Samuel.

Napansin kong napangiti din siya, at napatingin siya sa akin.

"okey class, any violent reactions about your groupings?", dagdag pa ni Sir.

"wala po", sabay- sabay naming tugon.

"okey, see you next week, class dismiss", sabay kuha niya ng gamit niya sa desk.

Agad naman nagkanya-kanyang lumabas ng room ang mga kaklase ko na tila excited at parang nakalaya sa kulungan.

Lumapit sa akin si Sam.

"mauuna ka na bang kumain or hihintayin mo pa ako?", tanong niya.

"kung sandali ka lang naman sa library, hihintayin na kita, tutal hindi pa naman ako nagugutom eh", sagot ko.

"oo sandali lang ako, hihiramin ko lang yung book na kailangan ko", sagot niya sabay ngiti.

Ngayon ko lang ulit nasilayan ang ganoong mga ngiti sa labi niya, marahil hindi ko masyadong napapansin ang mga iyon lately kasi stress ako.

"uy jie, natulala ka", pagbasag niya sa pagkatulala ko.

"ah eh, wala wala, haha".

Tumayo na ako at bumaba papuntang cafeteria para hintayin si Samuel.

Naghanap ako ng vacant seat sa loob ng cafeteria, dun na muna ako umupo.
Kinuha ko yung earphone ko sa bag at nakinig muna ng music para hindi ako mabored habang naghihintay kay Sam.

"....now i almost over you, i'll almost shook these blues, so when you comeback around, after painting the town, you'll see, I'll amost over you", malungkot na lyrics ng kanta.

Naka-shuffle kasi kaya hindi ko alam kong anong susunod na kanta.

I almost over him na, naiisip ko siya pero madalang na lang, hindi na rin ako ganoong inlove sa kanya.
Marahil sa tagal ng panahong wala siya, nasanay na ang mga mata ko na walang mukha ni Khiel, nasanay na ang tenga ko na walang boses niya, nasanay na ang ilong ko na hindi na naamoy ang pabango niya, nasanay na ang katawan ko ma walha na ang mainit na yakap niya at higit sa lahat, nasanay na ang mga labi ko na wala na ang halik niya.

Naku, nagsenti na naman ako dahil sa mga kantang narinig ko.

"uy jie, bakit mag-isa ka yata ngayon", bungad na tanong ni Brent.

"ah nasa library si Sam, may hiniram lang na book", sagot ko.

"di ka pa ba kakain?", tanong niya.

"sige, mauna ka na, parating na rin yun", sagot ko ulit.

"uh oh di sige, dito na kami ah", pag papaalam niya.

Si Brent nga pala, kaibigan ko, we're not at the same class, bale nagkakilala lang kami through other friends ko.

After 10 minutes, dumating na si Sam, dala ang dalawang makapal na libro.

"ah eh, pasensya na ah, madami kasing humiram din ng books", bungad niya.

"ah ok lang yun", sagot ko.

"tara order na tayo, anong gusto mo?", tanong niya.

"white spaghetti na lang tsaka ice tea", tugon ko.

Tumayo na siya at umorder.

Maya-maya bumalik na siya dala ang mga order namin.

"thanks", nakangiti kong bungad nung inilapag niya ang food sa table.

"nainip ka ba? Sa paghihintay sa'kin?", tanong niya.

"huh? Hindi noh, actually dumaan si Brent dito kanina", sagot ko.

"ah see, buti naman kung ganun", nakangiti niyang tugon.

"tara kumain na tayo, nagugutom na ako eh", sabi ko pa.

Habang kumakain kami hawak ko yung cellphone ko para i-check kung may bagong notifs o messages.

"jie, nga pala kelan tayo gagawa ng report?", tanong niya.

"hindi ko pa alam eh, maybe sa saturday na lang sa bahay niyo, ok lang ba?", suggestion ko.

"oo naman, bakit hindi?", pag sang-ayon niya.

"mamaya kakausapin natin ang ibang members natin para makapaglano tayo ng report", dagdag ko pa.

Nagkwentuhan pa kami habang kumakain para hindi naman boring ang pagkain namin.

"ay teka, may mga antique na gamit pala kami sa bahay, dadalhin ko na lang sa saturday", sabi ko pa.

We'll report kasi about antique things, magdadala din kami sa school ng ibang examples.

Nung matapos kaming kumain ni Sam, bumalik na kami sa room for next subject.

"Sam may number ka ba nina Camille para maitext na lang natin", tanong ko.

"uhm wala eh, pero sige mamaya hihingin ko yung contact numbers nila", sagot niya.

Naglalakad kami sa hallway pabalik sa room which is nasa 4th floor pa ng school building.

Tumunog ang cellphone ko sign na may nagtext.

"sojie si Daryll to, hiningi ko number mo kay Brent, ask ko lang about sa report natin?", sabi sa text.

"ah see, sige pasave na lang din ng sakin, about naman sa report pag-uusapan pa eh, update na lang kita", reply ko.

"sige sige salamat", reply niya.

"by the way, pahingi ako ng number ni Camille at ni Andy ah", dagdag ko pa.

"sige sige text ko na lang sila", reply niya.

"Sam, meron na kong number ni Daryll, pinahingi ko na lang number nina Camille", sabi ko kay Sam habanf naglalakad.

Yesterday's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon