ONE: HIM

1.3K 29 9
                                    

I TRIED TO KEEP MY POKER FACE ON. Hindi dapat malaman ni boss na kanina pa ako naaasiwa sa ginagawa niya at ng kasama niya sa mismong loob ng opisina. Buti sana kung nakatalikod ako, eh halos nakaharap na ako sa kanilang dalawa. Well, they are not actually doing something malicious but I know that they are flirting with each other. Take note, the only thing that separates me from them is the thin transparent division wall na halos hanggang leeg ko lang ang haba.


Iniiwas ko na lang ang paningin ko at binasang muli ang document na kanina ko pa tapos basahin at rebisahin. I let out a small sigh. Hindi naman ako maaaring huminga ng malalim dahil baka isipin ni boss eh naiinggit pa ako sa sweetness nila ni... teka, I tried recalling the name of that woman he's with but I failed. Sa dami ba naman kasi ng naisama ni boss sa office niya eh malamang hindi ko na matatandaan kung sino ang chick na nasa kandungan niya ngayon.


Binuksan ko ang organizer ko at hinanap ang listahan ng mga 'chicks' ni boss. My eyes widened when I found out na halos mapuno na ang front page ng medium-sized tickler ko sa mga pangalan ng babae. There are names like Tiffany, Camille, Jess, Queenie, Dianne and names that could be found on the elite pages of a magazine or a high-class group from Facebook. Tiningnan ko ang huling pangalan na nasa listahan ko. Ella. So... that is her name. I frowned, mahilig si boss sa mga babaeng may double letter sa pangalan? I chuckled softly with my own ridiculous thought.


"Ella." That girl's name just slipped out of my tongue. Napanguso ako ng bahagya. Yeah, she has a beautiful name. Kasing-ganda niya. Napapitlag ako ng may narinig akong bumagsak sa sahig at nabasag. I knew what that was. Yung isa sa paboritong table decor ni boss na vintage perpetual desk calendar, nabasag.


"You are dead, Ella." Bulong ko habang pinipigilan kong matawa. Hindi ako natatawa dahil alam kong magagalit si boss kay Ella. Natatawa ako sa kadahilanang nadamay pa ang walang malay na table decor ni boss sa kalandian nilang dalawa.


Bumilang ako ng hanggang lima. Boom! I heard him let out a frustrated outburst. Then afterwards, I heard Ella yelled at him hanggang sa umabot na sa mainit na palitan nila ng mga salita. Well, this is the first time na may nabasag sa office ni boss kaya ngayon ko lang din narinig na nakipagsagutan siya sa 'chick' niya.


"Then go!" That was the last words I've heard from boss Alden before Ella walked past by my cubicle and gave me a threatening look. I bite my lip. Talagang kasama ako sa pagiging badtrip niya? Sanay naman na ako sa ganito. Women leaving boss' office and giving hate glares at me. I rolled my eyes. Yung ibang babae talaga basta guwapo at mayaman ang isang lalake basta na lang bumibigay. Buti talaga hindi ako katulad nila at buti na lang talaga, kasi wala pa ako nagiging boyfriend. Mukhang sakit lang ng ulo eh. Lalo na kung katulad ni boss ang magiging boyfriend ko. Wag na lang. Mabait naman si boss, ang hindi ko lang gusto sa kanya ay ang pagiging babaero niya. Pero labas na ako sa issue niya sa mga babae, it shouldn't be my concerned anymore.


"Nics!" I heard boss called my name with a slight exasperation in his tone. I maintained my composure as I stand to attend to his call. Hindi niya ako tinatawag sa pangalan ko sa office na Maine, he is the only person who calls me Nics. To be honest, nababaduyan ako pero hinahayaan ko na lang, boss ko siya eh.


Nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa majestic view sa labas ng building. He does not always open the blinds but when he does, he makes sure to gaze at the beautiful scenery outside. I cleared my throat upang maipaalam sa kanya na nasa harapan na niya ako.

God Gave Me You (AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon