Chapter 8
"Chandria, okay ka lang ba?" Nakakulong lang ako sa kwarto buong araw. "I'm not feeling well tita."
Hinawakan niya ang noo ko. "Di ka naman nilalagnat. What's the problem cha?" Muling tanong ni tita. Bumangon ako. "Natatakot ako tita." Pag-coconfess ko.
Kumunot ang noo ni tita vice. "Natatakot? Saan?" Huminga ako ng malalim. "Sa mga pwedeng mangyari. Sa pwedeng gawin ni Miles." Hindi ko mapigilan tumulo ang mga luha ko.
"Chandria." Niyakap ako ni tita. I feel so secured. "Wag ka ng umiyak cha, malalampasan rin natin yan. Mga pagsubog lang yan." Hay, I'm so blessed na meron akong katulad ni tita vice.
Tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko mapigilan. "Reyna ko?" Mas lalo akong napahagulgol nang marinig ko ang boses ni Daniel.
"Tita anong nangyari?"
"DJ, natatakot daw siya. Sige maiwan ko muna kayong dalawa ha." Pagpapaalam ni tita. "Honey." Tawag ko kay DJ.
"Ssh. Stop crying, reyna ko." Niyakap ko siya ng mahigpit. Ayoko siyang mawala. Hindi ko kaya. "