April 16, 2013
Dear Diary,
Ano bang pwede kong gawin para masabi ko ang nararamdaman ko kay Warren? Gusto ko kasi ‘yung tipong perfect ang lahat. ‘Yung incase na ireject niya ako, maganda pa din ang takbo ng dialogue. ‘Yung tipong pag umamin ako, hahalikan niya ako bigla. Hay.. pa’no ba talaga?
4:34 pm. Lumabas ako ng bahay. Nakita ko si Kara at Warren. Pumunta ako sa kanila, umupo din ako.
Ako: Sali naman dyan sa kwentuhan! :)
Kara: Sige ba, ito daw kasing si Warren eh, magsheshare sa crush niya. :)
Warren: *napangiti*
Ako: Oh talaga?! Oh game na game na! :D
Warren: Ah.. kasi.. ganto ‘yon..
Kara: Nako, Warren! Wait lang iihi muna ako, di ko na kayang pigilan eh. Pagbalik ko na lang. :D
Naiwan kaming dalawa ni Warren. Magkaharap kami. Nakatungo ako at siya nakatingin sa gilid niya. Malaking AWKWARD ang nakapaligid sa’ming dalawa. Hanggang sa bigla na lang nagsalita si Warren.
Warren: Ikaw, sino bang crush mo?
Nagulat ako sa tanong niya. As in! Panandaliang naparalisado ang bibig ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. At naisip kong siguro, ito na ang panahon para umamin ako..
Ako: Uhm.. tumingin ka sa buong paligid mo.. ‘yung crush ko.. hindi mo makikita. :)
Warren: Ahh… multo?
Ako: Baliw. Ahahaha!
Bwisit, hindi niya nagets. :’( Bumalik na si Kara, at natuloy na ang kwentuhan. Positive, inlove na nga si Warren kay Shiela. <//3
BINABASA MO ANG
Diary ng Hopeless (COMPLETED)
Teen FictionIto ay tungkol kay Jasmine na isinusulat ang mga nangyayari sa kanya buong araw. Ang diary na ito ay naglalaman ng mga kilig moments, nega-thoughts, at mga inspirational quotes. In short, ang Diary na ito ay tungkol sa crush ni Jasmine na si Warren...