Vince Art POV
Tapos na ang PE namin. Kaya di na ako nag dalawang isip na pumunta sa next subject ko halos takbuhin kona ang corridor at may nabangga akong isang lalaki na pamilyar sa aken.
"Sorry." Sabi nya. At nagpatuloy sa paglalakad.
"Sandali lang." Sabi ko sa kanya.
"Ako.?" Turo nya sa sarili nya.
"Oo ikaw. Dito nga." Sabi ko at lumapit sya na nagtataka.
"Bakt.? Crush moko.?" Sabi nya na ikinanganga ko. Gwapo sya pero mas gwapo ako no. Crush ko nlng sarili ko kesa sa kanya
"Anong crush.?!" Sabi ko at nagpipigil naman sya ng tawa
"Joke lang ikaw naman. Bakit mo ba ako tinawag.?" Tanong nya.
"Bago ka lang ba rito.?" Tanong ko sa kanya. Kelan pa ako kumausap sa diko kilala. Haist buhay
"Oo magtatransfer ako dito at simula bukas ang klase ko *smile*" sabi nya at tumango tango ako.
"Nagkita na ba tayo.?" Tanong ko na ikinagulat naman nya.
"Ako? Ikaw? Hindi ko alam haha." Sabi nya abat.
"Nevermind. Sige umalis kana nga dyan baka masipa pa kita. Pilosopo." Sabi ko at ngumiti lang sya
"See you tommorow lover boy." At nag flying kiss pa. Tsk bakla. Ahahaha.
"Huii baby loves." Gulat sakin ni Yvonne sa likod ko.
"Saan ka galing? At bakit may bulak yang ilong mo huh.?" Tanong ko sa kanya. Napano kaya tong babaeng to?
"Galing ako sa PE. Nabato ako ng bola kaya dumugo ilong ko. Diko kase nakita yung bola eh." Sabi nya at nag pout. Tsk tanga di nakita yung bola
"Damn. Bakit hindi ka nag iingat.?" Hinawakan ko pa yung mukha nya at pinisil pisil.
"Tara na nga." Sabi nya
"Oo nga tara na." at inakbayan ko sya at nilagay naman nya yung kamay nya sa baywang ko na ikinagulat ko. Bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko sa diko alam na dahilan.
Nandito na kami sa tapat ng pintuan ng papasukan namin at inalis nya na ang pagkakahawak sa baywang ko. Pero diko parin inaalis ang pagka akbay ko sa kanya.
"Vince pasok na tayo." Sabi nya na nakangiti at nginitian ko nlng sya. Pumasok na kami at halos ng kaklasi namin ay nandito na. Konti nlng ang mga wala pa.
Tumabi ako sa pwesto ni Yvonne.
"Ahm Yvonne. Hihintayon kita sa parking lot. May pupuntahan tayo." Bulong ko sa kanya.
"Saan.?" Tanong nya
"Secret basta sumama ka huh. *wink*" Sabi ko sa kanya.
"O-okay." Sabi nya at bumalik na ako sa pwesto ko at may kinuha sa bulsa ko. Yung kwintas na ibibigay ko sa kanya. Couple necklace yun. Pinagawa ko yun nung sabado ng gabi sa Korea pumunta pa ako doon para sa kwintas na to. Hindi lang basta kwintas meron tong sulat sa loob na Korean letter ang pagkasulat. Malalaman nyo mamaya.
Sha Yvonne POV
"Stephany mauna kana ako nlang bahala dito." Sabi ko sakanya dahil kaya ko naman ayusin itong mga papers na mag isa. Irerecord lang naman yun kaya walang kahirap hirap.
"Okay ka lang dito mag isa.?" Tanong nya. Wala na kase si Vince nauna na sa parking lot dahil may kakausapin pa daw sya.
"Oo okay lang ako. Magpahinga ka na rin alam kong pagod ka kanina sa mga decorations." Sabi ko at tumango tango sya.