April 17, 2013 ♥

139 4 0
                                    

April 17, 2013

8:00 pm. Nanonood kami ng liga. Habang tutok na tutok sina Kara, Shiela at Warren sa liga, ako hindi mapakali. Sabik na sabik na ‘yung bibig ko na umamin sa nararamdaman ko pero ‘yung puso ko, kinakabahan. At ‘yung isip ko, pinipigilan ang gusto ko.

Bibig: Jasmine, sabihin mo na. Bago pa mahuli ang lahat! bago pa maging si Shiela at Warren. Tignan mo, ang saya saya nila, kung aamin ka, pwedeng kayong dalawa ni Warren ang maging masaya!

Puso: ‘Wag na muna. Konting tiis pa. Siguro bukas na lang. Marami pa naming pagkakataon. At isa pa, may girlfriend naman si Warren kaya kailanman, hindi magiging sila ni Shiela.

Utak: ‘Wag ka ng umamin. Umiwas ka na. Umuwi ka na sa bahay niyo. Tatanungin kita Jasmine, guguluhin mo pa ba ang taong masaya na sa iba?

Bibig: Sabihin mo na! Wag kang making kay Utak. Bitter lang ‘yan! Napaka-negative.

Utak: Ikaw kasi, hindi ka sawang masaktan! Hindi mo kasi alam kung paano magmahal ng totoo kaya ganyan ang payo mo kay Jasmine!

Bibig: Nagkakamali ka!

Utak: Mas mali ka!!!

Puso: Tama naaaaa!

8:46 pm. Biglang napundi ang mga ilaw sa court. Natigil ang laro. Tumayo sina Warren, Kara at Shiela. Kaya sumunod na din ako sa kanila. Medyo malapit pa din kami sa court kaya sobrang dilim pa din. Naririnig ko si Warren at Shiela. Nagkikilitian. Nagtatawanan. Hanggang sa naaninag ko na magkayakap na silang dalawa.

8:51 pm. Biglang bumukas ang mga ilaw. Nagsaya ang buong madla. Pero ako, nakatalikod at unti unti ng humahakbang papauwi. Umiiyak. Nakatungo. At pilit umiiwas sa tatlo. Pero may tumawag sa pangalan ko.

“Jasmine! San ka pupunta?” si Kara.

Huminto lang ako. Pero hindi ko nilingon sina Kara. Tumuloy na lang ulit ako ng lakad. Pero hinabol ako ni Warren, Shiela at Kara.

Kara: Anong problema, Jasmine?

Ako: Wala ‘to.

Warren: Sabihin mo na Jasmine, kaibigan mo naman kami eh.

Nakatungo pa din ako. Umiiyak. Pero nung narinig ko ‘yung “kaibigan mo naman kami eh.” Bigla akong tumingin kay Warren. Tinignan ko siya sa mata habang umiiyak ako.

Ako: ‘Yun na nga Warren eh… kaibigan mo lang ako.. hanggang kaibigan lang ako para sa’yo. Tanggap ko naman eh.

Warren, Shiela, Kara: *nagulat*

Warren: Hindi kita maintindihan, Jasmine.

Ako: Mahal kita Warren, ginawa ko lahat para mapansin mo ako. Hindi mo ba nappansin, lagi akong lumalapit sa’yo. Lagi akong sumisilip sa bintana ng kwarto mo. Gustong gusting gusto kita Warren.

Naiyak ako lalo sa sobrang saya dahil nasabi ko na din. Kaming apat sa isang madilim na street ng Sto. Niño. Natigil ang isang sandal. Tahimik, walang kumikibo. Mistulang tumigil ang ikot ng mundo. Parang huminto ang oras. Nang biglang nakita ko ang hawak ni Shiela.. isang stuff toy na may nakalagay na ‘I Love You.’

Ako: K-kayo na—ni Sh-shiela?

Warren: *tumngo* Oo…

Lumapit ako kay Warren. Habang tuloy-tuloy na humahalik ang mga luha ko sa aking pisngi. Tinapik ko ang braso niya. “Maswerte ka dahil kayo na ni Shiela, maganda na at mabait pa. Congrats. :’(“

Lumakad ako unti unti. Nilapitan ako ni Kara at hinimas ako sa likod. Nagsalita muli si Warren.

Warren: Jasmine, okay ka lang ba?

Ako: Okay lang ako. Baka nagkakilala lang talaga tayo sa maling pagkakataon. 'Yan ang lagi kong iniisip. Siguro, isang araw. Years from now, magkikita tayo ulit sa isang coffee shop sa malayong syudad at baka 'don, pwede nating subukan ulit.. *iyak*

After 1 week. Nakadungaw ako sa bintana ng kwarto ko. Narinig ko si Kara..

“Isang lingo ng hindi nalabas si Kara kasama tayo.. namimiss ko na siya.”

Unti-unti akong naiyak. Pero wala akong magawa. :’( Hanggang dito na lang siguro ang Diary ko. Hindi ako nagtagumpay. Hindi ko nagawang mala-Fairytail ang ending ng storya ko. :|

Diary ng Hopeless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon