Chapter 40

2.8K 46 0
                                    

40





Ilang minuto na silang nakaupo at nakaharap sa isa't isa pero wala pa rin ni isa sa kanila ang balak magsalita. Nakayuko lamang si Aleina habang nakahawak ng mahigpit sa kanyang kamay ang asawa.





"So, tumakas ka para sundan si Jc na nanahimik na ang bubay sa ibang bansa at naguumpisa ng kalimutan ka? Para ano pa, Aleina? Ginulo mo na naman sya! Ikaw na mismo ang nagtaboy sakanya palayo sayo tapos.. Aah! Hindi na kita maintindihan, Aleina.. Pero ano pa nga bang magagawa namin? Ikinasal na kayo, e. Tama, di ba? Yang singsing nyo na nakikita naming sa mga daliri nyo?" kalmado ngunit mariing paguumpisa ni Alex.





"Hindi--"





"Ipaintindi mo sa amin!"






"Inaamin ko, ok?! I've been so stupid and selfish! Pinairal ko yung pride ko at ibinalot ko ang puso ko sa galit. Dahil normal lang yon! Na magalit ako sa taong iniwan ako sa simbahan dahil sa taong minsan na nyang minahal! Hindi mo alam kung gaano kasakit yon! Napuno na ako sa lahat ng sakit.. Hindi ko na kinaya kaya umiwas ako at itinaboy sya! Pero mahal ko pa rin sya. Mahal na mahal! Hinintay ko syang bumalik pero hindi na naman nya nagawa.. kaya ako na ang sumunod doon. Tinakasan ko sila mommy at Lei para sundan yung taong mahal ko. Yung taong tanging bumubuo sa kung sino man ako ngayon. Sinundan ko lang kung nasaan naroon yung puso ko.. Tinanggap ko lahat ng pagkakamali ko. I pleaded for him to come back, yes, I did. He wanted to marry me so I said yes. Ngayon, gusto ko na lang maging masaya kami. Yung tanging iisipin na lang namin ay yung buhay namin ng magkasama at hindi yung sasabihin ng iba. Alex, believe me. Mahal na mahal ko si Jaustin.." and as if on cue, her tears started to fall but she sustained her self not to.






Hindi na makatingin ng diretso sakanila si Alex dahil umiiyak na rin sya.






"Pero bakit? Bakit mo pinahirapan lahat ng tao sa paligid mo?! Lalo na ako. Bestfriend mo ako, di ba? Pero bakit parang hindi naman!"






"You are my bestfriend. My only bestfriend, Alex.." she extend her hand para hawakan ang kamay ng kaibigan.





"Yeah. Sabi mo, e." huminga ito ng malalim at saka tumayo na. "Tara na, Jasper. Kailangan na nilang magpahinga."






"Aalis na kami, Jc. Alley, sorry sa inasta ni Alex. Alam mo namang mahal na mahal ka lang non at ayaw nyang napapalayo sya sayo at nababalewala mo lang."





"Kasalanan ko, Jas. Sige na.. Balik kayo nila Allen next time, ha?" ngiti nya.






"Nako, gumawa na kasi kayo.." at umalis na syang buhat si Allen.






Nang maiwan na silang dalawa at nakaayos na sa kanilang kama upang magpahinga.







"Tama si Jasper, e. Kailangan na nating gumawa talaga.. What d'yah think, my wife?"








Tila namula naman ito sa sinabi ng kanyang asawa. Alam naman nyang ilang beses na nilang ginawa ang bagay na iyon pero ngayong kasal na sila ay tila ngayon pa sya tinubuan ng hiya.






"Jaustin naman. Stop teasing me.."






"I really love teasing you, its really a proof that I have a great affect on you.." he hugged her tight.







"Wow, ha? Can we take a nap instead? I need to have a good rest.."






He kissed her. "Yeah, you should. I'll make sure you'll get tired after."






"Jaustin!"







"Okay.. Okay.." he chuckled. "I love you, Ivy Aleina David."





"Know that I love you more, Jaustin Callum David." gumanti na sya ng yakap sa lalake at humilig sa dibdib nito.





Ramdam na ramdam nya ang pagbigat ng paghinga ng asawa at rinig na rinig rin sya ang malalakas na pagpintig ng puso nito. Ngumiti sya at ipinikit na ang kanyang mga mata.





"Sobrang mahal kita, Aleina. Sobra.. sobra." huminga ito ng malalim at saka pumikit na rin.

Mistress Turned into Wife ( Mistress Series Part 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon