Pera, Paano ka nakokontrol ng pera? Mga simpleng tanong na hindi natin kadalasan naiisip. Mga bagay na ginagawa natin at pinagtutuunan ng pansin na hindi natin namamalayan. May mga pagkakataon na hindi natin alam na nawawalan na tayo ng panahon para maging Masaya, magawa ang mga gusto nating gawin at higit sa lahat nawawala ang oras natin sa ating pamilya.
Ang Pera, Simpleng papel ngunit kayang kontrolin ang buo nating pagkatao, aminin man natin o hindi na tanging nakatanim sa utak ng mga kabataan ngayon ay mag aral at magtrabaho, magtrabaho para saan? Para sa Pera..
Hindi mo alam at ng karamihan, na kapag inubos mo ang panahon para kumita ng pera, sinayang mo lang ang oras mo, bakit? kasi nang dahil sa pera gagawin mo yung mga bagay na ayaw mong gawin, halimbawa na lang nito ay ang mga OFW. Nang dahil sa pera nagawa nilang iwanan ang kanilang pamilya na ang kanilang tanging kadahilan ay maliit ang kitaan dito sa Pilipinas na ang tanging sagot lang naman ay masyadong malaki ang kanilang espektasyon kaysa sa nangyayari sa reyalidad. Hindi naman masamang mangarap at hindi naman pinagbabawal mangarap ngunit dapat ay nakabase sa iyong sitwasyon ang pangarap mo, nakabase sa sitwasyon mo ang ekspektasyon mo at nakabase yung ekspektasyon mo sa Realidad . Pangalawang halimbawa ay ang ating mga empleyado na subsob sa kanilang trabaho, kahit ipa-destino sa malayong lugar, bigyan ng maraming obligasyon, sigaw-sigawan ng kanilang mga amo, naisip mo ba na gusto nila yun? Kailangan mong maintindihan na nang dahil sa pera gagawin mo yung mga bagay na ayaw mo, hindi ka na nageenjoy, nasayang pa ang oras mo.
Well Ako ng pala si Ryan Blanco, Isang estudyante, Merong simpleng pamumuhay, hindi naman ako mayaman, hindi rin naman ako mahirap. Nakabase kasi lahat ng sinasabi ko sa mga bagay na tumatakbo sa utak ko, at lahat nang isinusulat ko ay pawang nangyari o base sa aking tunay na karanasan.
Siguro nagtataka ka na, kung ano ba talaga yung pinupunto ng bawat sinasabi ko, Simple lang naman. Nais ko lang na maiparating sayo na, Masarap Mabuhay wag mong ituon yung atensyon mo sa mga material na bagay. Ang tao nabuhay para mahalin at ang material na bagay ginawa para gamitin alam mo kung bakit nagkakagulo ang mundo? Dahil ang material na bagay ay minamahal at ang mga tao ay ginagamit. May mga bagay sa mundo na parang paulit ulit lang, halos lahat naman ng taong inuubos ang oras sa pera kadalasan sa una lang nagiging Masaya. Sa bandang huli hindi na nila kayang enjoyin. Tandaan mo mas maganda pang magkaroon ng maikling buhay na nagawa mo yung mga bagay na gusto mong gawin, kesa sa magkaroon ng mahabang buhay na ginagawa ang mga bagay na ayaw mo namang gawin.
Sa Murang edad ko, naranasan ko nang magtrabaho, naging waiter ako sa isang bar, dumadating sa point na halos sigawan ako ng mga customer na tipong akala mo sila yung nagpapasahod sayo, well hindi naman ako nagenjoy, hindi ko sinasabing hindi ako nagenjoy kasi sinisigawan ako, hindi ako nag eenjoy kasi hindi yun ang nakikita ko para sa sarili ko, ako kasi yung tipo ng tao na gagawin ko yung lahat ng bagay maexperience ko lang, kahit magkamali ok lang. Tandaan mo ang pagkakamali isang guide yan sa buhay natin. Naging networker din ako sa isang sikat na networking company dito sa pilipinas, halos lahat naman sila pare-pareho, pero take note totoo ang kitaan. Well hindi ko sinasabing totoo ang kitaan kasi ini-engganyo kitang sumali, ang networking kasi isa sa mga mahirap na negosyo yan, kadalasan bibig mo ang puhunan. Halos lahat ng paghihirap dinanas ko sa networking, dumating sa punto na hindi na ko kumakaen kasi may invite ako, nawawalan ako ng pamasahe kasi nililibre ko yung invite ko, until such point na naisip ko, hindi na ko nag eenjoy. Unang dahilan naman ng pagsali ko ng networking is para sa pera . Parang ganito, may mga kaibigan akong nakausap sabi ko
“ Bro Pano kung nakakita ka ng P1000 at P500 anu yung pupulutin mo?
Sabi nya..
“ Syempre yung P1000
Alam mo kung anung sagot ko? Simple lang ganito, “ Bakit mo pupulutin yung ISANG LIBO kung pwede mo namang pulutin pareho..
Ang nangyayari kasi, masyado tayong nagiging mapili sa mga bagay bagay na dumadaan sa buhay natin, mas gusto mo yung MAS maganda, MAS maayos, MAS nakakalamang sa kapwa, naisip mo bang MASarap sa pakiramdam? MAS nageenjoy ka ba? O baka MASALIMUOT lang? kaya mo inuubos yung oras mo sa pagkita nang pera kasi nangangarap ka ng MAS maganda na hindi mo namamalayan hindi naman yun yung nangyayari sa buhay mo, Siguro tatanungin mo ko, “PAANO AKO MAG EENJOY KUNG WALA AKONG PERA? KUNG HINDI KO UUBUSIN YUNG ORAS KO PARA KUMITA NG PERA? “ siguro ganito, dapat makuntento ka sa mga bagay na meron ka, wag kang mangangarap nang mataas kung hindi naman akma sa nangyayari sa sitwasyon mo, kung gagawin mo yan patuloy lang na tatakbo sa utak mo yan , hanggang sa dumating sa punto na mabu-burn out ka sa mga nangyayari sayo, maii-stress ka, sisihin mo yung mga taong nasa paligid mo, kung gusto mong maging Masaya yung buhay mo at kumita habang nag eenjoy, hanapin mo yung talento mo, at paigtingin mo at dun mo ibuhos lahat ng oras mo. Sabi ko nga sa sarili ko, darating sa Punto na titingalain ako ng mga tao hindi dahil sa laman ng bulsa ko, kundi dahil sa laman ng mga sinasabi ko, lahat naman ng tao gifted, hindi lang nila binubuksan yung utak nila.
THE END
(A/N Abangan ang part 2)