Henyo-henyuhan [One Shot]

24.4K 875 181
                                    

Naiirita ako! Hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi ako makapagsulat, hindi ko malagyan ng next chapter 'tong story ko. Hindi writer's block 'to eh, yung mga hampaslupa ko kasing classmate ang ingay! Naglalaro ng walang kamatayang Pinoy Henyo at walang nakakasagot kahit sino sa mga pinapahula nila! Saan ang henyo dyan?! Ugh!

"Yra, sali ka sa amin dali. Partner kayo ni Kylie." 

"Yes, yes! Partner tayo Yra go!" Tinignan ko lang si Kylie. Ayoko maglaro period. Stress drilon na nga ako sa sinusulat ko eh!

"Kung ayaw mo, kami na lang ni Kylie partner." Biglang sabi ni Clarisse sa amin.

"Ehhh, bawal partner na kayo ni Luigi kaya!" Sabi ng mga classmates namin. Nag-init na naman ulo ko. Bini-build up nila masyado ang love tean nila Clarisse at Luigi dahil sila ay muse at escort. DUUUUUH!

"Ayaw rin maglaro ni Luigi eh, audience na lang daw siya." Tapos tumingin lang si Luigi sa amin. Audience talaga yung term?! Ilan ba si Luigi? Nyak nyak! Maganda nga pero ang utak naiwan sa matris ng nanay niya. Ahihihi.

"Sige, kayo na lang partner ni Kylie may ginagawa pa naman ako." Baka ikamatay mo kapag hindi ka nakapaglaro ng Pinoy Henyo eh though hindi naman sa'yo akma ang larong yan, hindi ka naman henyo. Lerler!

Don't get me wrong, hindi ako galit kay Clarisse, it's just that wala ako sa mood at

"Taray!" Yun, sinabi na ni Kylie. Honestly, ilag sa akin classmates ko kasi masyado raw akong mataray plus henyo pa, feeling nila minamaliit ko sila.

Ang hindi nila alam, henyo-henyohan lang ako kasi ayokong nakikita nilang nahihiya ako pero it turns out nagiging mataray ako. Hayy, walang nakakaintindi sa akin. Hindi ba nila alam na mahiyain lang talaga ako? 

"Hoy, taray! Bakit naman tinarayan mo si Clarisse?"

"Ano naman?"

"Napaghahalataan na nagseselos ka eh."

"Dahil muse siya? Excuse me, over my dead curvacious body hindi 'no!"

"Deh, dahil escort niya si Luigi. Ahihihihihihi."

"Peste ka lamoyun?! Sige, laksan mo pa hindi pa naririnig sa impyerno eh."

Yah, I know. Napaka-typical 'no? May crush akong lalaking gwapo pero hindi ako crush dahil maraming umaaligid sa kanyang sabihin na nating lamang ng konting wisik sa akin pero, MAY PERO, naniniwala akong daig ng matalino ang maganda. Ang kagandahan kumukupas habang tumatanda pero ang talino mas lalong nadadagdagan.

Tiwala lang Yra! Kapit lang kay Lord. Hihihi.

Oo, crush ko si Luigi and oo, nakakapangselos minsan yung super duper closeness nila ni Clarisse na parang tinalo pa yung kakanin na malagkit sa sobrang closeness pero promise hindi ko binibitch si Clarisse. 

Joke! Minsan talaga binibitch ko si Clarisse pero sa utak ko lang kasi masyado siyang mabait para pagmalditahan ko plus ang dami niyang fans so baka isang maling salita ko lang tepok lamok na ako! Pero honestly nakakairita yung pagiging sobrang mabait niya, santa-santita much lang?

***

Ang sarap tumambay dito sa likod ng library, mapuno, wala masyadong tumatambay, tapos dito ko   lahat nasasabi ng mga nasasaloob ko. Kinakausap ko yung mga puno rito, ayos naman kasi great listener mga puno, absorb lang ng abosrb ng mga kagagahan ko. Hahaha! At ito pa! Jackpot kasi nakikita ko si Luigi from here habang nagsa-soccer. Ahihihi. Lalo tuloy akong ginaganahan ituloy 'tong story na sinusulat ko.

Henyo-henyuhan [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon