Yulesis POV
"Lily I think I'm falling in love with you"
Alam nyo ba kung ano yung sumunod na nangyari?
Ayun as expected , inirapan ako ni Lily tapos pinagtatadyakan pa ko.Ewan ko ba pero nararamdaman ko talaga na unti unti na akong nahuhulog sa kanya.
"Ano pa bang iuutos mo?" , mataray niyang sambit sakin.
Nandito kami sa condo ko at nagpapatulong naman ako sa kanya sa presentation ko para sa meeting bukas."Ang sungit mo naman.Psh -____-"
Nakakainis kasi parang may period tong kasama ko.
"Ano nga? Wag ka namang pabebe oh? 21 ka na hindi akma sayo"
"Pogi naman ako"
"Sus! Sapat bang dahilan yun para magpabebe ka?"
"So inamin mo rin na gwapo ako hindi ba?"
"Si Habagat ka ba?"
"Ano kasi mahangin ako?! Iba ang mahangin sa honest ! Sana maging institusyon ka na lang.."
"Bakit naman?!!!"
Hahahaha kala mo ahh.
"Para may PAGASA ako sayo. Boom!"
"Nakakahiya ka ang corny mo!"
"Pa bakit bakit ka pa ah"
"Kung hindi lang kita boss nakuu!"
"Such a breezy girl. Psh"
"Breezy girl ka jan!"
"Boss tawag mo sakin. Boss mapagmahal ikaw lang sapat na bente dos"
"Kuto ka ba?"
"Bakit? Kasi nasa ulo mo ako?"
"Hindi! Kasi ang sarap mong-----"
"Mahalin. Boss mapagmahal ako lang sapat na bente dos"
Imagine ang isang Yulesis Alejandro nagiging jeje ? Well Oo nga inlove nga siguro ako sa babaeng to. Sa pamilya ko lang nalalabas yung pagka childish ko , corny saka madaldal eh saka unti unti sa kanya ;))
"Nakaka---"
"Inlove ako? Well I know right"
At kinindatan ko pa siya. Shocks! Si Lily namumula ;))))))"Ang kapaaaal!"
Nagdabog pa siya at pumunta na sa office room ko.
Para may pampalubag loob , ipagluluto ko na lang siya ng sisig. Yung Haye ba na yon napagluluto siya? Siguro hindi puro papogi points lang ang alam noon panigurado.
It's just a spark
But it's enough to keep me going
And when its dark out no one's around it keeps glowing
Masasabi kong unti-unti na akong nahuhulog kay Lily pero tama ba na magpatuloy ako at ipaglaban siya?
Gonna let it happen
Gonna let it happen
Gonna let it happen
Just let it happen
Paano kung masaktan ako?
Paano kung wala akong pag-asa sa kanya? Lalo pa ngayon may karelasyon na siya.