Fire Alarm [KathNiel One-Shot :D]

1.6K 55 9
                                    

Dedicated kay Kuya Bry! Ang bait-bait niya promise! Kaya basahin niyo din po yung stories niya! Magaganda po promise! :D

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

KATH’S POV

“Sabi sa akin kanina nila Neil puro lalaki lang sila eh. Eh bakit pagdating ko dun may mga kasama silang mga babaeng mukhang pokpok dun tapos hinahalikan pa niya eh?” umiiyak na sabi ni Yen.

Oo umiiyak siya. Pumunta kasi siya sa Bar kanina kasi may ibibigay siyang importanteng bagay sa kanyang boyfriend na si Neil. Kaso pagdating niya dun nakita niyang nakikipaghalikan si Neil sa ibang babae. Kaya ayan ngayon magang-maga na ang mata kakaiyak.

“Malay mo naman yung malanding babae yung unang humalik?” Sabi ni Julia.

“Oo nga yung babae yung unang humalik sa kanya. Ok lang sana sa akin kung tinulak niya kaagad yung babae kaso hindi eh. Kitang-kita ng mata ko na hinalikan din niya yung babae.” Sagot naman ni Yen.

Kilala ko naman yun si Neil at alam kong mahal na mahal niya si Yen. Hindi ko hahayaang masira lang nang ganito ang relasyon nila.

“Yen, wag ka nang umiyak please? Alam mo mas mabuti pang kausapin mo muna si Neil. Kilala naman natin si Neil eh. At alam natin na mahal na mahal ka niya.”

“Eh paano ko siya kakausapin eh hindi nga niya alam na nandun ako at nakita ko ang lahat.”

“Tawagan mo siya mamaya. Mag-usap kayo ng maayos ha.”

“Pero Kath, Julia at Kiray…”

“Bakit?” Sabay-sabay naming sabi nila Julia.

“Pati kasi yung mga boyfriends niyo nakita kong kahalikan yung mga babae.”

“WHAT!!!!” Sabay-sabay ulit naming sigaw.

Nakuuuuu. Ibang usapan na to. Pero ayoko munang mag-isip ng masama.

“I trust you DJ. I trust you.” Napabulong na lang ako.

Pagkauwi ko sa bahay nag-ayos kaagad ako.  Pumasok ako sa kwarto ko pagkatapos kong mag half bath. Pag-upo ko sa higaan ko bigla na lang ako napatingin sa picture naming ni DJ nung 1st Anniversary namin. Malay ko ba feeling ko naiiyak ako.

“Anak! Nandyan si DJ sa labas” sigaw ni mama sa akin.

Bumaba naman kaagad ako.

“Hi Babe!” sabay halik sa cheeks.

“Tara DJ usap tayo.”

Kinuha ko naman kaagad yung kamay niya tapos hinila ko siya papunta sa terrace namin.

“Babe anong pag-uusapan natin?” tanong niya sa akin.

“DJ I want you to be completely honest with me ha.”

“Okay? Babe ano bang meron? Bakit ganyan ka magsalita?”

“DJ may kasama ba kayong mga babae kanina?” Emotional talaga akong tao. Naiiyak na nga ako ngayon kaso pinipigilan ko lang.

“Paano.. Paano mo nalaman yun?”

“So totoo ngang may kasama kayo kanina? Bakit may kasama pa kayong mga babae? DJ ang paalam mo lang sa akin kanina ALL BOYS kayo.”

“Oo nga bigla lang naman lumapit sa amin yung mga babae eh. At saka paano mo ba nalaman to ha?

“Nandun si Yen kanina! Nakita niya kayong may kasamang ibang babae. At ang masakit pa ay nakita daw niya kayong may kahalikang iba! Totoo ba DJ? Totoo ba?”

Fire Alarm [KathNiel One-Shot :D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon