"Ughh. Kismet, sila nga pala yung CHICSER." Sabi ni Ver. Naglibot ang mga mata ko sa studio. Bukod pala dun sa five guys na nandun, may isang cute baby girl na siguro mga five years old. Ang cute niya. Hihihi.
Hinila naman ako ni Ver papalapit sa Chicser. Then something strange caught my eye. Nakatingin siya samin ni Ver habang papalapit kami. Maputi, hindi ganon katangkad, cool ang buhok,at singkit, basta ang gwapo! "uhm, guys! Si Kismet nga pala. Bagong friend ko." Sabi ni Oliver dun sa group.
Nagsitinginan naman ang Chicser, and take note. Kasama ng tingin nila, lahat sila nakangiting nakakaloko. Pati narin yung singkit kanina. "Sino yan Ver? Bagong chicks mo? Yayy." sabi nung isa pang singkit na maputi. Pero super singkit yun. "Oi Ully!" Ully pala. "di ko yan chicks ah. Bagong friend ko lang. tas Ranz. Magiging classmate mo din siya." Napatingin ako dun sa kinausap ni Ver. Yung singkit na gwapong nakatingin samin kanina. Siya yung classmate ko? Si Ranz? Swerte ko naman. Napapalibutan ako ng mga gwapoo. *u*
"Hello." Sabi ni Ranz na nakangiti. Ngayon ko lang din napansin na malapit na siya sakin. "H-hi." Nahihiya kong sagot. Umalis na din si Ver at nagpunta dun sa iba. Charot taray ng lola niyoo. XD "Fourth year ka din?" tanong niya, "Yes. Section A. sa Sweetheart University" sagot ko naman. "Coool. May kakilala na ako sa school. Tour mo ako ah." To-tour? Gahhd. Swerte ko talaga. "Sure." Sagot ko ng nakangiti."and kapatid ko nga pala." Tinawag yung cute na bata kanina."Niana! Come here." Lumapit naman si Niana habang naglalakad ng pa-hop. Yung parang spring na natalon talon. XD "Yess kuya?" tanong ni Niana. "this is Ate Kismet. Stay with her okay?" sabay tingin sakin na parang nag iintay ng approval. Tumango nalang ako. "Wait until we finished rehearsing okay?" sabi ni Ranz kay Niana. "okay kuya."-niana
Naglaro lang kami dun ni Niana, ang saya niyang kasama super. Kung ano anong sinaabi niya tungkol kay Ranz. Nakakatuwa. Tulad ng, ang tawag daw dati kay Ranz nung bata pa sila, Bajongjee. Hihi. Ang kyooot. Tas tinanong pa nga ako ni Niana kung girlfriend ko daw si Ranz. Sana nga. Joke. Hahaha. XD Tanghali na. Si Niana nakatulog na. Siguro kanina pa siya ditto at nakatulog na.
Natapos na din ang Chicser sa practice. Nag papahinga lang sila ngayon. Di ko akalain na ganito ang mangyayari, kaninang umaga, nagising lang ako para mag enroll. ngayon, nandito ako kasama ang isang dance group, dahil sa pagiging clumsy ko. Haii. Sana ganito nalang araw araw. Habang nagde-daydream ako, bigla naming nagising si Niana. Gutom na daw siya ee. So lumapit siya kay kuya niya at nag-aya kumain. Habang nag-aaya siya lumapit ako para sana mag paalam kay Niana at sa Chicser. "ah. Niana, Ranz, Chicser. Uuwi na ako ah. Tanghali na din kasi." Paalam ko. "No ate Kismet. Stay with us. We will play pa." sabi ni Niana. Oww. Gusto ni Niana ang company ko. "Oo nga Kismet mag lala-lunch pa tayo. Sama ka na samin di ka ba nagugutom?" sabi ni Ranz. Kyaaaah. Sige na nga. "O-okay. Magpapaalam lang ako." Sabi ko kay Ranz.
Ranz's POV~~
(Note: everything that you'll read in every point of view is from the imaginations and thoughts of the author. None of these are verified true. Thankyou ;)
Hi there sweetheart. I'm Ranz Kyle Viniel E. Ongsee. Probably kilala niyo na ako. So no need to introduce myself. Mmkay? Hahaha. Nagpapahinga kami ngayon. Ang pagod ng practice. Para kasi yun sa next GT namin sa isang araw. Tas kailangan ko pang isama si Niana kasi gusto niyang sumama. Buti nalang nag kasundo sila ni Kismet, yung bago naming friend, and soon to be classmate ko. Nakakatuwa nga ee. Parang matagal na silang magkakilala. Ang saya saya ni Niana sa kanya. Maganda din naman tong si Kismet. Ang swag ng dating niya. Tulad ng suot niya ngayon, naka simpleng shirt, shorts at vans lang siya. Di siya katulad nung ibang babaeng nakaka-ilas ang pag ka girly. Ilang beses pa nga ako napagalitan ni Ully kakatingin kay kismet ee. Ang ganda din kasi ng ngiti niya. Yung parang pag nakita mo siyang nakangiti, mapapa nganga ka at feeling mo magso-slow motion ang paligid ko. Basta ang ganda niya talaga. Tapos di siya tulad nung ibang fans na sobrang nagha-hyperventilate pag nakita ka. Di nga ata kilala nito ang Chicser ee.
Tas habang nakaupo ako, lumapit si Niana at nagaaya ng kumain. Tas si Kismet naman lumapit, "ah. Niana, Ranz, Chicser. Uuwi na ako ah. Tanghali na din kasi." Paalam ni Kismet. "No ate Kismet. Stay with us. We will play pa." sabi ni Niana. Gusting gusto nga siya ni Niana. "Oo nga Kismet mag lala-lunch pa tayo. Sama ka na samin di ka ba nagugutom?" sabi ko naman "O-okay. Magpapaalam lang ako." Sabi ni Kismet.
So pagkapaalam ni Kismet, pumunta na kami sa van. Sa Mcdo kami kakain ee. Ang seating arrangement namin? Nandito sa may likod ng driver. Ako, si Niana at Kismet ang magkakatabi. Siyempre pinapagitnaan kami ni Niana. Nakakatuwa. Naglalaro si Niana at Kismet ng temple run sa cellphone ni Kismet. Nakatingin lang ako sakanila. Malapit na kami.
Nagsuot na kami ng shades para atleast di kami makilalang masyado. Dun din kami sa may back part ng Mcdo dumaan. Mahirap na, baka pagkaguluhan kami ditto. Again, pinapagitnaan nanaman namin ni Kismet si Niana. Ang tahimik naming habang kumakain. Kaming 2 lang ang di nagiimikan. Si Niana nakikipagkulitan kina Cav. Si Owy? Ayun. As usual. Tahimik sa pinaka gilid at kain ng kain. Argh. Kausapin ko na nga to.
"Ugh. Kismet." Sabi ko.
"Yes?" tanong niya.
"Ahh." Isip Ranz isip. "Kismet lang ba talaga ang name mo? Wala kang nickname?" tanong ko. What a nonsense question -____-
"Ang full name ko Kismet Reign Lee. But you can also call me Kaye. Parents ko lang naman ang natawag sakin nun ee." Ow. Cutee. "Oww. Hi Kaye. Hahaha" Sabi ko. "Hello Bajongjee. Hahaha." Ughh. Nianaa. Pfft. "Sinabi ni Niana sayo no? Grabe lang. huhu." "
Kuya why are you crying?" tanong ni Niana.
"I choked with a French fries baby." In a sarcastic tone. -_____- "Hahahaha. Ranz ang cute mo." Sabi ni Kismet ng nakangiti. Ang ganda talaga niya. "Ang ganda mo. Hahaha." Bigla kong nasabi. Nanlaki nalang ang mata ko sa nasabi ko. "Anong sabi mo?" tanong ni Kismet. "Ugh. Ang ganda mong kurutiiiiiiin" sabay kurot sa pisngi niya. "A-aray. Ui Ranzhh. Mashakiit." Napahawak siya sa kamay kong nakakurot. May kuryente kaya napabitaw ako. Ngayon ko lang din nahalata na may bandage siya sa kamay. Bat ganun? Kanina pa ako nakatingin sa kanya, pero di ko to nahalata.
"So-sorry Kaye." sabi ko. Shunga ko talaga.
"Ayos lang yun" Sagot niya ng nakangiti.
"Anong nangyari pala jan sa kamay mo?" Tanong ko.
"Ito ung dahilan kung bakiy ako kasama ngayon ni Ver. Nasugat kasi to nung nasa rooftop ako ng university. tas pumunta kami ng clinic. Yun pala late na siya sa practice niyo kaya yun nahila nalang niya ako papunta ng movement." Kwento ni Kismet.
"Ahh. Patingin nga." Sabi ko tas kinuha ko yung kamay ni Kaye.
Di naman gaanong kalala yung sugat medyo gasgas lang yun pero nagdugo.
Natapos na din kaming kumain. Nagkulitan din kami ng nagkulitan ni Kismet. Dama ko ngang pinagtitinginan na kami ng chicser ee. Pero hinayaan ko lang yun. Masaya naman ako ee.
Hiningi ko din yung number ni Kismet. Ang sabi ko nga para kay Niana ee. Hahaha. Damoves ba? Ewan. XD
Hinatid namin si Kaye sa bahay nila good thing parehas lang kami ng village pero different streets. Saya nito. XD
(a/n: Alam kong lousy ang chapter nato. Pero promise. bawi bawi din ako next UD. :))
YOU ARE READING
11 Steps
FanfictionMahirap kalimutan ang taong sobra mong minahal. Lalo na kung nabago ang buhay mo dahil sa kanya. Pero kung iwan ka kaya niya? Mamahalin mo parin?