Temple Run!!

95 2 1
                                    

AUTHOR's NOTE: Ito po ay kathang isip lamang. Kung sakaling may katulad ng konsepto, iyon po ay isang coincidental. Maraming salamat po!! Credit: Wikipedia

_____________________________________________________________________________

PROLOUGE:

May mga misyon ang mga tao sa mundo. Hindi natin alam kung ano ang mga ito, kusa itong dumadating. Kadalasa'y pinapasakitan tayo ng mga misyon pero kailangan pa rin nating maging matatag para malagpasan ang mga ito.

____________________________________________________________________________

"Ako si Lucas, ikukwento ko sa inyo ang naging karanasan ko sa isang pambihira at mahiwagang Templo."

"Hindi birong tumakbo ng pangmatagalan. Ang buong akala nila, kaya nila kong sugpuin ngunit nagkamali sila."

"Isa akong magsasaka at masasabi kong ako rin ay isang adbenturero"

"Sa baryo namin, sikat ang mga ASWANG."

"Hindi lang sila basta sikat, sikat sila sa mga aksidente at sa paninindak. Sila ang mga mapanganib na nilalang. Sila ay masamang espiritu na naga-anyong tao sa umaga at nagiging isang halimaw na sumisipsip ng dugo pagsapit ng gabi. Ang aswang ay nag-aanyong tao, madalas bilang isang magandang babae o isang matandang lalaki. Maaari rin itong magpalit ng anyo bilang isang baboy ramo, aso upang magmasid sa bibiktimahin bago ito tuluyang sumalakay. At ang tawag sa mga Aswang dito sa aming baryo ay ang mga Kubot. Ang mga Kubot ay isang nilalang na parang paniki na may malalaking pakpak. Hinuhuli nito ang kanyang mga biktima sa pamamagitan ng kanyang matatalas na kuko. "

"Mga panira ang mga Kubot. Ang mga tanim sa palayan ko ay kanilang sinisira at ewan ko ba kung bakit hilig nilang manira ng pananim."

"Alasdose ng hatinggabi, nakahiga ako sa isang duyan sa aking kubo at may naririnig akong di ko malaman kung ano na parang masakit sa tenga.Ang bilis ng tibok ng aking dibdib. Ramdam ko ang kilabot. Mahimbing na ang tulog ng aking asawa at pumasok na ako sa loob ng kubo para matulog na rin. Hindi ako makatulog. Umaalog ang bote na may lamang langis , sumesenyas na paparating o dadaan sila sa amin. Kinikilabutan ako pero 'di ko pinairal ang kaduwagan, sa halip, nagpaka-matapang ako. Niyakap kong mabuti ang aking asawa. Hindi kasi maalis sa isipan ko na atakihin nila ang aking asawa."

"Sumilip ako sa labas at nakita ko ang siyam na aswang na palipad lipad sa kalangitan. Laking gulat ko na papalapit sila sa aming kubo."

"'Ginising ko ang aking asawa at naghanda ng mga sandata kung sakaling umatake sila. Hinanda ang buntot ng pagi, bendetadong tubig, bawang, at ang aking pinakaiingatang espadang kawayan na pinahiran ng bendetadong tubig. Pinagsama sama ko sila sa isang bag at nagbaon ng tubig at pandesal. Gusto kong lisanin ang aming kubo. Alam kong hindi katibayan ang pagkakagawa ko sa kubo dahil sa kakulangan ng materyales kaya naisipan kong pumunta sa kalapit na simbahan. Nararamdaman ko na nasa bubong sila at rinig na rinig ang kanilang ungol. Takot na takot ang aking asawa habang nakakakapit sa aking braso. Una akong lumabas at inatake nila ako, konting  galos lang naman ang aking natamo sapagkat nalatayan ko sila ng buntot ng pagi. Ang dali lang pala nila sugpuin, namamatay sila na parang bula at kaagad nagiging abo. Inisa isa ko sila hanggang mapatay ko ang siyam na aswang. Pagkalingon ko sa aking likuran, nakakakita na naman akong grupo ng aswang na palipad lipad sa kalangitan. Habang hindi pa kami natatanaw, tumakbo na kami ng asawa ko papunta sa simbahan."

""Tumatakbo kami ng mabilis papunta sa simbahan. Malapit na kami sa simbahan ng biglang may humila sa akin ng isang aswang at papataas akong tinangay. Sinigawan ko ang aking asawa na pumunta sa simbahan kaagad. Kitang kita ko ang takot sa muka ni Mariel(asawa). May tumulong luha sa aking mga mata. Lulang lula ako sa kalangitan, sobrang lamig at ang pagkakahawak sa akin ay napakasakit sapagkat ang hahaba at matutulis ang kuko ng kubot. Bakit'nangyari ngayon ito? Parang kailan lang, isa lamang silang haka haka na hindi ko pinaniniwalaan at sa kanilang pagsulpot, ganito pa ang nangyari. Saan ba ko dadalhin ng impaktong bwiset na nilalang na 'to?""

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Temple Run!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon