ako?ako lang naman si popoy nakatira sa [PLACE PLACE HERE] ako ay nasa wastong gulang na para magsulat ng walang kalatoylatoy at walang kapararakang nangyari sa buhay ko .Alam ko may mga maisusulat ako dito na matatawa kayo,maiiyak? kahit wala namang nakakaiyak ..pwede din mainlove,hmmmm minsan maiinis at makokornihan sakin,pero ako na ang nakikiusap na pag nakita nyo ako ay wag nyo sana akong batuhin ng bulok na kamatis o sigawan ng BOOO!! dahil makakasama to sa mga dolphins at guinea pig.Alam ko nakornihan na kayo sa unang banat ko pa lang pero inuulit ko wag nyu na akong sigawan ng BOO! dahil makakasapak ako ng katabi ko seryoso ako don! kanina lang may nasapak nako..o sya wala naman talaga akong gustong sabihin kung bakit ganito ang title nito dahil wala naman kayong makukuha pero dahil lokoloko nanaman ako e sasabihin ku na.Kaya ito ang title nito dahil nung gabing yon nung ang oras ay alastrenta ng dapithapon ay madami akong naiisip tulad ng mga dolphins na may Iphone shuffle,kung papano gumawa ng caterpillar na may jetpack,kung totoo ba ang mga aliens na mukang tibe,kung mapapangasawa ku ba sya,kung magigi ba akong cool na astronaut pag tanda ko,kung magkakaron ba talaga ng XC90 na cellphone,pero wala talagang kinalaman ang mga naiisip ko kung bakit ganto ang title nito kaya sa susunod ku nalang na araw sasabihin sa inyo kung bakit ganto title nito.
***********************
Sa totoo lang wala na akong matandaan nung cute pa ako non ang natatandaan ku lang nun ay nung palipat lipat ako ng lugar.bata pa ako non napamahal na ako sa pamilya ng napagmanahan ko ng malakas na karisma sa chicks sa makatuwid laki ako sa lolot lola ko sa side ng erpats ko naaalala ku nun nung papauwi na kame sa bahay ng mama ko,ayoko ko kasi sa mama ko nung nasa fx kami nun muntik ku nang mabasag ung salamin ng van dahil nga ayaw kong sumama sa mama ko muntik ku nang mabasag un dahil sa gustu kung makalabas nakatingin pa ata ung driver sakin nun at natatakot na bka mabasag ko ito at ngatngatin pero buti nalang pinahiram ako ng mama ko ng 3210 nyang cp at take note:hindi nya yun kineypad lock pinalaro nya talaga ako ng snake and ladder "patay sila dyan" inupgrade kasi ng mama ko ung snake nya sa cp kulang na nga lang non mag opera mini na ako kaso kasagsagan paun ng hellogarci tapus nagpunta na nga kami sa bahay ng mama ko masaya kasi may icetea na nasa garapon na akala ko masarap yun pala lasang tibe! pwe! pero ok lang kasi may shower naman yung banyo kaso madalang magkatulo tsk! pero ok lang may t.v naman kaso! nasira kagad dahil dun sa pakingtape! na kapit bahay namin na kung makalipat ng channel parang naglalaro ng arcade minsan nga naisipan kong duraan sa mata yun eh pero cute pa ako non eh bka iwasiwas lang ako non.Teka sorry wa pero ayoko ng ikwento ang mga nangyaring kalokohan mag kukwento ako onti muna :) . eto tutuloy ko na so yon DAYCARE na ako eto na ang simula ng amoy boysen na classroom mga linsiyak na kaklase at mga zesto at quake na baon YAHOOO!! unang pasok hindi ako umiyak nakasimangot lang ako tahimik at nagmamasid masaya madaming nakilala pero wala nang naaalala pero hindi ko makakalimutan si esperanza napaka ganda nya mataray at lagi kong kakwentuhan pero pagnagkukwentuhan kame pag recess ako lang ang walang script ewan ku ba >.< may isa pa akong naaalala pa akong kaklase na mukang bakla pero lalake sya napaka kulit nya grabeee kasing kulit sya ni woody wood pecker ewan ko ba kung san pinag lihi yun pero sa tingin ko pinaglihi yun sa nasusuffocate na hedge hog ..tapos dumaan ang pagiging kinder grade 1...2 nang hindi ko na naaalala ang mga nangyari sakin nun kaya ang ikukwento ko nalang sa inyo ay ang buhay ko nung grade 3 na ako woohooo so yon grade 3 na ako masaya :) ako daw ang maputi makulit at medyo tatanga tanga sa room namin pero ang hindi ko makakalimutan nung grade 3 ako ay nung sumibol ang salitang "puppy love' sa buhay ko panahon pa yun ng dance craze na chocolatee! na ang tanging step ay iwagay way ng iwagay way iyong kamay up side down pero ang main attraction talaga dito ay ung "puppy love" ko naaalala ko yung babaeng tinitibok ng puso kong bato sya ay siiii*drum roll* louiliza hindi ko alam kung tama ang spell ko sa pangalan nya basta ang alam ko non minahal ko sya nung panahon na yon may mga naging karibal din ako nun nagkaron ako ng karibal na oldies,may mas maliit pa sakin,may tuod pero bandang huli ako padin ang nanalo wahaha*ubo* at syempre para may maikwento ako sa inyo ngayon eh sumali nga ako kala ko isnob nya lang ako pero nagulat ako kasi ako nga ang pinili nya yipee! at syempre ako ang nga pabuking para masaya sabi ko non ganito "ehem! lou pwede ba tayong mag truth or konsikwens?" sabi nya ay c'mon! kaya yon syempre ako yung tinrith or konsikwens so andito na tayo sa climax sorry wa hindi ko alam yung spelling ng konsikwens ok so yon syempre sabi nya ay truth or konsikwens ? mabilis nyang sinabi yon pero para sakin napakabagal non mabagal na kikabahan ako tapos nagpapawis ako ng ga munggo nung nararamdaman ko nang mababali na nya yung mga fingers ko nasabi ko agad ng mabilis ang "truth louiliza" matic na yun na yun na yung itatanong nya kung ako magtatanung sa kanya ang itatanong ko yung ikaka unlad manlang ng bansa natin tulad nalang ng "sa tingin mo may rock cover ba yung kantang macarena?" mapapaisip sya dun hanggang sa may gumuhit nalng na dugo sa noo nya..pero yun nagulat sya don nagkatinginan kami eyes to eyes kumbaga habang may background music na take a look around ng limpbizkit hanggang mag lips to lips kami ng hindi namin namamalayan pero pangarap ko lang yun basta ang sinabi nya nalang sakin ay magbigayan nalang kami ng loveletter ewan ko ba pwede naman kaming mag usap ang gusto pa nya yung dumadaan sa mga bestfriend nyang maaarte .. pero yun na nga ang nangyari pagkatapos non bumili nalang sya ng hotdish sa canteen naaalala ku pa yung hot dish non spaghetti yun na nakalagay sa plastic tiglilima yon linibre ko pa siya nun ng hot dish naka 3 sya 1 ang akin naka 20php ako pero 5php lang baon ko isipin mo kung pano ko nagawa un tapos yon naalala ku pa nun nung nag lelecture kami kaming dalawa lang ang magkasalo sa iisang libro kahit yung mga kaklase namin eh lima na sa isang libro hindi ko namalayan na kalahati na ng libro ang nasusulat ko kasi sa mga mata nya ako nakatingin may naramdaman lang akong pangangawit nung pauwi na pero ok lang masaya naman ako non eh tapos nagtagal kame ng hindi namin alam kung kame naa basta lagi lang kameng magkasama nun pag naglalaro lagi kameng magkasama naaalala ku nun nung nag momoro kame tuwang tuwa na ako kasi malapit na ako sa base ng kalaban namin tas nung malapit na ako at sumigaw na ako ng taos puso at may paninindigan ng MORO! eh nagulat nalang ako na bell na pala kaya anu pang magagawa edi napaiya nga ako non pero ok lang yun lhat naman ok lang sakin.. tapos yon nalang naaalala ko ksi tinrasfer ako sa bayan ng erpats ko ng walang kadahilanan hindi na ako nakapagpaalam nun sa kanya isa nalang syang memories unknown song: why do birds suddenly apir! everytime i want you here just like me we belong to be memories ..