Lolo

96 0 0
                                    

1

Umaga. Unang araw ko sa kolehiyo. Sabik akong bumangon at magiliw na naghanda sa pagpasok. Nakasampay na ang damit na aking susuotin na kagabi ko pa pinalantsa sa sobrang kasabikan.

Naligo ako at nag-almusal. Bakas sa mukha ng aking mga magulang ang tuwa para sa akin. Bago ako umalis ay hinalikan ako ng nanay sa noo at ginulo naman ni tatay ng bahagya ang aking buhok, saka ako lumarga ng may ngiti sa aking labi.

Nakarating ako sa eskwelahan ng walang kahirap hirap. Dalawang sakay lang naman at konting lakad papasok.

Maraming bagong mukha; may mga mapagpintas na mata at nag uututang mga dila.Hindi ko sila pinapansin, wala din akong pakialam sa kanila. Wala dito ang mga kaibigan ko nung high school. Gusto daw kasi nila sa sikat at mahal na unibersidad. Pero ako, bahala na. Kahit pampubliko, basta nakakapag-aral ako. Di din naman kami masyadong mayaman para makapasok ako sa malaking paaralan..

Journalism ang napili kong kurso. Magaling daw kasi akong magsulat, ipagpatuloy ko daw. Ayos lang, masaya din naman akong gumawa at mag-imbento ng mga kung ano anong kathang isip na bagay. Isa ako sa mga pinapahalagahan na manunulat ng aming dyaryo noong ako'y nasa ikatlo at ikaapat na taon ng hayskul. Puri ang lagi kong natatanggap kapag ako'y nagpapasa ng aking mga artikulo, kwento, o tula.

Naranasan ko na din madaya at mapag-kaisahan ng mga guro noon. Siguro ay likas akong magaling, kaya sila naiiinggit. Ah ewan, basta. Bahala na ang konsenya nila at karma sa mga kaluluwa ng mga madadayang yun . Buti na nga lang may kolehiyo, hindi ko na rin pagtitiisan ang mga mukha nila.

Sa aking buong araw sa unibersidad, puro mapanuring mata ang aking mga nakakahalubilo. Ayoko sa kanila. Parang sa konting pitik ay magsisigawan silang lahat. Akala mo kung sinong mga magaganda, ang aarte naman.

Hay nako, ano bang mali sa mundo.

Pauwi na ko ng tinawag ako ng aking propesor sa Filipino. Nakalimutan ko ang pangalan nya. Iniabot nya sakin ang isang pamilyar na papel.

"Ikaw ba ang may-akda nyan, iho?" Tanong nya sa 'kin.

Binuksan ko ang nakatuping papel. Oo nga, akin nga ito. Ang tulang hindi ko natapos.

Ricardo Rosales.

Tila nagpag-iwanan ng kabihasnan

Mukha'y puno ng kalungkutan

Mga alaalang di nya malimutan

Na minsa'y nagbigay ng kaligayahan

Sa isang banda'y nakatulala..

"Opo. Hindi pa po tapos eh." Kinakabahan kong sagot.

Napangiti sya, "Sige, tapusin mo ito. Gusto ko ding gawan mo ng kwento ang isinasalaysay mo sa akdang ito. Ipasa mo sa 'kin bago sumapit ang bigayan ng grado. Uno ang bibigay ko sa iyo. Yun lang, iho. Mag iingat ka sa pag-uwi." Tinapik nya ko sa braso, saka sya tumalikod at naglakad palayo.

Matagal na kong nakahiga sa kama, pero di pa rin ako makatulog. Iniisip ko kung paano at kailan ko kakausapin ang inspirasyon ko sa aking tula.

Maya-maya, dinalaw na ko ng antok dahil sa malalim na pag-iisip. Naramdaman kong tumulo ang laway ko patungo sa pingi na hindi ko na ininda sa dala sobrang kapaguran.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon