⏳ Twist 1 ⏳

20 3 0
                                    

2 years ago...

Catherine's POV

Kriiiiiiiiiing...

Five minutes pa please.

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiing...

Five minutes nga lang 'di ba? Hindi pa maibigay? Aishh.

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing...

Aba! Bastusan na to ah. Itatapon na talaga kitang alarm clock ka. Langya ka...

"Catheriiiiiiiiiiiiiiiiiine!!!"

"Maaaaaa! Saan ang sunog?"

"Hoy Catherine Angelique Hernandez! Bumangon ka na't maligo. Kung hindi, ipapaligo ko sayo tong 'sang timba ng ihi." mama.

"Ma naman.. Wala naman po sa pangalan ko yung 'Hoy' ha. Ba't sinali nyo? At oo na po, maliligo na. Kadire! Ang baho ng ihi nyo.." ako.

"Aba't sumasagot ka pa.." mama.

Pagkasabi nun ni mama, tumakbo na agad ako papuntang banyo. Alam ko na ang susunod dun eh... isang mahaba-habang sermon.

Okay. Habang naliligo ako, ipapakilala ko muna ang sarili ko. Ako nga po pala si Catherine Angelique Hernandez, at opo! Hindi po kasali ang HOY sa pangalan ko. Papasok po ako bilang fourth year high school student sa bago kong paaralan. Opo! Transferee po ako. Sa kasamaang palad kasi, simula nong mawala ang lola ko sa 'di malamang dahilan, nagpalipat-lipat na kami ng tirahan. Umaasa pa rin kasi sina mama't papa na mahahanap pa nila si lola after 10 years nitong pagkawala. Opo! Ten years nang nawawala si lola. Pero hindi pa naman masyadong matanda si lola, sabi nina mama, kaya umaasa pa rin kaming buhay pa sya. Lahat ng lugar na may mga kakilala ni lola ay pinuntahan namin. Actually, panghuling place option na namin to, dito sa Negros Oriental. Sana nga, sana mahanap namin sya, kahit nakalimutan ko na ang itsura nya.

"Catheriiiiiiiiiiiiiiine!!! Wag mong sabihing natutulog ka na dyan sa banyo ha!" sigaw ng mabait kong ina.

"Opo! Hindi ko po sasabihin na natutulog na ako." sagot ko naman.

"Isa!" mama

"Dalawa." ako

"Aba't! Talagang ginagalit mo akong bata ka!" mama

"Waaaaaaah! Palabas na po!" ako.

Pagkatapos kong maligo at makipaggiyera kay mama, nagbihis na agad ako. In fairness, maganda tong uniform ng bago kong school. Para akong isa sa mga teenagers na napapanood sa mga anime series.

Ta's bumaba na agad ako para kumain. Naaamoy ko na ang luto ng papa ko. Isa kasi syang chef kaya sya na rin ang tagapagluto sa amin every day-off nya. Ako na ngang nahihirapan sa lagay ni papa. Palipat-lipat kasi kami ng tirahan, kaya palipat-lipat din sya ng pinagtatrabahuan.

"Oh anak! Kumain ka na. Niluto ko ang paborito mong ulam. Bacon and egg. Tsaka! Bilisan mo na rin, baka mabingi na naman tayo sa sigaw ng mama mo." papa

'Yan din ang gusto ko kay papa. Magkasundo kami laban kay mama, hahaha.

"Ano yun Crisanto? Narinig ko ang sinabi mo!" mama

"Amanda, narinig mo naman pala, ba't tinatanong mo pa?" papa

"Aba't! Nagmanamana talaga kayo ah!" sigaw ni mama.

Ako? Psh. Tahimik na kumakain habang tila nanunuod ng palabas. Ganyan sila maglambingan eh. Wala na tayong magagawa dyan. Sweet nga eh. Spell sarcasm.

Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na ako sa kanila para pumasok sa school. Hindi na ako nagpahatid kay papa using the car, walking distance lang naman eh. And if I know, maglalambingan lang yun pag wala ako. PDA eh.

On my to school, I encountered an old woman. Nakakagulat lang kasi kakaiba yung tingin nya sakin. Hindi naman sa sobrang nakakatakot, pero.. Basta! Kakaiba talaga eh.

Hindi pa ako nakakalayo nang bigla syang magsalita...

"Malapit na! Isang buhay na naman ang paglalaruan!"

Sa sobrang gulat ko at takot na rin siguro sa inasal nung matanda, napatakbo ako ng sobrang bilis. Hingal na hingal akong dumating sa harap ng gate ng school. Agad na tumambad sa akin ang mga nagsisipasukang estudyante at ang pangalan ng school sa harap ng gate... Silliman Academy.

Alam kong napaka- prestihiyoso nitong pinasukan kong school. Sana nga. Sana makapag-aral ako ng mabuti dito. Bakit?

Dahil unti-unting gumagambala sa akin ang huling sinabi nung matanda sa kalye. Narinig ko ito bago ako humarurot ng takbo,

"Sa oras na bibilhin, isang buhay ang kabayaran..."

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Hello!

Boring ba ang first chap? Sorry, wala pa po tayo sa magic-magic thingy. Siguro sa gitna pa ng story.

First chaps po ay tungkol po muna sa past lovelife ni Catherine.

Kung may 'di po kayo naintindihan, comment nyo lang. I'll be more than willing to answer. :)

Ciao!

Follow|Vote|Comment|Share

@debgoddess

Fate's Twist in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon