Dedicated to Bejhane! Thanks for reading. :)
---
Shantelle Kristina
Mas lalo ko pang isiniksik ng isiniksik ang sarili ko sa unang yakap yakap ko. Antok na antok pa talaga ako kaya ayaw ko pang magmulat ng mata.
Nang muli kong niyakap ang unan ko ay nakaramdam ako ng kakaiba.
Bakit mukhang lumapad ang unang niyayakap ko?
Muli kong isiniksik ang sarili ko doon at mas lalong hinigpitan ang pagyakap. Pero mukhang naninibago talaga ako sa niyayakap ko kaya dahan dahan akong napamulat ng mata. Pagmulat ko ng mga mata ko ay agad akong napabalikwas at napaatras.
"Mahulog ka." buti na lamang at agad na nahawakan ni Ram ang braso ko, kung hindi ay siguradong lalagapak ako sa sahig.
Bakit si Ram ang niyayakap ko? Nakakahiya!
Dahil sa kahihiyang naramdaman ko ay napaayos na lamang ako ng upo at sumandal sa ulunan ng kama.
"S-Sorry... akala ko kasi... akala ko kasi..." ah! Hindi ko na maituloy ang sinasabi ko sa sobrang pagkahiya. Yumuko na lamang ako at hinatak ang kumot sa katawan ko.
"Asawa mo naman ako, pwede mo akong yakap yakapin. Ikaw lang naman ang hindi nagpapayakap."
Sumilip ako ng palihim kay Ram sa gilid ko. Nakahiga pa rin ito habang ang isang braso nito ay nakataas at nakapatong sa noo nito.
"K-Kanina ka pa ba gising?" tanong ko.
"Oo, hindi lang ako makabangon dahil ang higpit higpit ng pagkakayakap mo sa akin."
Pakiramdam ko mas dumoble ang kahihiyang naramdaman ko. Kanina pa pala sya gising. Kung pwede lang na lamunin na ako ng kama sa kahihiyan, magpapalamon na ako. Nakakahiya talaga.
Maya maya ay bumangon na rin si Ram at pinuntahan si baby Zeyrone na natutulog sa crib na katabi lamang ng kama namin.
Bumangon na rin ako at inayos ang kamang hinigaan namin.
"Inaantok ka pa ba? Matulog ka lang, ibibilin ko na lang si Zeyrone mamaya kina Mama bago ako umalis."
"Ah hindi na." Sagot ko ng hindi ito tinitignan. Sa totoo lang gusto ko na syang umalis at pumasok na sa trabaho nya dahil naiilang ako sa presensya na. Ewan ko ba!
"Bababa lang ako, maghahanda ako ng almusal." palusot ko na lang para makaiwas sa kanya kahit alam naman naming si Ate Malou na ang gumagawa noon. Si Ate Malou ang kinuha nilang kasambahay dito.
Bago pa man ako makahakbang palabas ng kwarto ay humarang na sa daraanan ko si Ram at walang pasabing bigla na lang yumakap sa akin.
"R-Ram." Sinubukan kong igalaw ang mga braso ko pero inipit nya iyon sa pamamagitan ng pagyakap sa akin.
"Naiilang ka ba sa akin?" Tanong nito. Yumuko na lang ako at tumingin sa dibdib nito dahil ayaw kong makipagtitigan sa kanya.
"Nahihiya ka ba sa ginawa mo kanina? Hindi lang naman iyon ang unang beses na niyayakap mo ako habang natutulog ka. Parati mong ginagawa iyon."