e l e v e n: C16H24N2O

202 23 5
                                    

Consider for a moment that what you call your personality is actually just a composite of habits and behavioural patterns you developed to cope with your struggles. Now, ask yourself "Who am I outside of my pain? Who would I be if I stopped living life as a product of my story?"

Nagising ako mula sa malalim na panaginip. Too deep that it touched the core of the Earth. Sinampal ko ang sarili nang tuluyang magising sa ulirat, para kasing mas nangingibabaw pa rin ang subconscious ko.

"Get ready. Diba may klase ka ngayon?"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at ang multo sa isipan ko ang nakita. Ilang beses akong kumurap pero walang nagbago. Muli kong sinampal ang sarili at tumingin sa kinaroroonan niya pero nariyan pa rin.

"What're you doing?'"

Bumagsak ang mga balikat ko at napabuga ng hangin. Hindi ko na malaman kung alin ang totoo sa hindi. Mukha kasing mas makatotohanan ang mga pangyayari sa panaginip ko. Matapos kong mapanaginipan(o na-imagined dahil sa pagiging high) na nakaratay raw ako sa ICU ay nanaginip ulit ako sa panaginip ko at mas lumevel-up ang exprience. Parang napanood ko ang sarili sa IMAX theather pero hindi mala Vin Deisel sa Fast and Furious o Han Solo sa Starwars. Para lang akong ignoranteng naglakbay sa mala-utopian na mundo sa loob ng mga paintings kasama ang isang pusang naka-Rayband at may tangal pang tabako sa bibig. Naroon din ang kalahating Jessy at kalahating Mr. Facinelli na parang nag-fussion sa isang katawan. Doon ay mayroong Beatrice na parang sirang plakang nagsasabi na bumalik na ako.

Napatingin ako sa babaeng ako lang ang nakakakita.

"I never thought one spliff would get you stoned."

"Ha?" Wala akong naintindihan sa sinabi niya.

"Nevermind. Get up and fix yourself. May klase ka ngayon." Paalala ulit niya.

Tuwing Lunes ay madalas akong lumiliban dahil wala ako sa mood at tinatamad pumasok. Sino bang may gusto sa Lunes? Ngayon, parang ako. Ang gaan at ang ganda ng pakiramdam ko. Para bang nasa mood gumawa ng hindi gusto. Ito ba ang epekto ng...

"Kagabi ba may tinira akong Maryjane?" Tanong ko sabay tingin sa kinakausap pero wala siya sa kinatayuan.

~~~~~

Payapa ang pag-iisip ko ngayon kahit walang Valium pero itong bunganga ng mga nasa paligid ko naman ang maingay. Parang latang walang laman na nagkandahulog-hulog sa sementadong sahig. Excited sa Student Jam - isang concert na isinasagawa kada pagkatapos ng foundation week. Kahit isang international na banda pa ang pumunta sa university namin, wala naman akong pakialam. At kahit nakaplanong gawin mong one week na bakasyon ang foundation week, pipilitin ka ng departamento niyong makipag-participate sa punyetang mga event at piliting magbayad ng ticket para sa concert na hindi mo naman planong puntahan simula't sapul.

Tinabihan at inakbayan ako ng kaklaseng hanggang ngayon ay di ko pa rin alam ang pangalan saka may iniabot sa'kin na kadalasan kong ginagawang bookmark noong hilig ko pang magbasa ng libro.

"Ticket niyo kuya." kung maka-kuya sa'kin 'kala mo kung sobrang layo ng agwat ng edad namin. "At pagkatapos ng concert may pre-celebration ng mga graduating, inuman sa TJT." may gano'n na pala ngayon. Ibig sabihin ba may post-celebration din? "Sama kayo para the more, the merrier. Wag ng killjoy."

"May gagawin ako no'n."

"Wala kang gagawin." Nagitla ako sa biglang narinig at kaagad napatingin sa pinanggalingan ng boses. Ba't nandito na naman 'to? Nandito ba talaga siya o sa isip ko lang? "Hihilata ka lang naman buong weekend." Gaya ng nakasanayan kong makita, naka-cross arms siya habang nakikipag-usap sa'kin. "Go out with them. Say yes. Ikaw na nga 'tong inaaya."

Divine DramedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon