"Mukha ng salapi"

35 1 0
                                    

"Mukha ng salapi" 

 ni Ian L. Labido © 2014 

 Kung ika'y walang ganito'

 ay wala ka ring ganon.. 

kaya naman dito sila' at ikaw nama'y doon..

 para bang basurang nabubulok 

hinihiwalay ka't itinatapon 

Pasasaan pa't tayong lahat 

ay sa hukay rin paruroon

 --- 

 kung kelan yumaman 

saka naman yumabang 

hindi na makontento 

sa kayamanan ay gahaman 

masakit man kung pakikinggan' 

ngunit ito'y katutuhanan.. 

na pera ang kadahilanan' 

sa iyong pagiging makasalanan..

 ---- 

 Masyado na bang mataas' 

ang kinaruruunan?.. 

bat hindi mo na makita' 

ang iyong pinag mulan?.. 

sana'y iyong pakinggan' 

itong aking panawagan.. 

wag ka sanang magpasakop' 

sa pera at kapangyarihan.. 

 ---- 

 Masyado kang nagpakasasa' 

sa makamundong gawa..

 sa mundong akala mo'y'

 ikaw lamang ang tama..

 sa aking pagkahinuha' 

sana'y di mo ikasama.. 

dahil nga ba sa mayaman' 

ka at kami'y hamak na dukha?..

 ---- 

 Sana'y ipagpaumanhin' 

aking pag hahambing.. 

masakit man itong dinggin' 

ngunit ito'y di pasaring.. 

kung iyong mamarapatin' 

nais ko lamang iparating 

hangad ko'y ikay gisingin' 

sa iyong pagkakahimbing..

---- 

 Nakapang hihilakbot!! 

ako ay natatakot.. 

tuwing ikaw ay makikitang' 

galit at napopoot.. 

ngunit aking napagtanto' 

ang dahilan kung ba't gan'to.. 

ikinagagalit mo'y' 

mawala ang yong ginto.. 

 ---- 

 Na lason na ang iyong isipan' 

wala ka nang pinakikinggan.. 

unti-unti ay nananahan' 

kasakiman sa kalooban.. 

hindi ko nga maunawaan' 

ikaw ba'y nagbubulagbulagan?.. 

pamilya't kaibigan' 

pinagpalit mo sa kayamanan..

 ---- 

 Sa aking pag iispip' 

ako ay napahikbi .. 

bakit di mo na mawari' 

ang wasto at ang mali?.. 

mga mata'y nabulag na't' 

dalwang tenga'y nabingi..

 dahil nga ba sa kinang' 

at taginting ng salapi?.. 

 ----Hindi ka ba natatakot' 

sa iyong pagbagsak? 

no mang taas ng iyong lipad' 

ay gayun din ang paglagpak.. 

katumbas ng pagkasadlak' 

karimlan at pagkawasak.. 

salapi at kapangyarihan' 

sa hukay ay di mo na hawak..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Mukha ng salapi"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon