Secret Potion

466 34 12
                                    

Mga bata, samahan niyo akong makinig sa kuwentong pag-ibig nina Jaly at ng crush of her life na never pa siyang pinapansin. Ako nga pala si Miss Evelynda, ang librarian sa eskwelahang pinapasukan ni Jaly.

Anyway, halina't pakinggan na natin ang kuwento nila at sabay-sabay tayong humalakhak, kiligin, at malaglagan ng panty dahil sa ka-guwapuhan ni Marc.

---

Jaly's Point of View
Mahirap talagang maging mapag-isa lamang sa lugar na madaming tao. Feeling ko lahat sila pinagtitinginan ako. Feeling ko lahat sila pinag-uusapan ako.

Feeler na kung feeler. Pero gano'n kasi talaga ang lagi kong nararamdaman kapag napapaligiran ako ng mga tao tapos ako lamang ang mag-isang nakaupo sa sulok ng canteen.

Ang hirap kasi makipag-socialize sa ibang tao. 'Di kasi ako 'yong tipikal na tao na mahilig makipag-halubiro. 'Yong tipong kapag kausap mo ako. Ang maririnig mo lang sa akin ay tungkol sa mga libro, libro at libro.

Katulad nga ng nangyari kanina, may babaeng lumapit sa akin para siguro makipagkaibigan...

Nagbabasa ako no'n ng libro. At nabaling ang tingin ko sa kanya dahil lumapit siya sa akin.

"Hi anong pangalan mo?" Tanong niya.

Huminga muna ako nang malalim bago sagutin ang katanungan niya.

"My name is Janeah Andrea Lindsay Ysabel Concepcion Corpuz Ancheta. But you can call me Jaly for short. Ang Jaly ay nanggaling sa apat na unang letra ng aking pangalan; Janeah Andrea Lindsay Ysabel. Ipinanganak ako sa Calamba, Laguna. Kung saan nakatira si Doctor Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. At ito rin ang dahilan kung bakit mahaba ang pangalan ko." Pagkatapos ko magsalita ngumiti ako sa kanya.

Ngumiti rin siya sa'kin. Pero 'yong mukha niya parang nawi-weirduhan yata.

Bakit kaya? May nasabi ba akong masama? Mabaho ba ang aking hininga?

Sabay inilagay ko ang aking palad sa aking bibig at huminga-hinga ako. Hindi naman mabaho ang hininga ko ah?

"May nagpapabigay nga pala para sa 'yo." Sabay abot sakin ng isang red juice na nakalagay sa bote.

Tinanggap ko naman 'yong ibinigay niya. "Ha? E, kanino naman galing 'to?" Tanong ko sa kanya. Pero umalis na siya agad.

Ininom ko 'yung juice. Tutal uhaw na uhaw na ako kanina pa. Mmm! Ang sarap naman nito.

Pwe! May maliit pa na papel sa loob. May nakasulat sa papel pero hindi ko mabasa dahil yung ink nagkalat na sa papel.

Siguro may nanti-trip nanaman sa'kin.

Makapagbasa na nga lang. Libro na lang talaga ang bestfriend ko, forever! Kahit na walang forever.

Yeah, alam ko sa sarili ko na nerd ako. E, pa'no ba naman kasi ayon ang tawag sa'kin ng mga taong hindi nakakaalam ng pangalan ko dito; nerd, nerdy, dork, wimp, weird, etectera.

Hindi nila alam na nasasaktan na ako sa mga sinasabi nila. Sabi nga sa isang quotation ni Joel Osteen, "Be careful what you say. You can say something hurtful in ten seconds, but ten years later, the wounds are still there."

Secret Potion [TO BE PUBLISH UNDER PSICOM REEDZ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon