Jeepney Story

102 3 0
                                    

Babala : huwag po tayo sasakay na basta basta sa Jeep lalo na pag kagabi dahil marami ang pwedeng mangyare tulad ng isa sa karanasan ng isang tao .

Gabing gabi na noon ng pauuwi na ako galing trabaho dahil pinag over time ako ng boss namin dahil sa dami ng paperworks ,

lumabas na ako nun ng building namin pasado alas nuwebe ng gabi , dahil kahit ganoong oras ay may mga jeep pa naman at mejo maaga pa

habang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep ,

bigla na lang akong kinabahan dahil siguro sa sobrang dilim na rin at walang ilaw ngayon dahil balita ko pumutok daw yun kahapon at bukas pa maayos . 

"hayst , sa lahat ba naman ng araw na mawawalan ng ilaw, ngayon araw pa >_< pwede naman dapat bukas na lang dahil ang alam ko maaga ang uwi namin bukas ." bulong ko sa sarili ko .

"marami pa namang adik jan sa kanto lalo na at gabi , mamaya hablutin na lang ang bag ko " ng biglang may kumaluskos na kung anung bagay , kaya nagmadali na akong maglakad at dahil wala akong oras para tignan yun . 

hay salamat malapit na ako sa sakayan ng jeep , actually hindi naman talaga siya terminal ng jeep , i mean yung mga jeep na dumadaan lang .

may mga tao pa rin naman mangilan ngilan  na dumadaan dahil mejo gabi pa lang nman , ng may papadating na, na jeep pero di ako hinintuan dahil siguro pauwi na din yung jeepney driver .

kaya nag-antay pa ako ng ilang minuto .

1

2

3

4

5

may dumating na na jeep kaso , hindi na naman ako hinintuan >_<

6

7

8

9

10

ayun may jeep na ulit .

"para!! " hayst di pa rin ako hinintuan

ng biglang may natumba na basurahan , kahit sa tingin ko wala nmang tao or pusa , kaya ngayun gustong gusto ko na makauwi >_<

11

12

13

14

15

ayun may jeep na ulit "PARA PO !!!" winave ko pa ang kamay ko para makita niya pero wala pa rin , di pa rin ako hinintuan ,

hayst nakakainis na ah , ang malas ko ngayung araw , pag may dumaan ulit na jeep , pramis last na toh !! >__< ng may narinig na akong yapak ng paa , hala , nakakatakot na !! O__O kaya deisidido na ku na makauwi

16

17

18

19

20

ayan na may nakikita na akong jeep , mukhang maraming sakay ,

pero kasya naman ako siguro , ng biglang humangin ng malakas at tumindig ang aking balahibo , pero di ko muna yung inisip dahil ang priority ko ngayon ay makauwi na . 

ayan na papalapit na kaya ang ginawa ko hinarang ko ang jeep na yun at biglang sumakay sa loob ,

ng bigla akong nangilabot dahil halos lahat ng pasahero nakatitig sa kin , pero wala akong pake, weird man lang sa pakiramdam kelangan ko na makauwi . at dahil sanay ako magbayad ng pagkasakay , nagbigay na ako ng bayad .

"Bayad Po" pero walang nag-aabot ng bayad ko , at patuloy nakatingin pa rin sila nakatingin sakin ,  noong panahon yun nakastop ang jeep dahil sa trapic light .  yung isa bumulong sa katabi

at naiinis na ako at sinabi ko sa katabi ko "PAKIABOT naman po yung Bayad Ko ! "

ng biglang kinausap ako ng matandang katabi ko , na ikinagulat ko

 "Hindi ka na dapat naparito ineng . Umalis ka na habang hindi pa nakakaalis itong sasakyan. Kung hindi, pagsisisihan mo ang pwedeng mangyari. Hindi kana makakauwi sa inyo." 

sa sinabi niyang yun bigla akong kinilabutan at natakot at sumagot na "  Ano Ho ang ibig niyong sabihin ??"

At ang sumagot ay yung lalaking katabi ko 

Ang sagot niya :

.

.

 .

 .

 .

 .

".Tanga ka ba?? !!! ,inarkila namin toh ,  may NIGHT SWIMMING kami !!! xDD

_______________________________________________________

A/N: i just read it , hindi ko siya talaga naisip , pinahaba ko lang :)) 

Jeepney StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon