PANGET!

403 6 7
                                    

"CARLAAAAAAAA!!!!!" Halos muntikan na akong madapa sa malakas na sigaw na iyon. Naku kilalang-kilala ko talaga iyon.

"Tricia naman! Ginugulat mo nalang ako lagi!"

"Hindi ka pa nasanay! Tara na sa classroom!" Tumango nalang ako at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Ui siya ba yung sinasabi mo?"

"Oo siya yun!"

"Wow, ang ganda niya talaga!"

"Kaya nga siya ang laging nanalong campus princess dito satin!"

"Bagay naman sakanya eh! Maganda naman kasi siya!"

"Goodmorning carla!" Bati ng mga lower year sakin sa pagdaan namin ni tricia sa hallway.

"Ayan na naman carla, marami na naman babati sayo hahaha!Bulong sakin ni tricia.

"Wala naman akong magagawa eh." Bulong ko rin sakanya.

"Hi carla! Ang ganda mo talaga!" Bati naman sakin ng isang istudyanteng lalaki.

"Salamat!" And I smiled at him.

"Waaah! Si carla ramos!!"

"Ang ganda!!"

"Oo nga!!"

"Bagay siyang model!!"

Ningingitian ko lang sila. Habang tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad ni tricia papuntang room. Hindi ko na sila masyado pinapansin, kasi medyo nakakailang kahit na araw-araw laging ganto. Lagi nilang sinasabi na maganda ako, bagay akong model, bagay maging artista at iba pa. Pero sa sarili ko hindi ko pa rin tanggap ang kagandahan ko. Parang kulang pa, o sadyang ayoko lang marinig ang mga salitang..

"Sus, ang panget naman eh." 

Halos tumigil ang mundo ko ng marinig ko ang salitang iyon. At kilalang kilala ko kung kanino nanggaling ang boses na iyon.

"Panget kaya niya."

"Dude, malinaw ba mata mo?"

"Magpacheck up ka na sa mata pare."

"Sobrang ganda ni carla eh." Napabilis tuloy ang lakad ko papuntang room.. 

"Ano bang problema mo Mr. Alcantara ha!?" Sinigawan ko siya ng magkaharap kami sa pintuan ng classroom namin.

"Wala naman. Nagcocomment lang din ako katulad nila." Maangas na sagot niya.

"Pwes! Hindi ko kailangan ng comment mo!" Masungit na sabi ko naman.

At nagpatuloy pa kami sa pagbabangayan. Ganito na kami araw-araw. Siya lang kasi yung bukod tangi na sasabihan akong panget! Hindi ko alam kung bulag ba siya o ano. Basta lahat ng tao dito sa campus siya lang talaga nagsasabing panget ako kahit na alam ko sa sarili ko hindi naman! GRRRR!!! Kagaya nalang nung nasa elementary pa kami.

Simula pa lang nung bata ako lagi nalang ako napupuri ng iba't-ibang tao sa paligid. Ngunit nung nagelementary ako. May kaisa-isang taong hindi nakikita ang kagandahan ko. Yun ay si Lance Alcantara. Ang taong nagsasabing PANGET ako simula pa nung elementary kami. At ang taong mahal ko rin. Kaso nang magtapat ako sakanya ng aking nararamdaman, at ang naisagot niya sakin ay ang panget ko raw. At iyon ang naging dahilan kung bakit lalo pa akong nagpapaganda. Nagbabasakali kasing mapabago ko ang isip niya at ang tingin niya sakin. PERO HINDI TALAGA!

"Nakakatuwa talaga kayo ni Lance noh? Parang lovers lang!" Asar pa sakin ni tricia.

"Hindi kaya nakakatuwa tricia!" Nakasimangot kong sabi. At hindi ko napansin na nilapitan ako ng mga kaklase kong babae't lalaki.

"Pagpasensyahan mo na si lance carla, baliw talaga yun eh."

"Oo nga carla, bulag lang talaga siya.."

"Wag ka na sumimangot carla!"

"Sayang ang ganda mo!"

"Oo nga kaya sana hayaan mo akong mangligaw sayo." Tinawanan ko nalang sila at nakisabay na rin sila sa pagtawa. Ngunit bigla kaming napatigil sa pagtawa ng may marinig kami pagsipa sa upuan.

"What's good about being beautiful? Nagsasayang ka lang ng oras magpaganda." Sino pa ba? Edi si Lance Alcantara! GRRR lalo akong naiinis sakanya! Kaya hindi ko na napigilan sarili ko.

"Ikaw! Paulit-ulit nalang! Ano bang pakialam mo ha!? Mind your own business!" Galit na sinigawan ko si lance kaya naman nagulat ang lahat pati na rin siya.

"Wala naman akong paki, kaso parang lumalaki lang ang ulo mo." Dahil sa mga salitang niya na iyon naputol ang pasensya ko. "Alam mo kasi, hindi lahat ng babae makakaappreciate sayo, lalo na, hindi lahat ng lalaki makukuha mo sa kagandahan mo." Ayun na ata ang pinakamasakit na salitang bukod sa panget na lagi niyang sinasabi sakin. At dahil nga na tahimik ang klase, rinig na rinig ang pagkasampal ko sakanya sa loob ng classroom.

Hindi ko na kaya ito. Hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko para sakanya.

"Arghh, Ano--" Sniff*  Sniff* "Ca--carla?" Sniff* Sniff*

"Sumosobra ka na!!! AKALA MO HINDI KA NA NAKAKASAKIT!! HINDI MO KASI ALAM NA LAHAT NG BAGAY NA ITO NA GINAGAWA KO AY PARA SAYO!" Kahit na umiiyak na ako, nakakapagsalita pa rin ako ng deretcho pero hindi ko na mapigilan ang bibig ko. "DAHIL MAHAL KITA LANCE ALCANTARA!"

At dahil sa hindi ko na alam ang ginagawa at sinasabi ko ngayon. Parang gusto ko nang tumakbo palayo sa sobrang hiya kasi agaw atensyon ako dito! SOBRANG NAKAKAHIYA!! >//////< At isa pa ito ang pangawalang beses na nagtapat ako sakanya! WAAAAHHHH!!! Malalagot ako pagnapahiya ako dito! Kaso hindi ako nakatakbo dahil sa may humablot nang braso ko at..

Kiss~

Halos matulala lahat ng tao dito syempre lalo na ako! HINALIKAN AKO NI LANCE?!!

"TSK! Nakakainis inunahan mo na naman ako. MAHAL DIN KITA! KAYA AYOKONG MAY MAKAKITA SA KAGANDAHAN MO NA PARA SAKIN LAMANG!"

Halos hindi magsink sakin yung ginawa at ang sinasabi ni lance kung hindi pa kami inasar ng mga kaklase namin. Kaya naman halos mag-init ang mukha ko. Mas mapula pa kaysa sa mansanas! At tinignan ko naman itong katabing kong lalaki na nakaakbay na pala sakin at yung isang kamay niya naman nakatakip sa mukha niya. Ang cute magblush ni Lance! <3

THE END


PANGET! (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon