That-woman-that-the-water-reflected

4.8K 78 2
                                    

Day Nine


 May 25, 20**


Dear Ma and Pa,

I'm coming back... with Andrew's mother. 

I can't give you all the details... but we'll be there...

Don't tell Andrew yet. 

Just wait for us to come.


Your Son,

Marcus


**


Hindi na tuloy ang pagpunta namin ng Cagayan. Sumama kasi ang pakiramdam ni Pedro. Mag-isa akong kumakain ng agahan sa restaurant ng hotel. Binabalak kong pumunta ng Amerika para bisitahin o kaya naman maka-usap si Isa Inigo. Siyempre, kakailanganin ko pa rin ang suporta nina Annie. Pero, napa-isip ako na kailangan ko munang masinsinang kausapin ang kanilang ama, si Congressman Inigo. Mahal niya ang anak niyang si Isa, kung di ako nagkakamali, at sigurado akong pag nalaman niya na buhay pa ang kanyang apo, naniniwala akong hahayaan niya kaming puntahan si Isa. Pero, napapaisip ako kung bakit, nakahadlang ang ina nina Annie sa pagtatagpo ng dalawa. Ano bang meron? Napahigop ako sa lumalamig na kape sa aking harapan. Sa di ko namamalayang pagkakataon, biglang may umupo sa harapan ko... si Lucy.

"Kumain ka na?" agara kong tanong sabay lapag ng kape ko sa mesa.

Ngumiti lang ito at tumango. 

Katahimikan. Hinintay niya akong matapos kainin ang club sandwich ko bago siya nagsalita.

"Gusto kang kausapin ni Annie," sabi niya.

Medyo naubo ako. Pero nagkunwari ako na wala lang at saka tumango-tango ako. Naalala ko pa ang usapan ng dalawa kahapon. Nababahala lang ako.

"Nahihiya siyang lapitan ka. Hindi ko ba alam kung bakit..." nakita ko sa mukha ni Lucy ang mapait na ngiti, ngunit nagpatuloy siya, "Nasa swimming pool area lang daw siya," at saka ito tumayo at di na nagpaalam.

Hinayaan ko lang.

**


Napag-isipan kong puntahan si Annie sa may swimming pool area. Kakausapin ko rin sana  siya tungkol sa kanyang ama. Nakita ko siyang mag-isang nakaupo sa plastic bench. Huminga ako ng malalim bago ko siya lapitan. Hindi ko alam bakit.

"Bata... gusto mo daw akong kausapin?" malamig kong tanong.

Di ako umupo. Nakatayo lamang ako sa harapan niya. Halatang nagulat ito at saka tumayo. Di pa rin ito tumatangkad. 

"Naka-usap ko si Papa, pupunta siya dito. Sinabi ko na sa kanya ang lahat," bulalas niya; napatingin ito sa aking mata.

Tumango na lang ako. Bigla naman itong umiwas ng tingin. Pero nakita kong ngumiti ito.

"Sa wakas makikita na ni Ate Isa ang anak niya," bulong nito sabay naglakad palayo ito sa akin.

Sabihin na natin na medyo nasiraan ako ng ulo dahil bigla kong hinablot ang kaliwang braso ni Annie. Napasimangot ako. Di lang dahil sa inasta ko, pero bigla akong tinalikuran ng batang nagpanggap na buntis. Nagulat ito at tumitig lang sa akin. Ang mukha niya... parang kawawang tuta.

Sh*t... napamura ako sa isipan ko.

"Ba-bakit?" tanong nito pagkatapos ko siyang bitiwan. Hinawakan niya ang parte ng kanyang braso na akin hinablot. Napalakas ata ang hawak ko dito dahil nakita ko na medyo namumula iyon.

10 Days with Ms. Preggy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon