"Sometimes we expect more from others because we would be willing to do that much for them"
Sabi ng iba masarap daw magmahal ng hindi ka nasasaktan, at yun ay totoo nga naman. Eh papano kung wala ka nga talagang karapatan? Ansaket nun diba...
Minsan talaga may mga bagay siguro na hindi talaga para satin dahil siguro may nakalaan na para sa kanila. Kahit na crush na nga lang ang meron ang isang tao minsan napagkakaitan pa dahil sa mga taong kung akala mo naman ay pagmamaari na nila. Oo tama nga naman na wala ka nga talagang karapatan dahil ang malaking tanong ano mo ba siya? Si tadhana nga naman mapaglaro diba nilalagay ka talaga sa napakagandang sitwasyon na dahil sa nasobrahan na sa ganda ay naiipit kana pala. Yun yun eh... Hindi naman masama siguro kung may selos ding nararamdaman minsan dahil hindi naman tayo bato para walang maramdaman, ang masakit lang umaasa tayo sa isang tao na hindi mo alam kung may pag asa ka bang madadatnan.
Yan nga siguro ang mahirap kung "One sided" lang ang sitwasyon mo dahil nagiging masaya at kuntento ka nalang kahit sa kaloob looban ay nasasaktan kana pala. Minsan naiisip mo nalang na bakit sa kanya ka pa natamaan kung pwede na sa iba nalang kasi feeling mo nasasaktan kana at nagpapakatanga ka lang sa kanya kahit na yung totoo masakit man taggapin na walang "kayo".
At kung pwede nga lang masuklian niya ang pagmamahal na ibinibigay mo siguro naman ikaw na ang pinakamaswerteng tao! Haha nag fefeeler kana man kung ganun, kasi isipin mo palang hindi nayun madali diba kasi parang pag inisip mo pa... ay nako kaluka ka! Anlayo na agad ng agwat at parang napaka imposible. Hmp! Kamusta naman kung ang sitwasyon mo ay parang ganito, hindi niya alam ang existence mo at ang masakit dun di nga niya alam na nandiyan ka yung tipong invisible kalang para sa kanya. Pero yung totoo kong masilayan mo lang siya kulang nalang ay literal na lumabas ang puso mo sa sobrang OA ng pagtibok nito. Kung inaakala mong ikaw yung nginingitian niya tapos darating lang pala sa punto na assuming ka lang pala. Ouch!!! Heto pa minsan naloloko mo na pala yung sarili mo hindi mo lang napapansin dahil kahit di naman aminin sa iyong sarili mahal mo na pala siya at higit pa sa crush ang nararamdaman mo. At minsan ipinapakita mo nalang sa iba na masaya ka para dun sa taong mahal mo na may mahal na palang iba. Hayy... kamusta naman ang battle between heart and mind diba? Kasi dininikta ng puso mo ay siya nga talaga samantalang yung isip mo nagsasabing mali ka dahil siya ay meron na at ikaw ay walang karapatan sa kanya.
Diba ansarap isupalpal sa kanya na "Crush kita alam mo ba" o sadyang manhid ka lang pero siguro hindi mo talaga magagawa dahil nga wala kang lakas ng loob diba? Yun nga ang dahilan ay meron na nga siya. Hindi naman pwedeng ikaw na yung kontrabida sa kanilang dalawa kasi ano yun epal ka lang at ikaw ang magsisira ng isang magandang relasyong na pinagsasamahan nila. Kung halimbawang pwede ng iuntog ang karelasyon niya para makalimutan na siya siguro naman nagawa mo na kasi nga minsan may mga taong handang gawin ang lahat para sa mahal nila. Pero ang puso talaga walang amnesia kasi ang LOVE, it doesn't change in just a blink of an eye coz the reason why a person loves their special someone it's because they have a reason behind that, its either attitude or because of its physical appearance only.
At pag sinabing may maipagmamalaki nga naman halimbawa yung karibal mo ay may good attitude at good personality pa at higit sa lahat matalino pa o san pa nga diba gorabels na dun siya talaga, dahil wala na siyang mahahanap na may full package na ganun sa panahon ngayon kung meron man mga endangered na kasi nga pambihira nalang makikita. At dun palang ma didiscourage kana kasi nga wala ka nang patama at ehem... madodown ka nalang kasi parang wala na talagang pag asa. Super hirap kasing magmahal dahil kong ang math nga 1+1=2 sa mga nasobrahan naman ng talino ang answer 11 na. Kasi nga daw ang love parang LOGIC kailangan ding pag isapan ng mabuti, at pumili ng tamang taong mamahalin mo ng tapat. Kaya nga kahit labag man sa kalooban na "one sided" lang ang meron ka ay unti unti mo rin namang natatanggap na hindi talaga para sayo siya. Pero kung pagbibigyan man ni tadhana na magpalit kayo ng katayuan ng karelasyon niya matatangap mo ba?
Siguro nga yung iba matatangap nila kasi kailangan nga sa panahon ngayon kailangang maging opportunity seeker ka para...tadan! yun na yun at may karapatan kana.
But for those who have strong heart, kahit hindi man masuklian ang kanilang pagmamahal pagdating sa crush etc. ay iisa lang ang nasasabi nila mabuti ng magmahal ng tapat na kahit di niya alam at pagmasdan siya sa malayuan atleast alam mo sa sarili mo na masaya ka dahil nakikita mo siyang nagiging masaya kahit ano pa mang dahilan.
Dahil ang pagmamahal ay hindi naghihintay ng mga kapalit kundi ito ay kusang ipinagkakalob. Because a person also has a limitation and he/she knows that and whatever the reason of that little thing called love they know that it's all worth it to give, even if there's no commitment and there's no mutual feelings.
Dahil yun nga mahal mo siya at ang pinaghahawakan mo lang ay maging masaya lang siya ay ok na. Kasi buo na ang araw mo makita mo lang ang taong inspirasyon mo kahit na masasabing di niya alam ang existence mo. But in your own liitle way naiipakikita mo na mahal mo talaga siya kahit di man niya yun napapansin. Kahit may forever man o wala kung loyal ka talaga sa feelings mo makikita mo ang result ng pagiging isang one sided lover till the end because those persons who are strong enough to face the reality even it hurts deep inside are those who truly deserved to be loved!.
BINABASA MO ANG
Mahirap maging 'ONE SIDED LOVER'
Teen Fiction"Mahalin mo ang tao ng walang kapalit, At makuntento kahit yung totoo ay masakit." </3 ^_^ A:N Pasensya na po sa mga grammatical and typo errors. :) At hindi po ito isang Love story. Sorry amateur palang po ako dito at opinion lang po yan. Hope...