AN...
Bakit Chowking????
Kahapon kasi ay kumain akong mag-isa sa Chowking.... may nakatabi ako.... ayun gumanang bigla ang imagination ko... that's why I wrote it right away.... one shot lang ito...
And this is my first time to write a one shot story... I really do hope you'll like it....
Malay nyo maging full novel ito... hehehehehehehehe
Sophia
It’s Lunch time… The place was so crowded… madaming tao… sa isang mahabang lamesa, kahit hindi magkakakilala ang nagtatabi. Katulad nga ng slogan ng Chowking na “Share a seat, Win a friend”. Wala ka na rin namang magagawa kung hindi maki-share ng seat dahil pinag-tabi-tabi ba naman nila ang mga lamesa.
I would have been friendly any other time, pero sa pagkakataong ito ay nakatitig lang ako sa pagkain na nasa harapan ko. Wala akong pakialam sa mga katabi ko… ni tumango ay hindi ko magawa kung nagpapaalam sila kung pwedeng makitabi.
Bigla na lang na nagbago mood ko. Paborito ko pa man din ang in-order kong wanton mami with siopao na kanina lamang ay nag-c-crave ako talaga, kaya nga kahit na hindi ako sinamahan ng mga officemates ko at mag-isa akong pumunta dito ay ginawa ko para lang malasahan ang pagkaing ito, pero sa tagal na nasa harap ko ay lumamig na at tila hindi na rin masarap. Hindi ko magawang makain. Nakatulala lang ako at gulong gulo ang isip ko.
Bakit ba naman nagkaganito? Kanina lamang ay napakasaya ko, ngunit ngayon ay parang gumuho ang buong mundo ko. Iyon baa ng epekto ng 1 tawag sa cellphone na natanggap ko? 1 tawag lang at bumaligtad ang buong mundo ko. Kung kanina ay napakasaya ko, ngayon ay hindi ko malaman kung gusto kong magalit, magwala o umiyak na lang ng umiyak. Nagbibiro ba sya o sadyang pinaglalaruan lang ako ng tadhana. Iniisip ko… baka naman panaghinip lang ito…. Baka ilang sandali lang ay magising na ako at tatawanan ko lang itong masamang pangyayaring ito…
Pero hindi e…. kanina ko pa kinukurot ang sarili ko… ilang beses ko na ring kinurap kurap ang mga mata ko… gising ako!!!! Hindi panaghinip ito! Totoong lahat ang mga narinig ko!
Napabuntong hininga ako hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko…. Bakit? Ano bang nagawa ko? Bakit nagawa nya sa kin ito? Ang sakit. Parang pinipiga ang dibdib ko…
Si Kevin, my boyfriend for 7 years…. We’ve met in high school. Gwapo, matangkad, friendly, sporty and a happy go lucky guy. Isa sya sa sikat sa campus namin noon, halos lahat siguro ng mga babae kinikilig kapag nagdadaan sya. CNB (Crush ng bayan) kung tawagin sya noon. While ako naman,,, reserved, Tahimik, palagi na lang nakasubsob ang ilong ko sa libro. I’m was just a typical nerd. Well, just like any other girl, I also have a huge crush on him.
Nagulat na lang ako nung minsan ay tinabihan nya ako at kinausap… well, hello… ang isang Kevin Del Gado kakausap sa isang Sophia Alcala? Himala talaga ng langit yon! Just to find out na mangongopya lang pala sya ng assignment na hindi nya nagawa… Well, ok lang yon.. at least kinakausap nya ako, grabe ang saya saya ko non! For all I know, umpisa na pala yon ng madalas naming pag-uusap. Nagsimula din ang pag-kikita namin after school dahil tinutulungan ko na rin sya sa mga project nya…
Hindi ko na lang namalayan na unti-unti ay nagiging close na kami sa isa’t isa… at ang hindi ko talaga inasahan ay ang pag-propose nya sa kin nug JS prom naming!
“nagbibiro ka ba?” Sabi ko ng matapos nyang sabihin na mahal nya ako. “wala naman sa kin ang pagtulong ko sa mga projects mo. You don’t have to say those things! Wag mo akong paglaruan!”
BINABASA MO ANG
Dito lang sa Chowking [One Shot]
RomanceSino ang mag-aakala na guguho ang mundo ko sa isang fast food na kinagigiliwan ko... kung gaano rin kabilis gumuho ang mundo ko ay ganoon din ito kabilis na naiahon at sumaya ako.... who would ever thought that I would find my second chance in love...