One-shot: Perfect Mistake

52 3 0
                                    

Diana's POV

It's been 6 years. 6 years na mula ng magtanan kami ni Matteo. We were both young and reckless but inlove. So inlove that we thought running away from our families was a good idea. I have to admit that in our first 2 years together, without the help of anybody from our families, it was hard. We did everything just to earn money for our food and our needs. All our sweat was worth it ng marating namin ang buhay na meron kami ngayon. Kasama na kami sa mga mayayamang tao sa Pilipinas. We both graudated college that's why we had the chance to have a job. Promoted then earned bigger salaries that gave us the life that we have right now.

Nagtanan kami because of a funny reason, our families hate each other. Magkalaban ang aming pamilya sa lahat ng larangan. Pinaglalayo kami sa isa't isa kaya namin naisipin na magtanan. Pinabayaan nila kami, hindi man lang kami hinanap. Ako nga pala si Diana Sy-Valenzuela at aking asawa naman ay si Matteo Valenzuela. Kami sana ang tagapagmana ng mga kilalang kompanya sa buong mundo. They were controlling our lives. Nasakal kami, kumawala kami.

"Hey Hon." Sabi ni Matteo at yinakap ako mula sa likod. Hindi ko siya napansin dala na siguro ng malalim na pagiisip ko sa nangyari dati.

"Ang aga mo ata ngayon ha? Hindi pa ako nagpapaluto ng dinner." Sabi ko at humarap sa kanya at yinakap siya pabalik.

"Asan ang mga bata?" He then asked. And yes, we already have kids. Ang panganay namin si Brent who's now 3 years old at si Allison naman na 2 years old.

"Nasa room nila. Sa labas nalang tayo kumain gusto mo? Hindi pa naman ako nagpapaluto kay Manang." Sabi ko sa kanya.

"Sure. Ayusin mo na ang mga bata, maliligo lang ako saglit." Sabi niya at hinalikan muna ako sa noo bago kumalas sa yakap. Ako naman ay tumungo na sa silid ng dalawang bata. Nakita kong nilalaro ni Brent ang kapatid niya. Napatigil siya at tumingin sakin, nginitian ako.

"Baby, tara. Paliguan kayo ni Mommy. Kakain tayo sa labas." Nakangiti kong sabi sa mga bata. Hindi pa masyadong nakakaintindi si Allison pero si Brent matalino. Marunong na siya magsalita pero hindi pa deretso. Si Allison ay hindi pa nakakapagsalita. Pinakacheck namin siya sa doctor at ang sabi naman ay mga ganun talagang bata na matagal pa bago magsalita kaya hindi na namin masyadong pinumblema.

Pagkatapos ko ayusin ang mga bata, pumasok ako sa kwarto namin at kumuha ng damit ko. Hininda ko na din ang damit na sosootin ni Matteo. Natapos na siyang maligo kaya ako naman.

Habang naliligo hindi ko maiwasan maalala ang mga masasayang araw na nangyari sa buhay namin ni Matteo. Nung una kaming magkakilala.

College na ako nun. Naglalakad ako papuntang library dahil ibabalik ko ang librong hiniram ko at kukuha ng panibago. Ng mabalik ko na, pumunta na ako sa mga shelves na malapit. Humanap ako ng librong interesting ang storya. Mga luma kungbaga. May kinuha akong isang libro, tiningnan saglit at nagbasa ng konti. Nagulat nalang ako ng may biglang nagsalita.

"Hindi maganda yan. Sabog ang storya. Hindi mafocus ng author kung ano ba talaga ang nangyayari. Parang ang ginawa niya, makapagsulat lang ng kahit ano. Swerte nga at napublish yan ee." Sabi ng lalaking biglang nagsalita. Masa gilid ko siya at tumitingin din siya ng mga libro.

"Dang. Ginulat mo ako. Akala ko tuloy multo, alam mo namang may mga kumakalat ng mga storya na may multo dito." Inis sa singhal ko sa kanya.

"Haha. Sorry. Sorry dahil nagulat kita. Tsaka wag ka maniwala sa mga yun. Lagi kaya akong nakatambay dito. Sa tagal ko dito bakit wala pa akong nakikita?" Napatunganga ako sa ngiti niya. Ang gwapo niya. Bakit kaya ngayon ko lang siya nakita? Ayy oo nga pala. Nakatambay daw pala siya dito sa library lagi.

One-shot: Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon