[Chapter 12] ♫ *My Guardian Angels*

2.6K 53 0
                                    

NAOMI'S POV

“look girls,  andito pala si tsunami” hanggang sa panaginip ba naman nang-aasar parin sina Nicole?

“Anong ginagawa niya dito sa teritory natin? Hmp~”

“hey you epal girl! wake up, get out of here” Aww, ang sakit ah. Biglang may sumipa sa may binti ko.

Hindi pala ako nananaginip. Bumangon ako mula sa pagkakahiga.

“hoy babae, anong ginagawa mo dito? Alam mo bang kami lang ang may karapatan dito bukod kay Prince at sa band?” napakasamang-bangungot naman nito oh.

“Hindi naman sayo tong skul ah! You don't have the right para kanyahin to” biglang nagising si Younha.  

“wag ka nang makialam dito Younha tsaka bakit mo kinakaibigan tong panget na babaeng to, mahahawa ka lang sa ka-epalan at kapangitan  niyan, Pwe~!” dinuro-duro pa ako ni Nicole.

Pangit? Epal? Natutulog lang ako dito epal na agad?

“yeah right, you're too beautiful to be her friend. She don't deserve you, you should be with us”

 Sandali lang ah, ano bang problema ng mga to? “Ang pagkakaibigan, hindi nasusukat sa kung gaano ka kaganda at isa pa, sinong may sabi na pangit si Yomi? Paa palang niya pantapat na sa mukha niyo, tss” biglang sabi ni Younha tapos pumunta sa may harapan ko. Grabeng lait yun ah.

“Ya~ sino ka para sabihin samin yan? Nagsisisi akong sinabi namin na maganda ka. Mas madumi pa pala bughi mo kay tsunami. Psh~” sabi ni Diane sabay harap sakin. Napa-atras naman ako. Katakot mukha niya eh.

“Ikaw! Isa kang salot para sa kasikatan namin. Inagaw mo na nga ang atensyon ng banda at ni Prince Shin tapos pati ang teritoryo namin kukunin mo pa! So selfish huh~” Alin ang inagaw ko ‘daw’? Nasa pelikula na ba ako? Luh~ baka may hidden camera dito?

“YAH~ You--” hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Younha.

“Listen” huminga nalang ako ng malalim at hinarap sila. “Wala akong kahit na anong inaagaw mula sa inyo, wala din akong ginagawang masama para magalit kayo ng ganyan sakin. At hindi ko alam na may karapatan na pala ang isang estudyante na angkinin ang isang lugar sa academy ni Kuya Shin at sabihin na teritoryo niya kaya sorry” sabi ko nang nakatingin sa kanila.

 “WHAT? Sino ka para sagutin kami? Wala kang karapatan bitch! Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin” lapit sakin ni Nicole.

“Ako si Naomi Kim Park, isang simpleng estudyante na natutulog lang dito sa may garden ni Kuya Shin, tsk di ka nakikinig nung nagpakilala ako no? Kaw talaga, oh siya kilala mo na ko, halika na Younha” sabi ko.

“Arrrgh~” iniangat niya kamay niya tapos sasampalin sana ako pero napigilan ni Younha.

 “Tss, nakakaawa ka, nakakaawa kayo”  sabi ni Younha tapos hinawakan niya kamay ko at akmang aalis na kami.

*BLAAGGSS* Hala~Bakit may bubog dito?  “YAH! how dare you do that? nagalit si Younha, itinulak niya sina Nicole tapos tinulungan akong tumayo.

Ang sakit nun ha. Tsk~

CARL'S POV

Kapagod~ kung pwede lnag umabsent. *sigh* 

MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon