*kinabukasan..
NARRATOR'S POV
Nasa school na sina Iris at ang MuMeSmile. May importanteng meeting ang mga teacher kaya wala silang klase ng umaga. Nagyaya si Rence na maglaro ng Truth or Dare na wala sa tama. Pumayag naman ang mga kaibigan nito.
“Okay ganito, kung sino tigilan ng bottle, pipili kung truth or dare. Tapos nun siya naman yung mag-spin nung bottle para sa next na taya. Game?” paliwanag ni Rence.
“Game” Ang nag-spin ay si Rence tapos tumigil kay Iris ang bote.
“Truth or dare Iris?” tanong niya. Pinili naman ni Iris ang dare.
“hmm ngumiti ka” utos ni Rence. Halata naman kay Iris ang pagtataka.
“Oo yun nalang. Pag nagawa mo yan, di na kami mag-uutos sayo. Yan lang sige na” pangungulit ni Carl.
“Yung hindi pilit ah?” sabi naman ni Yomi.
Nakatitig kay Iris sina Yomi, Younha at banda. Umiwas naman siya ng tingin sa mga ito.
“tss mga baliw ba kayo, wala namang nakakatawa eh pano ako ngingiti? pshh kahit kelan oh. Ayusin niyo nga yang mga itsura niyo para kayong mga ewan” sabi ni Iris tapos napangiti siya ng bahagya. Agad iyong napansin ng mga kaibigan na naging dahilan para matuwa sila.
“woaaahhh! Galing! nag smile ka. Congrats Iris” sabi nilang lahat at nag-apir sa isa't isa.
“yun lang? Nang dahil dun masaya na kayo? Tss baliw talaga” sabi niya ulit at napangiti. Kahit siya, di niya inaasahang mapapangiti sa simpleng bagay lang. Nagkatawanan nalang ang magkakaibigan.
“My turn…” pag-iiba niya ng topic. Huminto naman ang bote kay Yomi.
“truth or dare?” tanong ni Iris.
“truth na lang”
“bakit ang bait-bait mo? Kahit nasasaktan ka na binabalewala mo lang?” biglang tanong ni Rence.
Hindi nalang pinansin ng banda na umulit si Rence sa pagtatanong. Naging seryoso sila at nakinig kay Yomi habang si Shin ay hindi makarelate dahil hindi naman niya alam ang tungkol sa sugat na nasa siko ni Yomi.
“kasi ayokong makipag away, hindi ko kasi alam kung hanggang saan ang kaya ko tsaka turo sakin ng parents ko na mag timpi ako hanggat kaya. Maliit na bagay lang naman yun eh. Malayo pa sa bituka. Just don't push me to the wall. Wag nila akong gigipitin, hindi naman ako lalaban hanggat kaya kong umiwas pero wag lang masasagad pasensiya ko kasi hindi ko alam kung anong magagawa ko hehe. yun lang” paliwanag niya. Nakatingin lang sa kanya ang lahat at napangiti. Hindi pa rin makarelate si Shin kaya nagtanong na siya. “guys, what are you talking about? Alin yung tinutukoy niyo? May nangyari bang di ko alam?”
“ha? a-e wa-wala naman. Natanong ko lang kasi diba alam mo na, maraming haters si Yomi dahil kaibigan natin siya. Ahh I mean maraming insecures, you know.. ahh that kind of stuff hehe" nagaalinlangang paliwanag ni Rence.
“Ahh? Okay?” hindi nalang siya nagtanong kahit alam niyang may kakaiba sa sagot ni Rence. Si Yomi naman ang nag-spin nang bottle at tumapat kay Younha.
“Pwede bang ako muna ang magtanong?” biglang tanong ni Shin. Pumayag naman sila.
“ahm truth nalang” sabi ni Younha.
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Teen FictionThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...