RYOTA'S POV
*YAWN* hayy, inaantok pa ko. Tsk! Naninibago pa ako dito sa bahay. Buti nalang at nakita ko kaagad ang misyon ko dito. Hindi na masyadong sasakit ang ulo ko sa pagiisip.
Yun lang naman ang ipinunta ko dito at ang dahilan kung bakit pumasok ako sa ShinHwa, kailangan kong bantayan ang pinsan ng kaibigan ko. Uuwi din siya pero baka next week pa kaya umuna na ko, andito ang pamilya niya.
Ahh mabait, cute,mahilig at magaling daw kumanta tsaka mag gitara ang kanyang prinsesa. Lagi niyang ikinukwento sakin ang mga bagay na pinagkakaabalahan nila kapag magkasama. Nakakatawa nga dahil isa siya sa mga pinakamalakas na itinuturing sa lugar namin pero parang lumalabas ang kahinaan niya kapag lagi ang babaeng ito ang bukang bibig niya. Mahal na mahal daw niya yun na parang tunay na kapatid.
He's really a responsible leader for us. Hindi lang leader, kaibigan ko din yan. Kaibigan ng buong gang. Yes, a gang. Hindi siya yung tipo ng tao na utos dito, utos doon o kung sino kung maka-asta. Sa kanya mo mapapatunayan ang katagang, "mabait na kaibigan pero malupit na kaaway". Napapasunod niya ang mga underlings with a nice approach. Yung tama lang, hindi sumisigaw o nagsusungit. Pero hindi niyo siya gugustuhing magalit dahil walang makakatagal sa titig niya lalo na kapag lumaban na siya. Karapat-dapat siyang igalang at pagsilbihan dahil walang kapantay ang sakripisyo at pagpapahalaga niya sa gang lalo na sa pamilya niya.
Ay, ang prinsesa niya nga pala ang ipinunta ko at hindi ang pag-chichismis nang buhay niya.
Si Naomi Kim Park. Yung muse ko, oo MUSE. Walang pakilamanan ah? Siya ang misyon ko na tinutukoy ko.
Sabi pa ni first (leader ng gang nila), hindi niya hahayaang may makapanakit dito kaya gusto niya umuwi basta may pagkakataon, dahil nandito sa Pilipinas yung mga pinuno ng dalawang grupo ng gang. Yung isa na pinaka kalaban namin na "Black Royals" tsaka yung isa na "No Touch gang" which is a good one.
Pinangangamba namin yung "black royals" dahil hindi namin kilala yung babae na leader nun. Basta code name niya lang yung "dark princess". Andito siya sa Pilipinas for a long time. Iniwan niya yung mga ka-gang niya para sa kanilang paghihiganti samin, pinupuntirya nila yung importante kay first and that's his cousin. Para sa paghihiganti, nalaman namin na sa kanya ibubunton ni Dark Princess ang lahat ng galit niya, bago kay first (leader).
hayy ang gulo ng buhay.
Teka, lumalayo na masyado ang usapan. Hanggang dito nalang muna, kailangan ko pang pumasok.
NAOMI'S POV
Andito na pala sila. “Good Morning Yomi” bati nila.
“Good Morning” bati ko. “Uy Carl gisingin mo ko pag andiyan na si Ma'am ha? Iidlip lang ako. Gomawo (thank you)” hiling ko, tumango naman siya. Inaantok na talaga ako. Si Cyrus kasi tumawag samin kagabi, nangangamusta lang tapos nagpakuwento nang nagpakwento.
Ano kayang pumasok sa isip nun at puro bilin sakin? Ingat daw ako lagi tapos praktisin ko padin daw yung martial arts skill na meron ako. Then don't talk to strangers and don't trust easily. Ganyan mga pinagsasasabi sakin kagabi, nagtanong din siya kung wala ba daw mga nambubully. Ang haba ng usapan namin kaya ayun, napuyat ako pero masayang marining ulit yung boses niya.
***
“good morning class, you have a new classmate. Be nice to him... blah blah blah..
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Novela JuvenilThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...