[Chapter 21] ♫ *Welcome back

1.9K 46 2
                                    

CYRUS POV

 

“Girl sino yun?”

“Kyaaah, ang cool niya *u*”

“Akin nalang siya”

“Tange! Akin siya”

 

Aish! Ganito na ba talaga ang mga babae ngayon? Tsk! Sana naman hindi nahawa si Yomi sa kanila.

Kakarating ko lang kanina, wala pa halos akong tulog kaya medyo nakakainit nang ulo ang sigawan. *sigh* Balak ko sana siyang i-surprise pero parang ako ang na-surprise, hindi na pala siya titira kasama namin simula ngayon. 

“Excuse me, dito ba si Naomi Kim Park tsaka si Ryota Min Ho?” tumigil ako sa isang room. IV-Pearl ang nakalagay kaya malamang sa alamang, nandito sila.May isang tumango at nagmadaling pumasok sa loob. Kaya lang madaming nakaharang na babae kaya di ko makita kung nasaan sila.

“Hey! Di mo naman sinabi na ngayon ka dadating” biglang sulpot ni Ryota sa likuran ng mga babae. Yeah, kaibigan ko ang isang Ryota Min Ho. 

“Medyo uso ang surprise eh” biro ko. Napatingin ako sa nasa likod niya na parang kumikislap na ang mga mata. Namiss ko ang taong to.

“Waaah! Ikaw nga!” masayang salubong niya. Lumapit nalang ako at niyakap siya.

“How’s my Princess? Lalo kang gumaganda ah” pagpuri ko.

“Tss wag ka nang mambola. Nakakainis ka, hindi ka man lang nagsabi” reklamo niya. Ngumiti lang ako at ginulo ang buhok niya.

“Teka nga lang, magkakilala kayo?” tanong niya habang nakatingin sa amin ni Ryota. Hindi pa nga pala niya alam.

“ahh oo, magkaibigan kami” sagot ko naman.

“Hoy Ryota! Bakit hindi mo man lang sinabi sakin?”  

“Nagtanong po ba ikaw?” tch! ibang klase, ngayon ko lang nakitang ganito si Ryota sa isang babae. Good to know na close na sila. Samantalang kapag nagkukwento ako sa kanya, pinagtatawanan niya lang ako palagi. Ang corny ko daw kapag sinasabi kong mahal na mahal ko si Yomi. Psh. 

 “ehh hindi pero.. aish! Kaasar to.” Ang cute talaga nang pinsan ko. Namiss ko ang boses nang isang to. Parang ayaw ko na tuloy bumalik sa Korea.

“Kriiiinnnnnnnnnnnnng!!! ♫♪” Mukang labasan na sila

“Cy, wait lang ah. Kunin ko lang bag ko” paalam niya, ngumiti naman ako at tumango.

[Cy (read as SAY in tagalog).]

“Ryota salamat sa pagbabantay ah” sabi ko habang nakatingin kay Yomi na naglalakad palayo.

“wala yun, it's my pleasure. Ang saya nila kasama tsaka ibang klase ang turing nila kay Yomi. Sa tingin ko naman safe siya sa kanila, ewan ko nalang pag lumabas na si frog princess.” Sabi niya at napatawa. Frog princess parin talaga ang tawag ni Ryota sa isang yun.

Eto na pala sila. “Guys ipapakilala ko sa inyo ang anak ni Tita Miruhi,  si Cyrus. Pinsan ko Cy, eto sina Kuya Shin, Rence, Kevin, Iris, Younha at Carl” sinabi niya ang pangalan habang itinuturo isa-isa ang mga tao dito sa harap ko. Napatingin ako kay Younha na bahagyang nag-bow sa akin. Nakuha naman ang atensyon ko nang isang babaeng may pagka cold ang aura. Iris is her name if I'm not mistaken. May kakaiba sa mga mata niya but I can feel that she's a good one.

Nakipagkamay nalang ako sa kanila isa-isa. Halos alam ko narin naman ang tungkol sa kanila. Walang makakaligtas na kwento kay Mama. Interesado din ako sa kanila kaya hinahayaan ko lang na magkwento sakin si Mama. Mas naging interesado ako nang makita tong si Shin. Gusto kong makita ang mga similarities nang kapatid ni Yomi sa kanya.

Magkakasama kaming umuwi at nagkwentuhan narin. Madali ko namang nakasundo ang mga kaibigan niya lalo na si Shin. Tama nga si bunso, may mga similarities nga sila ni ate Yumi. Bigla ko tuloy namiss ang isang yun. 

Anyway, nandito na kami ngayon sa bahay ng MuMeSmile, dito na nga pala titira si Yomi. Sayang di ko na makukulit ng todo pero alam kong di siya pababayaan ng band kaya panatag naman ako kahit papano. Nagsisimula na talaga siya sa pagtupad nang pangarap niya. I’m happy for her.

Nakakapagod ang maghapon nato pero masaya naman. I think I'm going to stay here for a long time nand for good.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~♫

A/N: Waaah pagpasensyahan kung parami na nang parami ang mga characters. Sana di kayo mailto Kasi ako nalilito na. De jk langs :3 . Thanks po pala sa mga nagbabasa kung meron pa man. :D

Feel free to comment and vote po kayo kung nagustuhan niyo. Thank you~~  

MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon