SHIN'S POV
Ang saya ng araw naming kahapon. Natupad ang plano ng banda para kay Carl at Yomi. Kasabwat kaming lahat sa plano ni Rence. Syempre, pinaghandaan namin yun. Dinamihan ang breakfast at nagbaon nang lunch na si Rence mismo ang naghanda since siya ang nag isip. Hindi ko rin alam ang tumakbo sa isip niya sa pagpaplanong yun pero exciting kaya sinubukan namin. Ang prinsipe at prinsesa nang MuMeSmile. Uso din naman minsan ang maglibang.
*YAWN* Andito na nga pala kami sa school. Parang gusto kong matulog. Alas dos na kami nakatulog kagabi maliban kay Yomi. May pinagusapan kami nina Manager na hindi pwedeng malaman ni bunso kaya naman hinintay namin siyang makatulog. The worst, 12:00 siya natulog kaya kami ang napuyat nang husto.
“Kuya, nandun na yung mga co-officers natin” sabi ni Yomi nang makalapit sakin. “Oh sige tara na” yaya ko. Ako ang president nang mapeh club kung saan muse si Yomi at escort si Ryota kung natatandaan niyo pa. At dahil celebration nang buwan ng Wika this week, Mapeh club ang naka assign sa stage decoration.
Madaming contest ang gaganapin at presentations. May mga bigating guest din na iimbitahan kaya mas pinaganda ko ang set-up. May inutusan ako para maglagay ng spotlight at iba pang effects. Actually, palaging may ganun kada program pero ngayon, mas pinaghandaan ko ang plano para sa isa pang mahalagang okasyon sa araw na yun.
Magaling naman sa arts si Yomi kaya hindi kami masyadong nahirapan. Nakikipag cooperate naman ang lahat kaya mas magaan ang gawain. Pero grabe na ang pawis namin sa init.
“hey guys! Towel oh” alok ni Younha. Kinuha nalang namin ito at nagpatuloy sa ginagawa.
~~~~~~~~~~~~~~~♫♪
Agad kaming nsinalubong ni Manager pagpasok palang nang gate. Ano na naman kayang binabalak niya?
“Guys magbihis kayo, pupunta tayong mall” see? She’s really up to something when she’s acting like that.
“Pwedeng maupo muna Manager?” natawa nalang kami at sumangayon sa request ni Rence.
“Hindi ako makakasama, may pupuntahan akong importante” sabi ko nang makaupo na sa living room. Grabeng pagod ang inabot namin sa maghapon.
“I’m coming with Shin” sabi naman ni Kevin. Magsasalita na si Carl nang takpan ni Manager ang bibig nito. Tss. She’s not really that matured. “Carl, Yomi at Rence, samama kayo sa akin. Sina Shin at Kevin lang ang papayagan ko. Alam ko namang wala kayong importanteng lakad”
“But I’m too..”
“No more buts” wala namang nagawa sina Rence kundi ang sumama. Too bad for them. Haha. Halos magkakasabay lang kaming umalis nang bahay. Tinawagan ko si Ryota para papuntahin kina Cyrus at syempre si Cyrus para ipaalam na pupunta kami. Yun ang importanteng lakad ko dahil may importante akong sasabihin sa kanila.
MANAGER’S POV
Nandito na kami sa mall. It’s good to be here again with my babies. Matagal-tagal narin akong hindi nakapagshopping nang kasama sila kaso hindi sila kumpleto ngayon. Pumili na ako nang mga damit para kay Yomi at inutusan sina Rence at Carl na maghanap nang para naman sa kanila.
“Yomi isukat mo nga to” utos ko sabay abot nang isang dress. Kinuha naman niya ito at isinukat.
..”hmm.. balik balik”
“panget”
“try another one..”
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Teen FictionThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...