NAOMI’S POV
“Kuya pupunta lang ako sa locker room, kukuha lang ako nang extra towel” paalam ko kina Kuya. Tumango naman siya. Nandito kami ngayon sa stage at ipinagpapatuloy ang pagaayos.
“Teka Yomi, sama na ako” habol ni Ryota. Hinintay ko naman siya. Pagdating ko sa locker ko, may panibagong card na naman na nandun.
“Hello there Naomi Kim Park! You’re really enjoying you’re life huh? How’s your knight and shining armor? I think he’s cute. Keep safe my dear!”
yan ang nakalagay dun. Mukhang hindi na to nang ti-trip lang. Ano bang gusto nang mga taong nagpapadala nito? Magbabanta nalang, luma pa ang strategy. Tss. Gamit na gamit na kaya ang mga card thingy na to. Psh.
“Pwedeng akin nalang? Ang ganda nang design, astig oh” tiningnan ko nalang tong si Ryota na nakangisi ngayon at ibinigay sa kanya ang card. Baliw talaga siya.
“Sino kaya may pakana niyan ?” tanong ko.
“Kailan ka pa nakakatanggap ng ganyan?” biglang sumeryoso ang mukha niya habang nakatingin dun tapos tumingin sakin. “Tell me”
“Noong periodical exam natin nagsimula tapos araw-araw na. Ewan ko ba. Hindi ko lang yan pinoproblema dati dahil sanay naman na ako sa mga trip nang mga tao dito pero ngayon kakaiba. Parang iba ang kutob ko dito” Pwera biro, I’m nervous, I’m worried.
“May problema ba?” tanong ko sa kanya. Nakakunot lang ang noo niya at nakatingin sa malayo. “Ha? Aa wala wala. Tara na” sumunod nalang ako sa kanya at bahagyang nagmasid sa paligid. Sa tingin ko, halos araw-araw akong nakikita nang taong nagpapadala ng mga sulat na to. Pagdating sa stage, tinapos na namin ang pagdedecorate at umuwi na. Excuse naman ang mga officers sa klase at halos hindi na kami naka attend sa buong maghapon.
~~~~**
“hey guys! What’s up?” oh! Si Cy pala, ilang araw ko din siyang hindi nakita.
“Hoy! Ang tagal mong hindi nagpakita ha. Ni hindi ka man lang tumatawag o nagtetext” sabi ko sa kanya habang papalapit siya samin.
“Naging busy e, mahirap kaya ang buong kolehiyo” depensa niya sabay gulo nang buhok ko. Aish! Kapag talaga eto ang kasama ko kailangan may nakahanda na akong suklay.
“Cyrus, yung sinabi ko sayo ha? Don’t forget” sabi ni Kuya Shin, tumango naman si Cy. May pinagusapan sila? Oh well, hindi ko na dapat pakialaman yun. “I’m ready bro”
“Pano, mauna na kami. Bukas Cy! Wag kang malelate” sabi naman ni Kevin. Seriously. Andaming nangyayari na hindi na ko makarelate.
Pagkauwi naming sa bahay, nag ayos lang kami nang sarili, nag merienda at pumunta nang music room. Nagyaya silang tumugtog. Since hindi naman kami masyadong busy ngayon dahil tapos na ang exam at ang pag decorate, magpapractice nalang muna kami. Matagal tagal nadin bago kami nabuo dito sa music room. Nandito din si Manager at ginabayan kami sa pagtugtog at kanta. Madami din akong natutunan sa kanya.
~~~**
“Good Morning” Bati ko kay Manager na nanunuod ngayon nang movie habang kumakain nang french-fries. “Oh you’re up. Good mor--- waaaaa” para siyang bata kung matakot. Haha. Nasa sulok lang siya nang sofa at nakaubob.
Dumiretso nalang ako sa kusina para magbreakfast. Sakto, hindi talaga kami pinababayaan ni Manager. Ang dami nito. Teka nasan pala ang iba?
“Manager? Nasan po ang mga tao?” sa pagkakaalam ko, nasa school si Kuya dahil aasikasuhin niya ang program para mamaya. Pero yung iba, dapat andito lang.
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Teen FictionThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...