" Calla " tawag ko sa kanya. Lumingon siya at ngumiti. Kumaway siya sa akin at nagpatuloy na sa paglalakad.
" T-teka sandali! "sigaw ko sa kanya pero nawala na siya na parang bula.
" Calla! " napabalikwas ako sa kama, napanaginipan ko na naman siya. Nakakainis.
" Woah! Napanaginipan mo na naman? " tanong naman niya sa akin.
" Shut up " sagot ko sa kanya.
" Hard mo naman! " sabi naman niya saka umalis sa kwarto ko.
Tumingin ako sa orasan alas tres pa lang ng umaga, teka? Anong ginagawa niya dito? Bumaba ako agad at doon nakita ko siya na naka upo sa may sala, nakatulala.
" Anong problema? " tanong ko sa kanya, pero ngumisi lang siya.
" Anong problema? Diba ikaw ang dapat tinatanong ko niyan. Anong problema? Matagal na siyang patay, iniwan ka niya pero bakit hanggang ngayon mahal mo pa rin siya? " tuloy tuloy niyang sabi.
" Patay? Baliw k aba? Hindi pa siya patay! " hindi ko napigilan ang inis ko sa kanya, madalas talaga nagiging madrama ito nasobrahan lang ngayon.
" Ay oo nga pala nasa Amerika lang siya sorry, pero tingin ko dapat mo na siyang patayin....diyan sa puso't isip mo " sabi naman niya magsasalita pa sana ako pero hindi naman niya ako hinayaan at nagsalita ulit.
" Oo mahirap iyon pero apat na taon na.... " pagkasabi niya non akmang aalis na siya ng pinigilan ko siya.
" Sorry " sabi ko na lang sa kanya.
" Pero bakit ka nga pala nandito? "pagiiba ko ng usapan, nanlaki ang mga mata niya atsaka tumakbo palabas ng pinto.
*******
Weird. Lumipas ang mga araw pero wala siya at hindi pumunta sa bahay, sa totoo lang na mi-miss ko siya.
Sa paglalakad ko may napansin akong isang babae nakapuo lang sa bench at nang tumingin siya sa akin napaatras ako, napansin ko kasing lumapit siya sa akin.
" Need advice? "tanong niya ng makalapit siya sa akin nakunot ang noo ko magtatanong pa sana ako pero agad din siyang umalis...tumakbo siya nang mabilis.
Binasa ko ang calling card na ibinigay niya sa akin.
CL-LA? Weird, nakalagay dito na kung kalian mo ng advice tungkol sa pag ibig at sa buhay sila ang tawagan mo.
Dahil na curious ako pinuntahan ko ang address at sa pagpunta ko napansin kong medyo malayo ito sa bayan. Agad kong nakita ang building dahil iyon lang naman ang pinaka malaking building dito.
" Kuya!" napatingin ako sa tumawag sa akin, yung babae hinila niya ako at pinaupo sa isang bench.
" Sabi ko na nga ba at pupunta ka, unang beses pa lang kitang nakita alam kong kailangan mo ng advice, ngayon anong klaseng advice? " paliwanag niya sa akin.
" Huh? " yun lang ang nasabi ko sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
" Mister please pumunta ka dito kasi curious ka, o trip mo lang kaya pwede ba gawin mong trip ang pagsabi sa akin ng kwento. Oh and don't worry wala namang makakaalam eh ako lang at isa pa stranger lang namana ko sa iyo. Alam ko na stranger ako pero please... " tuloy tuloy niyang sabi. Langya ang ingay ng babaeng ito. Tutal wala naman akong masabihan at mukang wala itong balak na umalis sa harap ko magk-kwento na lang ako.
" Meron akong girlfriend..." hindi ko pa nauumpisahan pero sumabat na siya, nakakainis lang.
" Pero nasan na siya, iniwan ka niya no? Meron nang iba? Ano ? Wait baka ikaw ang nang iwan, sama mo naman. Baka may dahilan ang lahat."
" Pwede bang making ka muna" inis na sabi ko.
" Okay " tipid na sagot niya.
" Nakipag hiwalay siya sa akin...pumunta na kasi sila sa Amerika. Akala ko may pag asa pa kami pero isang araw nakita ko na lang ang facebook niya ng may kasamang lalaki at sabi boyfriend niya iyon. Nakakainis lang kasi naka move on na siya pero ako apat na taon na ang nakalipas hindi pa rin " kwento ko.
" Woah move on move on rin pag may time kuya! "sabi niya natawa ako.
" Para kang bestfriend ko " sabi ko sa kanya.
" Girl ba siya...well wala naming kaso kung boy pero weird kasi girl ako tapos boy... " napangiti naman ako sa inasal niya.
" Babae siya, alam mo parati siyang andyan sa tuwing may problema ako. Kaya lang hindi ko alam kung saan na siya haay yun talagang babaeng iyon kung saan saan nagsusuot " kwento ko sa kanya pero nakangiti lang siya.
" Miss mo? " hindi ako nakapagsalita sa tanong niya ewan ko ba kung bakit.
" Kuya, about sa girl na naka move on na, kung siya kaya bakit ikaw hindi? Masyado ka yatang nagho-hold sa past eh. Ganito kasi yan para maka move on, kailangan mo munang kalimutan unti unti ang mga bagay about sa kanya. Paano ka makakamove on kung inaalala mo pa rin siya? Bakit hindi mo i-try na tumingin sa iba? Paano kung hindi naman siya ang 'Da One ' paano kung andyan na ang 'Da One' pero hindi mo napapansin kasi yung ex mo lang inaalala mo " sabi niya sa akin, natahimik ako sa sinabi niya.
" Yeah, yeah alam kong mahirap pero kasi baka akala mo mahal mo pa rin siya..baka akala mo na lang.......at maraming namamatay sa maling akala " dagdag pa niya.
" Alang sense na ba? Pero feeling ko kasi may feelings ka kay bestfriend na hindi ka iniwan.....sorry pero ship ko kayo at alam mo ba lahat ng ship ko nagkakatuluyan? " sabi pa niya pero pagkatapos nun tumayo na siya.
" Kuya bata pa ako kaya wala naman akong masyadong mai-advice kaya naman bye muna ha " sabi saka umalis pero tumigil din siya sa kalagitnaan ng paglalakad at tumingin siya sa akin.
" At kung kailangan mo ulit ng advice, Just call CL-LA and we'll be there " pagkasabi niya non tumakbo na siya papasok ng building. Umuwi na rin ako pagkatapos nun at doon ko siya nakita.
" Mielle, san ka ba nagsusuot? Bakit hindi ka na pumupunta sa amin? " tanong ko sa kanya.
" Matagal koi tong pinagispan, alam kong maaaring masira ang pagkakaibigan natin pero kailangan mo itong malaman " alam ko na ang sasabihin niya, sa kilos pa lang niya.
" M-Mahal kita...matagal na, alam kong mahal mo pa rin si Calla pero sana pagbigyan mo naman ako. Tutulungan kitang makalimutan siya " umiiyak na sabi niya.
Hindi ako nakapag salita pero niyakap ko siya. Siguro nga ito na ang tamang panahon para makalimutan ko siya, para tumingin naman ako sa iba. Dahil gaya nga nang sabi nung babae baka nandito lang yung ' Da One ' pero hindi ko lang nakikita.
Pero tingin ko nasa harap ko na siya at yakap yakap.
*****
A/N
Hello, isang one shot featuring CL-LA sana masuportahan niyo ang CL-LA. Pati na rin ito.
BINABASA MO ANG
Moving on: Da One ( un tiro )
Teen FictionHindi ka move on? Tumingin ka sa iba baka nasa tabi mo lang si 'Da One' Book cover by: endorphinGirl