~~~~~***
KEVIN'S POV
“Hi guys! Gala tayo!” bungad nina Younha at Iris pagkapasok nang bahay. Kasama nila sina Cyrus at Ryota.
“Baka gusto niyo munang maupo bago magyaya?” sarkastikong sabi ni Rence.
“Can you please.. lower your voice? Tulog si Yomi” pagsaway ko sa kanila.
“Ooppps, teka ahh sa mall nalang kaya?” bulungan nila. Tss. Mga sira talaga. Ang sabi ko hinaan lang hindi magbulungan.
Nakahiga pa si Yomi dito sa couch. Mukhang napagod sa mga pakana namin kahapon. Masaya ako para sa kanya. We planned all those things ‘cause we want all the best for her. Sa kabila ng mga pinagdaanan niya noong mga panahon na wala pa kami sa tabi niya, masaya akong makita na nagagawa pa niyang ngumiti at magbiro. She’s a tough one. Ramdam ko kung gaano kahirap ang lahat para sa kanya, hindi mo masasabing naka-move on ka na o makakapag-move on ka dahil it takes a life time to forget everything. She's a joyful girl. She always wear a smile pero alam kong sa likod nang mga ngiting yun, may mga lungkot na hindi niya maipakita. Pero sa nangyari kahapon, alam kong may totoong ngiti siyang naipakita sa lahat. Saktong-sakto din ang kinanta namin para sa kanya.
“Ah sa mall, sa park? O manuod nalang tayo nang movie?” excited na suggest ni Younha. *sigh* Wala silang kapaguran. Imbis na nakapag pahinga dahil walang gagawin mas pipiliin pang maggala.
~~~**
“Kyyyyyyaaaaaaaaaaah”
“mumesmile waaaaaahhh”
“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah”
Nandito na kami sa sinehan. May magagawa ba ako? Gusto talaga nilang maggala eh. Ayoko namang maiwan sa bahay mag-isa. Nakakabagot.
Humanap nalang kami nang pwesto na wala masyadong babae. Nagsimula na ang palabas at tahimik kaming nanuod. Katabi ko dito si Cyrus at Yomi.
“Oh” sabi niya na parang nagulat, napalingon naman ako. “Problema?”
“Ah wala. Nakatulog na pala si Carl” Pansin ko nga. Siya ang pinaka naging abala sa amin para sa preparasyon bukod kay Shin. Siya din ang hindi masyadong makatulog, halos hindi na nga ata natulog. Hindi sila masyadong nag-uusap ni Yomi at kung mag-usap naman, minsan lang maging tino. Pero kahapon, nakita kong gusto ni Carl ang ginagawa namin.
“Pano na to? Pwede mo ba itanong kay Cy kung nakabili siya nang maliit na unan?” ibinaling ko naman ang atensyon kay Cy at sinabi ang ipinatatanong ni Yomi. Ibinigay naman ni Cy ang unan at inilagay ko yon sa balikat ni Yomi para pagpatungan nang ulo ni Carl.
“Thank you Kevin. Mas kumportable na siya niyan” sabi niya habang nakatingin kay Carl at ngumiti. That innocent smile makes me smile. Tinap ko nalang ang balikat niya at bahagyang ngumiti tapos bumalik na ako sa panunuod. Maya-maya naman namalayan kong bumabagsak nadin ang ulo ni Yomi. Tingnan mo to, kanina ang saya-saya pa niyang nanunuod tapos binanatan nang tulog. Kakaiba talaga.
Nagulat nalang ako nang magliwanag na ang paligid. Natapos na ba nang hindi ko man lang na-enjoy? *sigh*
“Oh they’re sleeping” puna ni Younha. Nakatayo na sila sa harapan ko at pinagmamasdan sina Carl. “Sayang naman ang pinangbayad ng dalawang ‘to sa ticket, tsk tsk” sabi ni Rence habang umiiling. At talagang ang ticket pa ang naisip niya. Pambihira.
“Anong dekada kaya sila pwedeng gisingin? Nakakapang hinayang gisingin mukang ang himbing ng tulog nila” tanong naman ni Shin. Pero sa tingin ko, sa ingay palang nila magigising na tong dalawa.
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Teen FictionThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...