[Chapter 28] ♫ It's just a feeling

1.9K 40 3
                                    

YOMI'S POV

*YAWN* Ang haba ng tulog ko.  7:00 am palang pala.  "Good Morning Mo- M-Manager" bati ko. Muntikan ko nang masabi na Mommy. *sigh* Panaginip lang pala yun.

"Good Morning bunso, oh grab you breakfast na" sabi niya, sumunod naman ako.

 "Have you eaten yet?" tanong ko bago kumain."Yep!  just preparing same dish for the boys, napuyat kagabi ang mga yun naglalaro pa ng video game nung dumating ako, so yah. " kaya pala tulog pa, kadalasan kasi mas una silang nagigising sakin.

"Kayo po? ‘Bat ang aga mong nagising?Hindi ka ba napuyat kagabi? mukang late ka na po dumating" tanong ko

"Napuyat din, nakilaro ako eh. Alam mo na. Haha. sanayan nalang naman yan, ilang taon narin akong gumigising nang maaga  para sa band kaya nasanay na. Mas gusto ko kasing ako nalang nagaasikaso kapag wala akong ginagawa kesa naman kumuha pa ako ng maid. Tsaka sa dami ng pagod at pressure na nararamdaman ng mga yan at ninyo, eto nalang magagawa ko" na-touch ako dun ah. Haha.

 "Pero don't worry, pag po pagod kayo tapos weekend naman, you can count on me. Pwede naman pong ako nalang gumawa para makapagpahinga naman kayo. Bawal yung inaabuso katawan ha?" sabi ko na parang nangsesermon. Tingin ko naman, mas grabe ang pagod niya kesa samin.

"Kaw talaga! Oh sige para masanay ka na din. haha. Tsaka ikaw din bawal inaabuso katawan baka mamaya eh magpagod ka ng magpagod, mahihirapan ka pag biglang may mga gig na pupuntahan. And, speaking of, may gig kayo this 3rd week of the month. Yun ang pinagkaabalahan ko kahapon"  seriously?

“Grabe, biglang lumakas ang tibok nang puso ko dun ah” sabi ko na parang nakikiramdam. Bigla akong kinabahan.

"Ganyan talaga, first time mo e, masasanay ka din. You can do it, you have the talent and just believe in yourself" sabi niya sabay gulo nang buhok ko. Bakit ba palagi nilang ginugulo ang buhok ko? *sigh*  Oh well. “Yah Manager, Lalabas lang po ako saglit ah?”

“Wag kang lalayo ah” tumango naman ako. “Dito lang po ako sa garden” paalam ko at lumabas na. Ang aliwalas nang paligid. Woah, ang sarap nang simoy nang hangin. Humiga nalang ako dito sa may bench at tumingin sa ulap.

*SIGH*

What a relief. Same sky, same me, new house, new friends, new life. Ang bilis talaga ng panahon parang kahapon lang kasama ko pa sina tita at parang bata na nagpapasaway, kalaro ko pa si Cyrus, kasama sa kulitan, galaan, tapos ipapagtanggol ako sa mga bullies tapos magkasama kaming nag te-training nang martial art.

Pero ngayon, andito ako kasama ng mga kaibigan ko at the same time ka band mates, naisasakatuparan ko na yung mga pangarap ko. And I'm really really happy about that.

I wish mom and dad is here with my sister. I miss our bonding moments very much. Napanaginipan ko ang mga yun kagabi.

Alam niyo yung feeling na, parang kahapon lang nakakausap mo pa sila at nakakakulitan, sila yung gigising sayo every morning. Hihila ng kumot mo pag ayaw mo bumangon tapos papagalitan ka pag may nagawang masama. Tapos mas mauuna pa silang umiyak sayo kapag nasasaktan ka.

Sila yung audience mo kapag kumakanta ka sa bahay, taga palakpak at nagbibigay ng fake flowers.

Sa halip na tulungan kang bumangon kapag nadudulas sa loob ng bahay, sila pa yung tatawa ng malakas. tapos kinabukasan magigising ka nalang na ang lahat ng yun, isang ala-ala at parang panaginip nalang. Mga ala-alang hindi na kailan man maibabalik pa.

Ang saya ko sa panaginip ko, kasi akala ko nandito talaga sina Mommy. Na buhay pa sila at isang panaginip lang na nawala sila kaya lang mali pala ako. Baliktad pala talaga ang dreams at reality.

MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon