[Chapter 30] ♫ Values time *Part 2

1.7K 36 1
                                    

 ~~~~~~~~~~~~~~**


“Ano yung sayo?”

“waaaah!!..ang cute ng bracelet”

"what's yours?"

“blah blah”

 
Mukhang excited silang lahat para sa activity na to.


“Ready na ba lahat?” tanong ni Maam na kakapasok lang. Tapos nagsimula na siyang tumawag isa-isa.

"okay thank you.. next is Natasha"  pagtawag niya dito. Pumunta naman si Natasha sa unahan nang nakangiti at itinaas ang hawak na kwintas.

“This golden necklace is the one that's very important to me. Ang mahal ng bili ko dito kaya I won't let anyone break this one. And eto pang isa na necklace. Gift nang parents ko sakin, mahal din to at ang pinaka favorite ko sa lahat. Ang tagal na niyo sakin at hindi ko hahayaan na may humawak na iba” sabi niya at nagbow nang bahagya. Kakaiba, parang bukod sa ipinamukha niyang maganda yun, wala na kong makitang ibang halaga. Matatanggap ko pa sana kung sinabi nalang niya na pinapahalagahan niya yun dahil regalo nang parents niya. *sigh*

"O-kay? You may sit. Next, Diane Bale" 

"The most important thing for me is my Pride. I’ll make it short and clear. Kilala na naman ako nang halos lahat. Ako yung taong hindi papayag na apak-apakan lang. Hindi ako papayag na mapunta sa ibaba. Hindi ako papayag na hamakin ako nang kahit sino at pagsalitaan na ikabababa ko. Hindi rin ako yung tao na basta nalang nagsosorry.  And maybe, that’s the reason why they see me as a mean person. Well, I can’t do anything about that. I’m just leaving the way I want. That’s all” Wow, she really honest now. Kahit papano, naiintindihan ko siya.  

"Next Nicole.. "

"This serves as my hero” sabi ni nila at itinaas ang isang mask. “Through this, I can express myself freely. Nagagawa ko ang mga bagay na gusto ko kasama ‘to. Sa likod nito nakikita ko yung mga ugali ng bawat tao na nasa harapan ko without them noticing that I care, I’m touched, I’m hurting or I’m happy. I loved to hide behind this mask. Tinutulungan ako nitong maging matatag. I can cry without letting other people know it.  Sa lahat nang pinagdadaanan ko, ito lang  yung nagiging sandalan ko. Whenever I wear this, I feel like, I can do everything. That’s why I really treasure this mask. Sa ngayon, this is the most important thing for me”  

Bakit pakiramdam ko, ang dami niyang pinagdadaanan? Bakit parang ang dami niyang mabigat na dinadala? Sino ba ang isang Nicole? Nacucurious tuloy ako. 

Kung yung mask naman ang pag-uusapan, maganda siya. Kakaiba ang porma, hindi masyadong pangbabae. Pero ‘tong mga katabi ko, hindi maganda ang pinta nang mga mukha. Anong problema nila? Weird.

 “Okay. Maganda ang ipinakita niyo sa activity na to. May mga taong mas nakilala ko pa, naintindihan ko ang personality at kung ano pa” sabi ni Ma’am at tumayo sa may gilid. 

“Karamihan sa inyo puro material things ang pinahahalagahan like what I'm expecting pero I found a group of people who gave importance to each other. Naappreciate ko ang mga isinulat nila at ang pagpapahalaga sa isa’t isa. Alam ko na hindi sila nagkopyahan, hindi nila tinanong ang opinion nang kahit sino dahil nandito naman ako noong oras na ginagawa niyo yan. May mga natutunan ako sa kanila noong mabasa ko ito. At umaaasa naman ako na, may matututunan din kayo mula sa kanila. O-kay, so first, let me hear yours, Younha Kang” sabi ni Ma’am tapos ngumiti at umupo na ulit.

 "Hindi pa ako makamove on sa mga sinabi ni Ms. Go, Ahh ano bang sasabihin ko?” nasabi niya nang makapunta sa unahan at napahawak sa batok.

MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon